I woke up with a pounding headache. This was like the very first time in my whole life that I had no recollection of what had happened. My world is like turning upside down and this makes me dizzy.
Nagmadali akong bumangon nang mapansin ko ang oras sa bedside table ko. 10:21 am. I never woke up this late before.
"Kelan pa ako nagpalit ng damit?" Bulong ko sa sarili ng mapansin na nakamalinis na pajama na ako.
Kahit medyo nahihilo pa ako sinikap kong makababa ng hagdan.
What in the world happened here?! Nagulat ako ng mapansin kung gaano kagulo ang bahay. Para bang pinasok ng masasamang tao ang bahay namin. Wala sa ayos halos lahat ng gamit. May natapakan pa akong basag na bubog..
"Francine!!!Fritz!!" Nag-aalala kong tawag sa mga kapatid ko.
Agad namang lumabas ang dalawa mula sa kusina. Nakasuot pa ng apron ang dalawa.
"Anong nangyayari?!"
"Ah!! Gising ka na pala ate. Nagluluto kami ni Fritz ng pang breakfast natin." Sagot ni Francine habang may hawak na syanse.
Punong puno naman ng harina ang mukha ni Fritz. Nag-alala ako ng makaamoy ako ng parang nasusunog.
"Ay! Hala. Nasunog na naman yung pancake!!" Tili ni Francine.
Tinabig ko sya at pinatay ang kalan. Balak pa yata nilang sunugin ang tinitirhan namin.
"Anong ginagawa nyo? Bakit ganito kagulo ang bahay?"
Nakasimangot akong tiningnan ni Francine habang inaalis nito ang suot na apron.
"Wala kaming kasalanan ni Fritz dyan. Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung anong nangyari." Pagtataray na naman nito.
"Sumagot ka nga ng maayos Francine Mae!!"
Ansakit sakit na nga ng ulo ko ganito pa nangyayari. Napaupo ako sa upuan dahil medyo nahihilo pa ako at pakiramdam ko masusuka ako.
"Ate, hindi naman po si Ate Francine ang may gawa ng kalat eh. Ang totoo po nyan ikaw ang may gawa nyan.Lilinisin na sana namin ni Ate kaya lang nagugutom na kami eh kaya naisipan naming magluto muna." Inosenteng sagot ni Fritz.
Napatingin ako kay Francine pero umiwas lang sya ng tingin. I watched Fritz as he told me everything.
"Lasing ka kagabi ate at nagwawala ka. Natakot kami kagabi buti na lang nandun si Kuya Ryu."
Ang huling malinaw kong naalala ay ang pag-uusap namin ni Ryu habang walang tigil akong umiinom ng alak.
"Sinukahan mo pa nga sya ate eh sa sobrang kalasingan mo." Dagdag pa ni Fritz.
"Ano!? Seryoso ka ba?" Gulantang na tanong ko.
That could be the worst and embarrassing thing I could ever do. At sa isang tulad pa ni Ryu. Oh my God!.
"Like I thought, hindi ka maniniwala kaya kumuha ako ng pruweba. " sabi ni Francine habang ipinapakita sakin ang video sa cellphone nya.
Malinaw na malinaw ang kuha ng video at rinig na rinig din ang audio.
"Hey! Hey!! Heyeyeyehey! Hoy! Ikaaww shino kaaah?! Ikaaw baaah shi....Shupeeermaaan!!?"
Kitang kita sa video na inaalalayan ako ni Ryu na maupo sa sofa. I even poked his head and pinched his nose."Sit down!!" Rinig ko ang boses ni Ryu.
"Kashiii akoooo shiiii Darnaaaa! Shisigaw akooo!. Hep! Wait lang."
Hindi ko talaga maimagine na ako ang nasa video.
BINABASA MO ANG
My Hero is a Gangster *complete
Teen FictionLove will come when you least expect it. She's simple, kind-hearted and she shoulders all the responsibilities her parents left her. Even though she seem so strong, she's still weak and her heart is seeking for comfort. On the other hand, he is a...