-Aleah's POV-
3 months later...
3 months na ang nakakaraan.. Pero, wala pa ring pinagbago. Nasa coma stage pa rin si Prince. Everyday, binibisita ko siya bago ako umuwi sa bahay. Mukhang di na ata mabubuo ang araw ko ng di man lang siya nasusulyapan. Ganun ko siya kamahal.
Mamaya, bibisitahin ko nanaman siya.
I went downstairs para magpaalam na kina Mom. Papasok na kasi ako sa school.
Pero, bago pa man ako makapagpaalam, narinig ko na yung usapan nila.
"Bakit mo ginawa yun?! Alam mo naman na maraming maaapektuhan! Di lang ang bussiness natin kundi lalong-lalo na si Aleah!"boses yun ni Mom.
Bakit nasali ako diyan?
"I need to do this! Kung di ko gagawin yun, babagsak tayo! Kung aasa na lang tayo sakanila, walang mangyayari! Pabagsak na rin sila at wala na silang maitutulong satin!"boses yun ni dad. Hindi ko maintindihan kung anong pinag-uusapan nila. But I can sense na may problema talaga.
"Pano na yung kasal?!"-Mom
"Wala na..."-Dad
Hindi ko talaga sila maintindihan.. Saka, anong wala na yung kasal? Hays, ang complicated nga naman -_-
I've decided na wag na lang magpaalam at dumiretso na lang sa sasakyan. Hayaan ko muna silang mag-away dun. Tss.
--
Papalakad na ako papuntang classroom ng biglang mag-ring ang phone ko.. May nag-text.
[Aleah, bibisita ka ba kay Prince mamaya?]
Text yan ni Ate Queenie, older sister ni Prince.
[Yes, Ate. Bibisita po ako. Lagi naman eh.]
Reply ko naman. Hmm.. Nakaka-panibago lang. Dati naman, di na sila nagtatanong kung bibisita ako eh. Hays -_- Baka nakalimutan lang ni Ate Queenie.
Dumiretso na lang ako sa classroom namin but then, bago pa man ako makapasok, nadaanan ko si Stephen.
Yes, 3 months na ang nakakaraan pero wala pa rin kaming pansinan. Gumaling na rin siya galing sa aksidente niya kaya nakakapasok na siya. Ewan ko ba pero, naaapektuhan pa rin ako sakanya. Mahal ko si Prince pero, meron pa ring parte sa puso ko na sinisigaw si Stephen.
"Princess.."tawag niya sakin. Napayuko naman ako at napa-pikit. Naisip ko lang, ang swerte nila ni Sam sa isa't-isa. Ang swerte ni Sam dahil napasakanya si Stephen. Mabait, maalaga, mapagmahal--yun si Stephen eh. Perfect.
Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad at iiwasan na sana siya ng biglang..
"Babe!"
Mas lalo akong napapikit.. I don't know pero, bakit nasasaktan pa rin ako everytime na tatawagin nilang 'babe' ang isa't isa? Di pa rin ba ako nakaka-move on kay Stephen?
Pinili ko na lang na umiwas at dumiretso na sa loob ng classroom.
Naupo na ako at huminga ng malalim.Nabaling naman agad ang atensyon ko sa katabi kong upuan.
Hay, naaalala ko nanaman si Prince at ang mga kalokohan niya nun.. Mga kalokohan niya na di ko inaasahan na magiging rason para mahalin ko siya ngayon..
Namimiss ko na siya. Namimiss ko na ang kaingayan niya, ang ka-gagu'han niya, ang kakulitan niya. Namimiss ko na ang pang-aasar niya sakin, ang pag-away niya sakin--lahat. I want him back. Gusto ko magising na siya. I'm willing to sacrifice everything just to see him wake up and smile again.. Everything.
![](https://img.wattpad.com/cover/37892282-288-k612497.jpg)
BINABASA MO ANG
Marrying the Hearthrob
Teen FictionMatutuloy pa ba ang kasal? "Marrying the Hearthrob" written by: -kookieness-