Chapter 36

3.6K 95 4
                                    

"Huy! Farine! Tulala ka na naman!" Si Grace.

"Ano ka ba Grace! Nakakatrauma kaya yung nangyari sakanya sa party!" Sambit naman ni Jovey.

Sa totoo lang nakalimutan ko na ang nangyari sa party kaya lang ang bumabagabag sakin ngayon ay yung mga huling sinabi sakin ni Hiro.

Hindi ko na sinabi sakanila ang tungkol kay Hiro. Sa totoo lang hindi ko rin naman alam ang gagawin ko.

"Alam ko na! Magmall na lang tayo. After class. Tara!" Yaya ni Laine.

"Wala akong pera!" Angil naman ni Grace.

"Wag ka mag-alala libre ko." Sagot naman ni Laine.

"Wow!!!"

"Ang pamasahe papunta dun. Tara na! Hahaha" sabay tawa ni Laine.

Mga baliw talaga mga kaibigan ko. But I'm thankful that they are here to support me.

Nang makarating kami sa mall sobrang daming tao. Hindi namin malaman kung ano bang meron. O matagal na lang talaga akong hindi nakakapunta sa mall.

Nanuod lang kami ng sine at kumain at nagpagala-gala nang may hindi kami inaasahang makita. Nagtatawanan kami ng biglang maagaw ang atensyon ni Jovey.

"Girls! Girls! Hindi ba si Ryu yun? Sinong kasama nya?"

Lahat kami ay napalingon sa direksyong tinuturo ni Jovey. Tama nga sya. Unang tingin pa lang alam kong sya na yun. Sa tindig pa lang at suot nito ay alam na alam kong sya yun. Nakatayo kami ng ilang dipa sakanila.

Agad na umagaw sa atensyon ko ang babaeng nakakapit sa braso ni Ryu. Nakatalikod ito sa amin at hindi ko makita ang mukha nya.

Gusto ko sana syang lapitan kaya lang para akong naestatwa sa pwesto ko. Awtomatiko akong napatigil. I could feel something pinched my heart.

"Sino yung kasama nyang babae?"

Hindi ko na alam kung sino sakanila ang nagtanong. Alam ko lang hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko. Gusto ko na nga sanang umalis at magpanggap na walang nakikita.

Unti-unti ko kasing nararamdaman ang selos. Mahigpit pang nakakapit sa braso ni Ryu ang babae. I gnawed the inside of my cheeks nervously.

"Tara na!" Sa wakas nakapagsalita rin ako.

Nagtataka silang tumingin sakin pero hindi na rin nagsalita. Alam nilang tense ako dahil sa nakita ko. Hindi naman kasi ako sanay na may ibang nakakalapit kay Ryu. Hindi ko alam kung dapat ba akong magselos pero nararamdaman ko na yun.

"Sandali Farine!"

Hindi ko pinansin ang tumawag sakin. Ayoko na makitsismis. Masyado na marami gumugulo sakin. Gusto ko na umalis sa lugar na yun.

"Farine, wait nga lang!"

Hindi ko sila nilingon. I just wanna stay out of this place as soon as possible.

"Farine..."

Automatic akong napatigil sa paglalakad ng marinig ang boses na yun. Paano? Paanong nakarating sya agad dito?. Hindi ko alam kung tama ba na lumingon ako.

I composed my self before facing them. I tried my best to plaster a fake smile on my face.

"I-Ikaw p-pala Ryu."

....Awkward.. pero agad kong nakita ang babaeng nakamini dress na patakbo sa pwesto namin.

"Onii-sama!!" Sigaw nito.

Lumingon din agad si Ryu sa babae kanina.
I watched the girl slowly approaching us.
Her sleek black hair was flowing freely below her shoulders. She's wearing a pink floral dress and very girly to say.

My Hero is a Gangster *complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon