Chapter 17
Nakarating kami sa ospital at halos takbuhin ko na ang papunta sa
emergency room. Lumapit sakin ang isang babae na sa tingin ko
ay adviser ni Fritz.
"Ikaw ba ang ate ni Fritz?"
"Opo, ako nga po, ano po bang nangyari sa kapatid ko?"
"Nasagasaan kasi sya ng isang humaharurot na kotse,
hindi pa namin alam kung anong nangyari pero hanggang ngayon
nasa emergency room pa sya. Nahit and run ang kapatid mo"
Parang biglang nanghina ang tuhod ko. Gusto ko ng
mahimatay sa kinatatayuan ko ng maramdaman ko ang
isang braso na umalalay sakin. Lumingon ako at nakita ko
si Brix na nag-aalala sakin.
Iniupo nya ako sa isang bench. Hindi ko pa alam kung
anong nangyayari sa kapatid ko. Natatakot ako sobrang
natatakot ako.
Nakaupo lang ako doon at hinihintay lumabas ang doctor.
Biglang may tumunog na cellphone, ang inakala ko nga akin
kahit hindi naman kapareho ng ringtone ko.
Dinukot ni Brix ang cellphone nya sa bulsa ng pantalon.
"Hello"
"Oo nga! Wala.....sa ospital.....may sinamahan lang......Hindi.....Hindi nga sabi......
Tumigil ka.....Yan ka na naman.....Hindi pwede......ANo ba!."
Napansin ko na tumingin pa sakin si Brix, halatang naiinis sya sa kausap nya.
Sino kaya yun?
"Sinabi ng wala akong babae....nasa ospital nga sabi ako..."
"Shit!" napamura sya at tiningnan ang cellphone nya mukhang
binabaan sya ng kausap nya. Sa tingin ko rin girlfriend nya
yung kausap nya.
He stared at me with the sorry look. I smiled faintly at him.
"Thanks Brix, sige na puntahan mo na sya, baka magalit
pa lalo sayo yun. Ok lang ako dito"
Napansin ko na nag-aalangan pa yung hitsura nya. Malaki ang
utang ng loob ko sakanya.
"Brix, sige na...promise ok lang talaga ako dito."
"Sigurado ka ba talaga? Babalik din agad ako" sabi nya.
Lumapit pa sya sakin para yakapin ako at tapikin ang likod ko.
Magaan talaga ang loob ko sakanya. Pero hindi ko pa rin magawang
makangiti. Sobrang nag-aalala ako sa kapatid ko.
Twenty minutes after Brix left the doctor went out.
"Sino ang kasama ng bata?"
"Doc, ako po ang kapatid nung bata, Kamusta na po ang
lagay nya?"
Dinala ako ng doctor sa opisina nya. I just couldn't keep
up my normal heartbeat.
"Nacontact mo na ba ang parents mo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/4615861-288-k218729.jpg)
BINABASA MO ANG
My Hero is a Gangster *complete
Teen FictionLove will come when you least expect it. She's simple, kind-hearted and she shoulders all the responsibilities her parents left her. Even though she seem so strong, she's still weak and her heart is seeking for comfort. On the other hand, he is a...