Chapter SixBakit nga ba walang forever?
"Hana! Anong ginagawa mo dito sa gym?" Tanong ni Bambam. Hindi pa ba halata na mas lalong nagpapa-sexy ako hehehe k.
Nandito kasi ako sa gym at tumatakbo sa Treadmill.
"Naglalaro. Sali ka?" Sagot ko at inirapan siya. "Ikaw talaga. Ang pilosopo mo." Mukha talaga 'tong bakla minsan.
"Tss. Bahala ka na nga d'yan! Ang weird mo." Sabi ko sa kanya at binatukan siya. Umalis na naman ako sa Gym at pumunta sa Girls' Locker. Nag-shower na rin ako at sinuot yung uniform ko.
Tutal masyado pa namang umaga ay tumambay muna ako sa Soccer field para kumain ng Breakfast. Daily routine ko 'to kapag sinipag ako.
Napansin ko namang may isang baliw na lalaki na naglalaro ng Soccer kahit wala namang bola. Tsk, Baliw nga.
Oy teka, Si Yoongi 'yun ha. Medyo orange kasi yung buhok basta alam kong si Min Yoongi 'yun na bitter sa Forever.
Ano na naman kayang problema 'nun? Hindi naman ganun ka-abnormal si Yoongi ha. Baka naubusan ng Bubble Gum? Ay nako, malala na siya.
"MIN YOONGI!" Sigaw ko sa kanya. Hindi naman niya yata narinig kaya tinawag ko ulit siya.
"HOY BUGOK!" Tumingin naman siya sa paligid pero hindi na naman niya ako napansin. Ganda kong 'to. Hindi ako napansin.
"SI HANA 'TO! STUPID! NANDITO AKO SA MGA BENCH!" Pagkasigaw ko sa kanya ay tumingin siya sa akin pero nag-crossed arms siya sabay iniripan ako. Jusko! Jin, yung gay virus mo kumakalat na.
Tumakbo naman ako papunta sa kanya para ibato yung Soccer ball sa mukha niya na nakita sa gilid ng bench. Mukha kasi siyang tanga na naglalaro pero wala namang bola. Abnormal ang gago.
"Oh, ayan ang bola! Para kang baliw d'yan! Wala ka sa Kdrama uy!" Iniwan ko siya dun para pumasok na sa first class ko dahil si Oh seonsaengnim 'yun ahehe. Pero naalala ko na naman yung failed kong mission.
Siguro nga, hindi ganun kadali makuha yung Attention ng isang Oh Sehun.
Nagkasalubong naman kami ng Twice girls kaya pinauna ko na silang pumasok at sumunod naman yung Squad goals. Nyeta 'tong si Yugyeom at nag-flying kiss pa sa akin.
Mas nakakaasar naman yung Five Velvets at Tropang bugok na akala mo ay tropang jeje sa kanto.
"BAKIT NGA BA WALANG FOREVER?"
Iyan yung nakasulat sa Board namin na halos buong board ay sakop na dahil ang laki ng pagkakasulat. Alam ko na kung sino ang may gawa nito.
"Bakit nga ba?" Tanong ni Wendy habang naglalagay ng Lipstick.
"Kasi maraming pabebe!" Sigaw ni Yugyeom.
"Walang connect yung sagot mo. Umuwi ka na at magdilig ng halaman ng lola mo." Lakas ng trip ni Youngjae.
"Kumanta ka na nga lang d'yan sa tabi." Sagot ni Mark sa kanya at tinaboy sa upuan niya. Ay, ang sad naman :(
"Kasi maraming hindi loyal? Third party ganon?" Si Jinyoung. Tumango naman ako kay Jinyoung. Ngumiti naman siya sa akin.
"Dahil sa mga malalanding babae?" Si Jaebeom.
"Hoy may mga lalaki rin na malalandi!" Si Jihyo.
"Kasi maraming bitter?" Patanong na sagot ni Seulgi.
"Tumpak ka, Seulgi!" Tawang tawang sigaw ni Yeri.
BINABASA MO ANG
Mission 101: Seducing Mr. Oh Sehun
Fanfic{ on-going | you x exo x bangtan fanfic } How far would you go to get what you want? Easy. Seduce him. © yeobooh 2015 cover credits to: sam09zel