Chapter 16

109 4 1
                                    



Chapter Sixteen

A fanboy

"HAPPY BIRTHDAY, KIM JUNMYEON!" Sabay sabay naming sigaw.

Lahat ay nag-cheers at uminom ng tig-iisang shot. Pero iba ang alak namin kasi nasa high school pa lang kami e.

"Thank you, everyone! For coming and for everything! Lalo na sa girlfriend ko. Love you, babe!" Nagpalakpakan naman kami dahil si Hani unnie ang nag-effort sa Surprise Party ni Junmyeon oppa.

"To my family, lalo na sa cute kong kapatid na si Yeri pati sa mga friends niya! Don't drink too much, kiddos!" Nagmake-face naman kami kay Junmyeon oppa at tumawa na lang siya.

"To my friends, Chanyeol, Lay, Kyungsoo, Jongdae, Minseok, Baekhyun, Jongin and our maknae, Sehun!" Nagtawanan naman ang group nila Sehun oppa at nakita kong napatingin siya sa akin. Keleg eke. Miss you, baby! Kahit isang araw lang tayo hindi nagkita!

Hindi ko akalain na kaibigan pala nila si Baekhyun! Kainis hindi man lang sinabi sa akin ng Baekla na 'yon!

Marami pang pinasalamatan si Junmyeon oppa at natapos rin 'yon. Lahat ng bisita ay nagkakasaya na dahil dito sa Moonlight Bar niya ito ginanap.

"Let's get drunk, guys!" Sigaw ko at sumang-ayon naman sila except kay Taehyung na nakaupo lang sa isang tabi.

Nakita kong napatingin sa akin si Taehyung. Oh ano ka ngayon? Hindi ka makalapit? Hanggang tingin ka na lang?

Well, nakasuot kasi ako ng Black Midriff Dress at hapit na hapit ito sa katawan ko. Kaya ayan, nakatingin siya sa akin.

Nakakainis kasi hindi niya ako pinapansin ng dalawang linggo. Naiinis ako kasi ano bang nagawa ko? Wala naman akong ginawang masama ha? Yung last na away namin ako ang may dahilan baka ngayon ako na naman! Sige! Kasalanan ko na naman!

Inirapan ko naman siya at ininom ng straight ang dalawang basong puno ng beer.

"AACK!" Sigaw ko ng naubos ko na ang pangalawang baso. Nakaramdam na ko ng hilo.

"Huy, Hana banana! Kashishimula pa leng ng party lasheng ka na?" Narinig kong tanong ni Yoongi.

"Hindi pa kaya ako lasing! Baka ikaw!" Sagot ko sa kanya at tumawa.

"Hendi ako lesheng! Nakainom lang hehehe." Sabi niya at nag-ok sign naman ako sa kanya.

"Anong three? Bakit three?" Tanong niya. Binatukan naman siya ni Jungkook. Sinamaan naman siya ng tingin ni Yoongi.

"Okay 'yun, hyung!" Sagot ni Jungkook.

"Okay. Okay hehehe! Sayew teyo, bebe ko!" Aya niya kay Jimin na naka-crossed legs at nakasuot ng sunglasses.

Wow! Akala niya kina-cool na niya 'yon. Mukha nga siyang bulag.

"Mamaya na. Hindi ko gusto ang music!" Sabi ni Jimin sa kanya.

"Restroom lang ako, guys." Sabi ko sa kanila. Nakita ko naman si Taehyung na tumayo rin. Tsk!

"HANA!" Narinig kong tawag niya sa akin. Nagmadali naman akong naglakad kaso hindi ko keri itong 5 inches kong Stilettos.

"PAREKOY!" H'wag kang titingin, Hana.

"Got you!" Sabi niya ng nahawakan niya yung kaliwang braso ko at hinarap ako sa kanya.

"Ano bang problema mo?!" Naiinis kong tanong sa kanya.

"Hana, pwede ba tayo mag-usap?"

Mission 101: Seducing Mr. Oh SehunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon