Chapter 9

210 9 4
                                    



Chapter Nine

Broken-hearted Taehyung and Unexpected visitor.


Taehyung's Point of view

1:00 am na pero nandito pa rin tayo sa kotse ko. Ayaw mo pa kasing umuwi. Tawag na nga ng tawag si Mommy Boa natin at 'di ko na lang sinasagot.

"Parekoy! Lalabas muna ako ha. Ang init eh." Sabi mo at pinindot yung lock.

"Saan ka naman pupunta? Hot kasi siguro ako kaya mainit!" Binatukan mo naman ako. Grabe ha. Naubos na yung katalinuhan ko dahil sa'yo.

"Hot mo mukha mo! Masunog ka sana." Inirapan mo ako.

Bumaba na rin ako baka saan ka pa pumunta at nakalimutan mong magsuot ng Jacket baka magkasakit ka pa.

"Hoy Hana! Umuwi na nga tayo!" Tawag ko sa'yo dahil pagewang-gewang kang naglalakad.

"I don't care! Umuwi ka na kung gusto mo!" Mataray mong sagot. Pati ba naman kahit lasing ka ang taray mo pa rin.

"Lasing ka kaya! Baka mamaya..."

"Kahit lasing ako, Kaya ko pa rin jumbagin yung mga lalapit sa akin!" Napabuntong-hininga naman ako at bumalik sa kotse ko para i-lock ito at babalikan ko na lang 'yun bukas. Sasabayan kita maglakad.

Sinuot ko naman sa'yo ang Jacket at hinubad mo pa rin ito.

"Tanga ka ba? Kaya nga ako lumabas di ba dahil mainit? Tapos ngayon sinusuotan mo pa ako ng Jacket. Hay nako, Taehyung. Kakaiba ka talaga." Sabi mo sa akin. Natahimik naman ako bigla.

Tahimik naman tayong naglalakad dahil nagiging awkward na tayo o sa akin lang talaga dahil ano... basta!

"Fuck my life!" Humalakhak ka at parang nanghihina na. Ang cute mo talaga kapag tumatawa. Inalalayan naman kita makatayo pero tinaboy mo lang ako.

"Hana, Bakit mo ba naisipan na pumunta ng Bar?" Tanong ko sa'yo.

"Kasi.... Gusto ko eh." Pabulong mong sagot at yumuko.

"You sure? Hindi ka naman pumupunta ng Bar e. Doon ka kaya nag-iinom sa office ni Daddy Yunho." Kilalang kilala kita, Hana. You're lying.

"Iba ka talaga, Taehyung! Ako nga 'di ko matawag si Yunho ng Daddy pero ikaw akala mo anak ka niya." Walang connect mong sagot.

"H'wag ibahin ang usapan, Hana. Dahil na naman ba 'to sa pesteng Oh seonsaengnim na 'yun?" Papasok ka na sana sa bahay niyo ng hinawakan kita sa balikat mo at hinarap kita sa akin.

"H'wag mo ngang tawaging peste si Oh seonsaengnim! Ako rin naman ang may kasalanan! Tsaka gusto ko lang naman makalimot. Alam mo ba yung mga sinabi niya huh? He hates me so much, Taehyung! Ang sakit sakit para sa akin 'yun dahil sa lahat pala ng ginagawa ko para sa kanya ay ang dahilan ng pagka-inis niya sa akin!"

"And why do you care, anyway? You're not my father para sabihan kung ano ang dapat kong gawin. Mas lalong hindi kita Boyfriend para pagbawalan mo ako. You're just my Bestfriend, Taehyung. Sana maintindihan mo." Naiiyak mong sagot. Just my bestfriend. May isasakit ba ba 'to?

Napayuko naman ako dahil sa mga sinabi mo. Oo nga pala, Bestfriend mo lang ako. Hindi mo ako Mother, Father Gentlem--- Brother and Boyfriend. Gusto lang naman kita protektahan pero nakakasama pa yata 'yun.

"Ingat ka. Good night." Sabi mo at sinara ang Gate ng bahay niyo.


Tinitigan kita hanggang sa makapasok ka sa loob. You just made my heart broken, Jung Hana.



Mission 101: Seducing Mr. Oh SehunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon