The Playful Guy

1K 24 1
                                    

A/N:
Sorry,sabi ko tatapusin ko muna si Rukawa bago ito,ay yung kwento pala ni Rukawa hindi si Rukawa mismo ng Behind his Dark eyes. Pero kalma lang. Prolouge lang naman muna. Please do not hate me.

Xoxo,
Eiyscin

------------
PROLOUGE

Nandito na naman sya

Napapangiting dahan dahan akong sumilip mula sa makapal na kurtina ng bintanang kinaroroonan ko. Mula doon ay kitang kita ko ang mukha ng lalaking tahimik na nangingisda sa gawi na yun ng ilog.

Hindi ako sigurado kung natutulog ba sya. Pero dala na rin ng malalim nyang paghinga at pagkakapikit ng mata nya. Masasabi kong natutulog nga sya.

Gusto ko syang lapitan
Piping bulong ng isip ko.

Pero baka matakot lang sya sa'kin.
Malungkot na dugtong pa nito.

Matamlay na lumayo na lang ako mula sa kinatatayuan ko at bumalik sa kama. Naisip ko na matulog na lang kaysa mangarap na makakausap ko pa yung tao na yun sa labas...subalit ilang sandali pa lamang akong nakahiga ay hindi na ako mapakali. Mabilis akong bumangon at lumabas ng bahay para puntahan sya.

Hindi ko naman sya lalapitan. Gusto ko lang mas makitang mabuti yung mukha nya.
Tahimik na kumbinsi ko sa sarili ko.

Kagat ang  ibabang labi na dahan dahan akong lumapit sa kinaroroonan nya habang nagkukubli sa matataas na damo at puno sa paligid.

Nang sa wakas ay makakita na ako ng magandang pwesto ay tumigil na ako at walang sawang pinagmasdan ang mukha ng lalaking lagi kong hinihintay na magawi sa lugar na iyon.

Ilang minuto rin ang itinagal ko roon bago ako nagpasyang bumalik na sa pinanggalingan ko.

Pero ayaw yatang makisama sa akin ng panahon,dahil kasabay pagtalikod ko ay ang pagkakatapak ko ng lata sa harapan ko.

Ang tanga mo talaga Yuika!!

Malakas ang kabog sa dibdib ko na nagpatuloy na lang ako sa paglakad. Nagbabakasakaling hindi ako narinig nung lalaki at talaga namang nanalangin akong nahimbing na sya sa pagtulog!

Pero mukhang pati tadhana may sama ng loob sa akin dahil ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay bigla na syang nagsalita.

"Sandali!"

Yun pa lang ang sinasabi nya parang may naghahabulang mga daga na sa puso ko.

Kaya ko bang harapin sya?

Hindi! Hindi ko kaya! Mabilis akong kumaripas ng takbo para mapalayo sa kanya pero sadyang malas yata ako. Sa sobrang haba ng suot kong palda,natalisod ako at parang bolang gumulong sa lupa.

Maiyak iyak na pilit akong bumabangon pero hindi ko talaga kaya.

Yuika nasan ka ba nung nagsabog ang dyos ng katangahan??? Bakit sinolo mo yata?

"Okay ka lang? " dahil sa sakit saglit kong nalimutan kung bakit ako tumatakbo...ngayon yung dahilan kung bakit gusto kong lumayo ay nasa likuran ko na.

Halos manigas yung likod ko at leeg wag lang akong mapalingon sa kanya,kuntodo yuko din ako ng ulo para hindi nya makita yung mukha ko.

"Sorry ah! Nagulat ba kita?"

Napakagat ulit ako sa labi ko ng marinig syang magsalita. Umiling lang ako sa kanya ng sunod sunod pero nanatili pa ring nakaupo sa lupa.
"Naramdaman ko yung muli nyang paghakbang palapit at pag upo sa harap ko.

Bahagya akong natigilan ng makita yung dalawa nyang kamay na nakalahad sa harapan ko.

"Halika tutulungan kitang tumayo."

"Huh?" Maang na sabi ko.

Wala sana akong balak na iabot sa kanya yung kamay ko pero bigla akong natakot na mangawit sya.

Nahihiya man dahan dahan kong iniangat yung mga kamay ko para lamang magulat sa nakita ko

Dugo!!!!takot ako sa dugo!!!

Takot na takot na napatili ako pagkakita sa kamay ko.

Yung lalaki man ay nataranta at di malaman ang gagawin.

Sa huli mabilis na lan nyang hinubad yung t-shirt na suot nya at ibinalot sa kamay ko.

Bigla naman akong natulala sa ginawa nya at parang tangang napatingin sa katawan nya.

Ano ka na naman Yuika! Nakuha mo pa talagang tumunganga sa katawan nya?

"Teka miss,ikukuha lang kita ng first aid kit sa sasakyan ko okay? Wag kang aalis dito ha?"

Mabilis na syang kumilos at umalis sa harapan ko.

Habang ako pilit kong kinakalma ang sarili ko para makapag isip ng tama.

Ilang beses akong huminga ng malalim bago dahan dahan tinanggal yung damit na nalabalot sa kamay ko at tingnan kung gaano ba kalaki yung sugat ko.

Dahil kumapit na sa damit ng lalaki yung dugo,kita ko na hindi naman pala ganun kalaki yung sugat ko.

Ayokong abutan nya pa ko dito

Pinilit ko ding tumayo at ihakbang yung mga paa ko palayo sa lugar na yun.

Nang sa wakas ay makapasok na ko sa bahay,malungkot na naupo ako sa unang baitang ng hagdanan.

Bahagya pa kong napaigik sa sakit ng balakang ko kaya nabitiwan ko yung t-shirt ng lalaki. Lumatag tuloy ito sa sahig. Napatigil tuloy ako ng may mabasa akong salita na nakasulat dito na sa tingin ko ay pangalan ng isang lalaki.

Akira Sendoh

Pangalan ng lalaking nakita ko kanina...

The Playful Guy (Akira Sendoh Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon