21 ~ We meet again

199 12 8
                                    

Aleah's POV

Unti-unti akong napamulat nang ma-realize kong umaga na pala.

Ugh, ang sakit ng ulo ko. Kainis, napa-sobra ata ako sa inom.

Kinuha ko agad ang cellphone ko at chineck ang oras.

7:15 a.m

SHT, 8:00 MAGS-START YUNG FIRST CLASS KO! AISH.

Dali-dali akong bumangon at nag-ayos ng sarili ko. Myghad, traffic pa naman.

Habang nagbibihis ako ay bigla kong na-realize na..

"Shit! Yung kotse ko nga pala naiwan ko sa parking lot kagabi!"sigaw ko. Diba nga kasi, si Denrick na lang yung naghatid sakin dito.

Jusko, pano na to.

Eksakto namang nag-ring yung phone ko.

From: Denrick

Don't worry, inihatid ko na sa parking lot ng condo yung kotse mo. Don't be late for school :)

Letse, ang weird niya rin.

Pero, thank God at naisipan pa yun ni Denrick. Dibale, mamaya ko na lang siya pasasalamatan kasi baka ma-late na ako.

**

Aish, letse. Bakit ba ang traffic? Jusko naman, 5 minutes na lang oh!

Tapos eto pa. Nakisabayan pa yung ulan sa traffic. Ano ba naman yan, wala pa naman akong dalang payong.

7:57

3 minutes na lang pero wala pa ring improvement sa galaw ng traffic. Ugh, dapat kasi maaga akong nagising eh!

7:59

Wala na. Di na ako aabot neto. Jusko, hanggang ngayon konti palang ang andar ng traffic. Kainis.

Sinapo ko naman ang ulo ko nang maramdaman kong sumasakit nanaman yung ulo ko.

Ugh, di na nga muna ako papasok. Kailangan ko pa ng hang-over.

Tumingin na lang muna ako sa labas at eksakto namang nahagip ng paningin ko sina Kuya Aldrich kasama sina Ate Keena at baby Gabriel.

Napa-ngiti naman ako bigla. Aw, miss ko na rin si Baby Gabby.

Dali-dali kong pinark sa tabi yung kotse ko at bumaba sa sasakyan ko. Magb-breakfast ata sila sa Mcdo kaya makikisabay na rin ako.

Dinala ko yung ilang libro ko para gawing panakip sa ulo ko. Wala kasi akong payong so eto na muna.

While I was running at the middle of the rain, bigla namang..

*BOOGSH!*

Ahsht. Anubayan! Di niya ba nakitang nagmamadali na nga akong tumakbo dito tapos mambabangga pa siya? Gago yun ah! Sino ba yung lalakeng yun?

Nakita ko naman yung hinayupak na lalakeng nakabangga sakin na naglalakad na palayo. Samantalang ako, eto. Nakaupo sa kalsada at basang-basa na dahil nahulog yung mga libro ko.

Hah, at wala man lang talaga siyang balak na mag-sorry at lingunin ako? Ano ako dito, HANGIN? Walangya yun.

Agad akong tumayo at ibinato sa lalake yung isang libro ko. Dahilan para mahulog yung payong niya kaya basa na rin siya sa ulan. Hah, tama lang yan sayo.

"HOY!"sigaw ko sakanya.

Oh wait--parang nangyari na to dati ah. Ay ewan. Tsk tsk.

"Bakit mo ako binangga? Di mo ba ako nakita--"

Marrying the HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon