Chapter ThreeSecond mission
"Mga dudes, Let's go to Mall!" Narinig kong sigaw ni Namjoon.
"Tara! Para makabili na rin ako ng bagong make-up." Sang-ayon naman ni Jin. Magkasundo talaga sila pagdating sa mga Adventures. Ship na this! #NamJinForever ♥
"I don't want to come. I'm tired." Nagpalakpakan naman kami dahil natama ni Parekoy yung english niya.
"Nakaka-bagot naman dito sa Room." Sabi naman ni Jimin. Nakaka-bored pala kaya kanina pa nga siya sumasayaw at naglalabas-masok sa Room.
"Bakit ba kasi walang mga Teacher?! Gusto ko pa naman si Teacher Hyuna mwehehe." Binatukan naman ni Yoongi si Jungkook dahil sa sinabi niya.
"Ang landi mo uy. Tirisin kita d'yan eh." Sigaw ni Yoongi sa kanya.
"Sorry na, hyung." Nag-peace sign naman si Jungkook kay Yoongi.
"Let's go, guys!" Sabi ni Wendy.
"Tara na babes! hehehe." Inakbayan naman ni Hoseok si Wendy. Tinitigan ko naman ng masama si Hoseok. Subukan niya lang landiin yung best friend ko. Well, hindi naman type ni Wendy ang mga katulad niya hahaha.
"Tara na, Yeri!" Aya naman ni Jungkook kay Yeri. Malandi talaga 'tong maknae ng Tropang Bugok. Inirapan naman ni Yeri si Ilong at tumakbo kay Irene unnie. Tsk. Lagot ka ngayon, Jungkook at 'yang ilong mo.
Si Jimin naman yung sumunod at inakbayan si Seulgi. Pero sinuntok naman siya ni Seulgi sa tummy niya. Hindi na siya natuto na mas lalaki pa si Seulgi kaysa sa kanya.
Ang OTP naman ng Class A na NamJin ay nauna na. Si Yoongi naman ay kanina pa sa Van para siya ang mag-drive.
"Parekoy, Tara na!" Aya ko kay Taehyung. Ngumiti naman siya at tumayo. Jusko! Hindi raw siya sasama dahil pagod raw siya. Ngayon siya pa yung unang naglalakad kaysa sa akin. Alien talaga.
"HAHAHA. Tangina ni Taehyung ang epic nun." Sigaw ni Yoongi. Halos maubusan na kami ng hiniga sa katatawa.
Nandito kami ngayon sa Lotte World at pinagtatawanan si Taehyung sa kahihiyan na ginawa niya kanina.
Naihi lang naman siya habang nakasakay kami sa Roller Coaster buti na lang at hindi ko siya katabi kasi mababasa ako ng ihi niya. Kaso yung katabi niyang magandang babae na sabi niya 'The Girl of his dreams' ay na-turn off sa kanya. Umiyak tuloy ng parang bata 'dun sa gitna ng Lotte World. Gosh! Nakakahiya talaga siya kanina pero pinagtawanan na lang namin.
Halos lahat kami nasanay na ganyan si Taehyung. Alien nga kasi di ba?
"Ang tagal naman ni Taehyung lumabas ng Restroom." Sabi ni Seulgi at tini-tingan yung relo niya.
"Baka na-flush na sa Toilet dahil sa kahihiyan." Sagot naman ni Jimin.
"HAHAHA. Sana pala na-videohan natin 'yun, ilong." Natatawang sabi ni Yoongi kay Jungkook.
"Hay nako! Hindi na talaga natuto si Taehyung." Sabi naman ni Irene unnie at umiling-iling.
"Ang sama niyo naman sa Best friend ko!" Sigaw ni Hoseok sa kanila.
"Wait, Where's Namjoon and Jin?" Tanong ni Wendy.
"Oo nga. Kanina sabi nila pupunta din daw sila ng Restroom?" Sabi ni Yeri habang nagse-selca.
"Ayiiee, Lamnadis." Sabay-sabay naming sabi at tumawa na lang kasi ang daming napatingin sa amin.
"Malandi talaga yung OTP ng Class A." Sabi ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Mission 101: Seducing Mr. Oh Sehun
Fanfiction{ on-going | you x exo x bangtan fanfic } How far would you go to get what you want? Easy. Seduce him. © yeobooh 2015 cover credits to: sam09zel