Special Chap 2

1K 23 5
                                    

Matagal na rin noong huli kaming bumalik sa Pilipinas ni Farine.
Madalas kaming lumalabas ng bansa. We travelled alot, to avoid dangers until Akaii Ryuu is all settled.

Today is his father's birthday. Her siblings were back to his father's custody. They were all living in peace. Farine stayed civil with her dad.

Tingin ko kahit sinabi nyang napatawad na nya ang tatay nya ay hindi na nya kayang ibalik ang dati. Masyado nang maraming nangyari.

"Fei! How long are you planning to stay in there?!"

Kanina pa ako naghihintay sa kanya dahil mula pagkarating namin sa hotel ay nagkulong na ito sa banyo.

"Fei! Buksan mo nga to! If you don't open this in a minute. I'm going to f*cking break this door"

"Saglit! Saglit!"

Nagmamadali nitong sagot habang walang tigil ko itong kinakatok sa pinto.
Sa wakas ay binuksan na rin nito ang pinto.

"Ano ba kasing ginagawa mo dy--"

Natigil ang pagsasalita ko nang makita ang namumutla nitong mukha. Halos mawalan na ng kulay ang kanyang mukha na animoy nakakita ng multo.

"Anong problema? Masama ba pakiramdam mo?" Agad kong hinawakan ang noo at leeg nya.

Tumatagktak ang pawis nya at nanlalamig rin ang mga kamay nya. Maya maya ay humarap ito sa lababo at nagsimulang magsuka na wala naman syang isinusuka.

"I'll bring you to the hospital. Kanina pa masama pakiramdam mo di ka nagsasalita!"

Binuhat ko na ito dahil parang halos wala na rin lakas ang mga binti at kamay nya.

"I'm fine...."

"Don't tell me you're fine! For f*ck's sake. You look like zombie"

"Pangit na ba ako?"

"Have you seen a beautiful zombie!?"

"So pangit nga ako..." mahina nitong sabi.

"You're an exception."

"Hindi ko alam kung compliment ba yang sinasabi mo o iniinsulto mo ako"

"Both" tipid kong sagot.

Ibinaba ko muna sya sa kama at saka tumawag ng service na magdadala samin sa hospital.

Hawak hawak nito ang sentido at hindi makapagsalita.

"Masakit ba ulo mo?" hinawakan ko ang ulo nya at sinimulang imasahe.

"Medyo nahihilo ako."

"The service will be here in a minute."

"Okay lang ako, wag na tayong pumunta ng ospital." Pagmamakaawa nito.

Hindi ako nagsalita. Alam naman nyang hindi sya masusunod sa desisyong ito.

Wala rin itong nagawa nang buhatin ko sya pababa nang dumating ang service. I feel a bitter taste in my mouth and a punch in my gut whenever I see her in pain.

Hinihilot ko ang ulo nito habang nasa byahe kami. Pagdating sa ospital ay halos nakatulog na ito. Parang naguilty pa ako na gisingin ito dahil mukhang napasarap na ang tulog nya.

As we were walking inside the emergency room I saw a very familiar face. A face that I knew has been long gone. Tumingin ako kay Farine ngunit mukhang hindi nya ito napansin. Inaattendan na kasi ito ng isang nurse at kinukuhanan ng vital signs.

Nilingon ko ulit ang pwesto kung saan ko nakita ang pamilyar na mukhang yon ngunit wala na ito. Ginugulo marahil ako ng guniguni ko.

Tinawag na kami ng doctor sa opisina.
Masama pa rin ang pakiramdam ni Farine kaya nagtataka ako kung bakit hindi pa nila ito iadmit sa ospital.

"Doc, what's wrong with her?" diretso kong tanong.

Ngumiti ang doktor. "Nothing is wrong with her, she's perfectly normal. She's just experiencing early symptoms of pregnancy"

Nagkatinginan kami ni Farine at parang hindi makapaniwala.

"We're having a baby?!"

"Yes! Mr. And Mrs. Takeshi congratulations. We'll do an ultrasound so we can confirm how many weeks is the baby in your womb"

I saw the tears in Farine's eyes. Hindi ko alam kung nag aalala ba sya o masaya lang talaga sya, parang ako ay hindi makapaniwala.

I'm confused with the emotions I feel inside but something I'm certain. I feel proud. Hindi ko alam kung ganito ba talaga ang pakiramdam na maging isang magulang.

Nalaman namin na 3 weeks na ang bata sa tyan nya. Parang hindi pa rin ako makapaniwala. Dahil una hindi naman namin pinlano. We definitely not expecting it.

I guess this is the miracle I've been waiting my whole life.

Pauwi na kami at pasakay na ng taxi nang makita ko na naman sya. Sigurado akong hindi ito guni guni lang.

Isinakay ko si Farine sa taxi.

"Pakihatid sya sa Marshall hotel" sabi ko sa driver.

"Farine. I just have to meet someone. Get home safely at magpahinga ka. I will be back soon" paalam ko sakanya.

Mahigpit hinawakan ni Farine ang mga kamay ko

"San ka pupunta?" Bakas ang pag-aalala sa mukha nya.

"Wag ka mag-alala, sandali lang ako." Hinalikan ko ang kanyang noo para mapanatag sya. Bumitaw rin naman sya agad at tuluyan ko na pinaalis ang taxi

Sinundan ko ang taong hinding hindi ko inaasaahang makikita ko ulit. Nalilito man gusto ko pa ring malaman ang totoo.

Lumiko ito sa isang liblib na parte ng lugar.. Agad ko syang sinundan ngunit di ko na napansin kung nasan na ito.

Ilang sandali pa nakaramdam na lang ako ng matilos na bagay na nakatutok sa tagiliran ko at isang brasong mahigpit na nakasakal sa may leeg ko habang nasa likod ko ang taong ito.

"Hindi ko akalain susundan mo ko dito" bulong ng pamilyar na boses.

Agad rin naman itong bumitaw at nang lingunin ko ay nakasalubong sakin ang kanyang maaliwalas na ngiti.

"Brix....buhay ka?"

"Kamusta Master Ryu?"

********

My Hero is a Gangster *complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon