Hindi na namin alam ang nangyari kay Brix nang isugod sya sa OR. Mabilis kasi kami umalis ni Ronald para hindi kami mahuli ng mga bantay nila.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako mkapaniwala sa nalaman ko. Paulit ulit lang tumatakbo sa isip ko ang mga huling sinabi ni Brix.
Save him....
Wala na kaming pinalipas na panahon at mabilis kaming lumisan ng bansa. Sinamahan kami ng dalawa sa gang ni Ryu na si Mico at Jasper.
Masyadong preoccupied ang utak ko ng alalahanin na mapapahamak si Ryu kumpara sa isiping bagong adjustment na naman ang pagpunta sa ibang bansa.
Agad rin naming nakilala ang pamilyang mag-aampun sa aming magkakapatid. Sa totoo lang nasa legal na edad na naman ako kaya lang hindi ko pwedeng iwanan basta-basta ang mga kapatid ko. Mabait ang mga kukupkop samin. Mag-asawang Filipino rin na nakatira sa South Carolina.
Agad naming nakasundo sila. Napag-alaman ko rin na ang pamilya nila ay naging biktima rin minsan ng sindikato at ang pamilya ni Ryuu ang tumulong sakanila..
Bago umalis sina Mico ay kinausap ko sila. Hindi talaga ko.mapapakali ng walang ginagawa.
"Sasama ako. Sasama ako sa Japan. Gusto kong tulungan si Ryu. Pakiusap." Pagmamakaawa ko.
Hindi ko alam kung sinong pagkakatiwalaan ko.
"Pero Farine. Masyadong delikado ang iniisip mo. Hindi natin alam kung anong plano nila." Sagot ni Mico.
"Hindi rin ako matatahimik kung nandito lang ako. I want to go. I want to see Ryu." Naiiyak na ako.
Hindi ko sila mapilit. Isa daw kasi sa priority nila at mahigpit na pinag-utos ni Ryu na siguraduhing ligtas ako.
Pero hindi ko kayang tatayo na lang ako basta dito ngayong alam kong nasa panganib ang taong ilang beses nagligtas ng buhay ko.
Tumakas ako. Sinigurado ko na nakaalis na sina Ronald papuntang Japan saka ako sumunod. Dahil unang pagkakataon kong marating sa Japan ay hindi ko alam ang gagawin ko.
Unang-una sa lahat ay kailangan kong mahanap kung saan ang headquarters ng Akaii Ryuu.
Sa laki at lawak ng Shibuya ay hindi ko alam kung saan hahanapin si Ryu. Wala rin akong alam na pagtanungan ng tungkol duon.
Saka ko naisip ang katangahan ko. Now what? What am I supposed to do? Gabi na at hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya kung saan ako magsisimula.
Sa paglalakad ko ay nakarating ako sa isang busy streets. Maraming tao at halos nagsisiksikan sa sidewalk ang mga dumaraan. Saka ako nakaramdam ng kaba nang mapansin kung anong lugar ang napuntahan ko. Lugar kung saan maraming lasing at maraming bar.
Sa pagmamadali kong makaalis sa lugar na yun ay may nabangga akong isang matandang lalaking lasing na lasing. Hihingi na sana ako ng sorry kaya lang ay bigla nya akong hinawakan sa kamay. Hinihila ako nito palapit sakanya. Nagwawala ako pero tumatawa lang ito.
"I'm sorry! Please let me go!" Pagsusumamo ko.
Sa dami ng tao ay wala man lang pumapansin sakin. Ang iba ay titingin lang at aalis na ulit. I feel so hopeless but I have to protect myself.
Kinilabutan ako ng muntik na akong halikan ng matandang manyak.
"Ah! Sumimasen! Sumimasen"
May lumapit na isang babaeng maigsi ang buhok. Kulay pula at may mapulang lipstick. Sa hitsura at suot nito ay hindi maipagkakailang nagtatrabaho ito bilang entertainer.
Kinausap nito ang matandang manyakis. Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila dahil Japanese. Nagulat na lang ako ng biglang umalis ang matanda at pumasok sa isang bar.
BINABASA MO ANG
My Hero is a Gangster *complete
Dla nastolatkówLove will come when you least expect it. She's simple, kind-hearted and she shoulders all the responsibilities her parents left her. Even though she seem so strong, she's still weak and her heart is seeking for comfort. On the other hand, he is a...