Chapter 10

2K 44 7
                                    

Sienna Loren Monroe

"Sie"

"Zely ano ginawa mo dito?"

"Aayain sana kita, punta tayo doon sa falls"

"Ah, wait lang paalam lang ako kay Lola"

"Sige"

"Laa!" Tawag ko kay Lola nang makapasok ako sa bahay.

"Nandito ako, Apo" rinig ko ang boses ni Lola sa may kusina

Pagpasok ko sa kusina, nadatnan kong nagluluto si Lola ng maruya para sa merienda.

"Laa"

"Bakit, Apo?" tanong niya

"Ah, aalis lang po kami ni Zely, tatambay lang po kami doon sa may falls" pagpapaalam ko

"Sige, mag ingat kayo mo Zely ah, bumalik kayo mamaya para mag merienda"

"Sige po, Lola" sabay halik sa pisngi niya.

Paglabas ko sa bahay nakita ko parin si Zely, nasa harap ng gate iniitay ako.

"Halika na" pag aya ko sa kanya, siya naman ay tumango.

Mga ilang minuto, nakarating na kami sa may falls.

Ang sarap talaga dito, ang aliwalas ng hangin, ang tahimik sobrang layo sa mga gulo.

"Upo tayo doon" Sabi ni Zely, sabay turo doon sa favorite naming pwesto, may malaking bato doon na pwedeng upuan habang nakababad yung paa mo sa umaagos na tubig galing sa falls.

"Bat mo pala ako inaya dito?" Tanong ko ng makaupo kaming dalawa sa may bato

"Wala boring sa bahay eh, wala rin doon sila Mommy at Daddy" sabi niya

Napuno kami ng katahimikan, ang tanging naririnig lang namin ay ang tubig at mga ingay ng ibon.

"Babalik ka sa Manila?" Tanong niya dahilan para napatigin ako sa kanya.

Tumango naman ako "Oo naman, pero matagal pa"

"Ikaw?" Balik na tanong ko sa kanya

"Oo"

"Kita tayo doon ah" dagdag niya pa

"Oo naman"

"Saan ka ba doon?" Tanong ko

"Sa—"

Ring, Ring, Ring

I woke up abruptly, started by the incessant sound of my phone.

Struggling to open my eyes, I fumbled around until I found my phone on the bedside table. As I grabbed it, I quickly checked the caller. It was Mommy, so I answered it right away.

"Hello po" Namamaos kong bati

"Oh nagising ba kita, Sienna?"

"Sorry"

"Okay lang po Mommy, bakit po pala kayo tumawag?" Tanong ko sabay hikab

A Very Special Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon