Six
"Kumain muna tayo! Magluluto lang ako sandali."
Marunong sya magluto?
Namamanghang naisip ko habang pinagmamasdan syang ibaba yung cellphone na hawak nya at dere deretso ng nagpunta sa kusina."Hindi nga pala makakauwi sila mama. Biglaan daw yung naging pag uwi nila dahil inatake ng hypertension yung lolo ko."
Kaming dalawa lang ngayon dito?
Sunod sunod ang naging pag ubo ko sa naisip. Agad naman nya akong nilapitan at agad na hinagod ng palad nya ang likuran ko. Subalit sa halip na makatulong, mas lalo pang hindi naging komportable ang pakiramdam ko. Mabilis na lumayo ako sa kanya at sumenyas na okay lang ako."Sigurado ka? Ano bang nangya-- ah! Nagkakaganyan ka ba dahil naisip mong tayong dalawa lang ang tao dito sa bahay?" Mapaglaro ang tinig na sabi nya.
Agad na napakagat ako sa ibabang labi ko ng magsimula syang lumapit sa akin ng may kakaibang ngiti sa labi.Sa bawat hakbang ng paa nya palapit ay ang hakbang na ginagawa ko rin palayo naman sa kanya.
Wag kang lumapit!
Piping sigaw ng isip ko.
Mariin na naipikit ko na lang ang mga mata ko ng maramdaman ang malamig na pader sa likuran ko.Naghintay ako ng ilang sandali pero wala naman na akong naramdang humawak sa akin. Sa halip isang malakas na tawa ang pumailanglang sa paligid.
Dahan dahan na nagmulat ako ng mata. Doon ko nakita ang imahe ni Sendoh na halos mamilipit na sa kakatawa.
Takang pinagmasdan ko lang sya hanggang sa kumalma na sya.
"Pasensya ka na Kumi! Niloloko lang naman kita. Hindi ko akalain na matatakot ka sa akin ng ganyan." Tumatawa pa rin nyang paliwanag.
"Wag ka mag alala. Mukha lang siguro akong harmful pero harmless talaga ako! Tara na sa kusina."
Bahagya ako napapitlag ng hawakan nya ako sa braso at hilahin. Hindi ko alam kung may naramdaman din syang tila daloy ng kuryente ng magdikit ang balat namin. Tila bahagya kasi syang natigilan bago kibit balikat na nagpatuloy sa paglakad. Hanggang sa makarating kami sa loob ng kusina ay nanatiling nasa mga kamay nya ang paningin ko.
Hindi ko talaga maintindihan pero kakaibang kaba ang ibinibigay sa akin ni Sendoh."Sorry! Ang totoo noodles lang ang kaya kong lutuin. Wag ka mag alala, bukas ibibili kita ng masarap na pagkain sa labas!" Tila nahihiyang sabi nito ng makaupo na sila pareho. Napapakamot pa ito sa batok na para bang batang may ginawang kasalanan.
"O-okay lang naman!" Nauutal na pilit ko sa sarili kong sagot sa sinabi nya.
Nakayuko ang ulo ko habang sinasabi ang mga iyon. Hindi ko kasi talaga magawang kausapin sya habang nakatingin sa mga mata nya.
Nagsimula na akong kumain nang mapansin kong parang huminto sya sa pagkilos. Wala kasi akong naririnig na ingay sa paligid ko. Dahan dahan na nag angat ako ng mukha. Pero parang may mabigat na bagay na bumundol sa puso ko ng magtama ang mga paningin naming dalawa.
Kakaibang kaba ang naramdaman ko ng hindi sya mag iwas ng titig sa akin. Tila naman napako ang mga mata ko sa kanya at kahit pa nga pakiramdam ko ay sobrang pula na ng mukha ko at halos mamanhid na ang katawan ko ay hindi ko rin magawang magbawi ng paningin sa kanya."M-may problema b-ba?" Lakas loob kong sambit ng ilang sandali na ay nanatili pa rin kami sa ganoong ayos.
"Damn!! Why does your voice sound so...so beautiful!"
Pakiramdam ko tuyong tuyo ang lalamunan ko ng marinig yung sinabi ni Sendoh. Hindi ko maiwasang kagatin ang ibabang labi ko sa sobrang kaba.
Pero nagulat ako ng bigla syang sumigaw!
"Stop!!!"
Natutulalang napatanga na lang ako sa kanya at hinintay ang sunod nyang gagawin."Don't do that!"
Huh?
Naguguluhan na ko sa kanya.
Mas lalo lang tuloy napadiin ang pagkagat ko sa labi ko."Shit!"
Minumura nya ba ko?
"No! I'm sorry! It's not for you!I am cursing myself---Damn!"
Parang nabasa naman nya ang naiisip ko at tuloy tuloy na magulong nagpaliwanag."Tapusin mo na an pagkain mo. Hihintayin na lang kita sa sala!"
Tanging naguguluhang tanaw na lamang ang nagawa kong gawin ng mabilis na nya akong iwan na mag isa.Ano namg nagyayari sa kanya?
Ilang sandali muna ang pinalipas ko ng biglang kumulo ang tyan ko na tila nagpapahiwatig na kainin ko na ang pagkaing inihain ni Sendoh para sa akin. At kahit pa nga nagtataka ako sa nagyari ay mabilis na tinapos ko na lang iyon para makasunod na kay Sendoh.
Naabutan ko syang nakahiga sa mahabang sofa habang nakatakip ang mga braso sa mga mata nya. Tila ba hapung hapo ang itsura nya at nakatulog na sya sa ganoong posisyon.
Tahimik na naupo na lang ako sa pang isahang sofa sa gawing kanan nya at pinagmasdan ang itsura nya.
"Ano bang gagawin ko ngayon?" Napapabuntong hiningang nawika ko habang nakatingin pa rin sa nahihimbing nyang imahe.
Hindi ko alam kung gaano katagal ako sa ganoong posisyon. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya hanggang maramdaman ko ang unti unting pagbigat ng talukap ng aking mga mata...
Magaan ang pakiramdam na tila ba nakalutang ako sa hangin ang bahagyang nagpagising sa diwa ko. Marahan akong nagdilat ng mga mata at halos mauna pang mahulog ang puso ko ng mukha ni Sendoh ang matunghayan ko.
"Ibaba mo ko!"
Mabilis na napabaling sa akin ang kanyang atensyon ng marinig akong magsalita. Marahil ay nagulat sya at nagawa kong sabihin ang mga salitang yun ng deretso. Maging ako man kasi ay nabigla sa nangyari.Pero sa halip na sundin ang sinasabi ko. Tuloy tuloy lang na naglakad sya paakyat ng hagdan habang buhat buhat ako na para bang isa lamang akong napakagaan na bagay."Sendoh!!!"
"Sssshhhhh!" Mahinang saway nya sa akin.
Tahimik na hinayaan ko na lamang sya at hinintay na makarating kami sa gusto nyang puntahan.
Sa dulong pinto kami ng pasilyo tumigil. Hindi ko alam kung paano nya iyon nabuksan gayong okupado ko ang kanyang mga kamay.
Dahan dahan nya akong idiniposito sa kamang naabutan namin sa loob."Sleep." Seryosong sabi nya. Parang biglang naglaho yung mapaglarong lalaking kasama ko kanina. Mabilis na tumayo na sya palayo sa akin ng maalala kong magpasalamat...
"Sendoh---"
"Damn!!!"
Naulinigan ko pang bulong nya ng tumigul sa paglakad."I don't know if it's a good thing that you can finally talk to me...
...because right now, it's driving me insane."
Then he left the room banging it's door.
BINABASA MO ANG
The Playful Guy (Akira Sendoh Fanfic)
General FictionNAME: Akira Sendoh Height : 190 cm (6'3") Position: Point Guard I always thought that slam dunk would be so much interesting if there will be a story about their lovelife. Pero syempre opinyon lang naman yun ng pakialamerang malikot ang imahinasyong...