Chapter 8
| Hello....anak?|
Saglit akong natigilan at hindi makapaniwala sa naririnig ko.
Si Papa? Si Papa ba talaga ito? Dire-diretso ng tumulo ang
mga luha ko.
"Pa..Pa? Ikaw ba yan, papa?"
Umiiyak na ako nun, Lumabas muna ako ng kwarto dahil baka
magising pa si Fritz. Naiiyak ako na hindi ko mapigilang hindi
ngumiti. Halos 2 buwan na rin halos hindi sya kumontak.
| Anak, Farine kamusta na kayo dyan ng mga kapatid mo?|
Kahit gusto ko syang sumbatan, hindi ko magawa kasi mas
nangingibabaw kung kaligayahan ko na marinig ang boses nya.
"Ayos naman po kami, kakukuha ko lang din po nung huli nyong padala"
| Hindi ba kulang? Pasensya ka na at masyado ng late ang tawag ko, nagbakasali
lang ako. Bakit gising ka pa pala?|
"Hindi po, mabuti nga po tumawag kayo, Pa miss na miss na namin kayo.kelan po
ba kayo uuwi?"
|Ang totoo kaya nga ako tumawag sayo, kasi gusto ko lumabas tayo kasama ng
mga kapatid mo..|
"Po? Ibig sabihin nakauwi na kayo galing China? Nandito na po ulit kayo?"
Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Sobrang matutuwa nito sina Fritz
at Francine.
|Oo. Kaya nga gusto ko sanang mag-usap tayo.|
Kahit parang badluck lahat ng nangyari sakin recently may good sides din naman
pala gaya ngayon makikita na ulit namin si Papa. After very long years..
Nagkwentuhan lang kami ng konti ni Papa, pero hindi ko sinabi sakanya na
nagpapart time job ako. Siguradong magagalit lang sya kapag nalaman nya.
Sinabi rin nya sakin kung kelan kami magkikita kita at kung saang lugar.
The next few days nothing ruin my mood. Kahit na hindi na ulit
tumawag si Papa pagkatapos nun, nagtetext naman sya paminsan-minsan.
Alam ko naman kung gaano kaabala si Papa sa mga business nya.
Tapos na ang unang klase ko at halos may dalawang oras pa akong bakante.
Magkakasama kaming nakatambay ng mga kaibigan ko sa may school garden.
"Uy, bunso bakit ang good mood mo yata anong meron?" sabi ni Lein
"Huh? Ah, eh..kasi wala lang, dadating kasi si Papa" sabi ko habang pangiti-ngiti pa.
"Oh! Talaga, good for you..kaya naman pala good mood na good mood ka!
Akala ko may bago ka ng papa boylets na pumalit na kay Papa Alric." sabi naman ni Grace
Sinimangutan ko lang sila, hindi naman sa bitter ako pero as long as possible
sana gusto ko iwasang mapag-usapan ang tungkol sakanya.
"Hay! alam nyo namang ayaw pag-usapan ni Far ang tungkol kay Alric diba?"
Tiningnan ko sila tapos napansin ko na bigla silang natigilan hindi ko alam kung
anong nangyari pero bigla na lang silang ngumiti. Hmm? Ano kayang meron?

BINABASA MO ANG
My Hero is a Gangster *complete
Roman pour AdolescentsLove will come when you least expect it. She's simple, kind-hearted and she shoulders all the responsibilities her parents left her. Even though she seem so strong, she's still weak and her heart is seeking for comfort. On the other hand, he is a...