Chapter 19

51 1 0
                                    



Chapter Nineteen

My Bestfriend's Girlfriend

"GOOD MORNING, EVERYONE!" Masayang bati ni Hoseok sa klase. Napabuntong hininga ako at dumiretso sa upuan ko. Nakita ko sa peripheral view ko na nakatingin sa akin si Taehyung kaya padabog akong umupo.

Nagtatampo ako, Parekoy!! Ano hindi mo man lang ba ako papansinin? Halos isang buwan na naman ang nakalipas hindi niya pa rin ako kinikibo. Hindi ko alam kung ano nangyayari sa kanya. Nakakairita na!

Tinatanong ko na kay Hoseok kung bakit ganyan si Taehyung pero sabi niya talagang may konti sa buhay si Taehyung. Galing niya makapagsabi na may konti sa buhay si Taehyung parang siya wala.

"WALANG GOOD SA MORNING KUNG IKAW BUBUNGAD!" Sigaw ni Yoongi sa kanya. Inirapan lang siya ni Hoseok at umupo na sa kanyang upuan.

"Hana." Mabilis akong lumingon kung saan ko narinig pangalan ko. Si Taehyung ba 'yon?

Si Jungkook pala. Tsk. Mas lalo akong nairita!

"BAKIT?" May bahid na inis at disappointment na tanong ko kay Jungkook. Mukhang nagulat si Jungkook sa inasta ko. Sorry, kookie.

"Galit ka? May itatanong sana ako sa'yo pero h'wag na lang. Mukhang wala ka sa mood." Kalmado na sabi ni Jungkook.

"Obvious ba?" Mataray kong sagot sa kanya.

"May period 'yan for sureeee!!" Sambit ni Yeri.

"Hindi! May kausap siguro 'yan kagabi! Kaya hindi nakatulog ng maayos." Sunod ni Irene unnie. Luh! Bakit naman ako magkakaroon ng kausap? Halos aral na nga lang inaatupag ko these days.

Napadako naman ang tingin ko kay Taehyung at tumingin siya kay Irene unnie bago sa akin. Agad ko namang iniwasan ang tingin niya.

"Hindi naka-jebs yan! Tingnan mo mukhang constipated!" Sigaw ni Jackson sa malayo at humalagapak sa tawa ang lahat except sa amin ni Taehyung na masama ang tingin kay Jackson.

"Hindi nakakain ng maayos 'yan kasi iiwanan na naman siya ni Hoseok!" Sabi ni Jimin.

"Luh. Bakit parang kasalanan ko?" Tanong ni Hoseok sa kanila na para bang kasalanan niya nga. Sorry, brother.

"Bakit hindi ba?" Si Jimin.

"Of course, no! I love my sister!" Sagot ni Hoseok. Napahawak na lang ako sa noo ko. Sobrang aga naman para sumakit nitong ulo ko!

"Marami lang siya iniisip lalo na naka-focus na siya sa studies niya at maselan ang pagbubuntis ni Auntie Boa kaya as the only girl in the house, siya muna ang in-charge sa bahay nila kaya baka stress lang siya." May point ka, Seulgi!

Anong oras na ba at bakit wala pa ang first subject namin?

"Hindi! Broken-hearted 'yan!" Sunod ni Jin. Inirapan ko siya. Bakit naman ako broken-hearted kung halos araw-araw kong nakakasama si Sehun oppa?

"Bakit naman broken-hearted?" Tanong ni Namjoon. Mukhang curious ang lahat pati na ang grupo nila Tzuyu na mukhang may alam.

"Hindi niyo alam? Hahaha! Anong silbi niyo?" May halong pang-iinis ni Jin.

"Just kidding! Basta bili niyo ako ng foods ha! Hindi libre ang tsismis sa akin!" Kung ano-ano naman ang narinig kong sinabi nila kay Jin pero confident pa rin siya.

"Oo na! Sabihin mo na kasi!" Si Yoongi.

"Si Oh seonsaengnim and the starlet Krystal Jung are dating again!" Napatingin naman silang lahat sa akin. Oh ano? Problema niyo?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mission 101: Seducing Mr. Oh SehunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon