ONE"O nakikinig ka ba sa akin ha Yuika? Yung bilin ko sayo...maglinis ka ng bahay..."
...magluto ka ng hapunan,wag kang magbubukas ng pinto,wag sisilip sa bintana at higit sa lahat wag lalabas ng bahay.
I almost rolled my eyes upward. Kabisadong kabisado ko na ang lintaya at bilin ng tiyahin ko. Sa tuwing aalis na lang sya ng bahay at nagppupunta sa kung saan mang lupalop na hindi naman nya sinasabi kung saan dahil hindi ko naman alam ay paulit ulit na lang ang naririnig kong sinasabi nya. Halos kabisado ko na nga eh.
"...masasama ang mga nilalang sa labas ng bahay na ito. Dito ka lamang ligtas---
"Kaya hindi po ako lalabas!" Putol ko sa sasabihin nya pa. "Alam ko na po tiya,wag na po kayong mag alala." Nakangiti ko pang dagdag
Halos mapangiwi naman sya sa ginawa ko bago muling nagsalita.
"Pwede bang wag kang ngumingiti ng ganyan at kinikilabutan ako sayong bata ka!"
Mabilis na yumuko ako pigil ang pagtawa! Alam kong naiinis sya sa akin kapag ngumingiti ako kaya sinadya ko yung gawin.
Bakit? Anong kakaiba sa ngiti ko?
Hindi ko nga din maintindihan eh. Ginagaya ko lang naman yung ngiti nung babae sa pelikulang the ring. Ewan ko ba kung bakit hindi nya yun magustuhan.
"Aalis na ko!"
"Mag iingat po kayo tiya."
"Oo na,umakyat ka na sa silid mo mabilis k--- teka teka! Di ba ang sabi ko putulin mo yang bangs mo?"
Napanguso ako sa sinabi nya. Ayoko kasing putulin ang bangs ko. Nasisilaw yung mata ko sa liwanag ng bahay. Sinabi ko yun sa kanya pero pinanlakihan nya lang ako ng mata.
"Anong nasisilaw? Eh halos mabulag na nga ako sa dilim ng bahay na to?"
"Aakyat na ko tiyang!" pag ignora ko sa sinasabi nya.
"Hala sige. Talaga tong batang ito! Yung bilin ko ha!"
"Opo!"
Mabilis ko na syang iniwan at hinayaang sya na lang ang maglock ng pinto. Dumeretso na ako sa kwarto ko at sinimulang tapusin ang ginuguhit ko.
Ilang sandali pa ang lumipas nang bigla akong mainip. Hindi ako kuntento sa kinalabasan ng ginuhit ko. Inis na tinabi ko na lamang yun at nanuod na lang friday the 13th.
Pero maging ang panunuod ng isa sa paborito kong palabas ay kinatamaran ko.Nayayamot na pinatay ko na lang yun at naglakad sa kwarto ko ng paulit ulit.
Nakakainip.
Bored na talagang isip ko.
At padapang humiga sa kama ko. Nang may bigla akong maisipan.Lalabas ako!
Excited na kinuha ko yung itim na malong ko at nagmamadaling bumaba ng hagdan. Nakalock ang pinto sa likod bahay mula sa loob kaya madali ko yung mabubuksan.
May kaunting kaba ako sa gagawin ko pero mas lamang ang excitement ko. Hindi lang naman kasi ito ang unang beses na lalabas ako.
Lima. Ito na ang ikalima at sa tuwi tuwina ay wala mamang masamang nangyayari sa akin.
Click...
Halos mapapalakpak ako ng mabuksan ko ang huling kandado ng pinto. Pigil pa ang hiningang dahan dahan akong lumabas takip ng malaking malong ko.
Wala namang tao. Safe ako.
Bigla akong natawa sa naisip ko. Nasa gitna ng kagubatan ang bahay namin. Yung tipo ng gubat na hindi pwedeng pasukin ng tao kaya hindi nakapagtatakang walang nagagawing tao doon.
Mabilis ang kilos na tinungo ko na yung paborito kong lugar. May ilang parte yun na tanaw sa bintana ng kwarto ko kaya naengganyo akong puntahan yun.
Yung lawa.
Dahil malayo sa mapagsamantalang mga tao. Sobrang linis ng tubig galing doon sa tingin ko nga pwede pa yung inumin. Pero hindi ko pa nasusubukan.
"Ay tanga!"
Napapalo ako sa noo ko ng maalalang hindi ko nadala yung sketch pad ko.Sabagay hindi naman ako magtatagal!
Pagpapalubag loob ko sa sarili ko.Ilang metro na lang ang layo ko ng bigla akong matigilan. Agad na napatago ako sa malaking puno na nadaanan ko.
Dahan dahan akong sumilip mula sa likod ng puno upang makatiyak sa nakita ko.
May patay.
Halos mabingi ako sa tibok ng puso ko at muling napatago sa likod ng puno ng makita ang katawan ng isang lalaking nakahandusay malapit sa may lawa.
Bumalik ka na sa bahay Yuika!
Bulong ng isip ko. Pero ng ihakbang ko ang mga paa ko ibang dereksyon ang tinungo ko.Kinakabahan ako pero sa kabila noon bahagya akong naeexcite.
First time ko kasing makakita ng bangkay.
Kasabay ng dahan dahan kong paghakbang ay ang pagbuga ko ng hangin para kalmahin yung sarili ko.
Medyo natatakot pa rin naman ako.Eksaktong dalawang hakbang na lang ang layo ko ng magpasya kong huminto. Dahan dahan akong umupo at pinagmasdan yung taong nakahiga sa lupa...
Ganito ba ang usong estilo ng buhok ngayon?
Takang tanong ko sa sarili ko. Masyado kasing nakataas yung buhok nya kaya yun ang una kong napansin.
Hindi naman kasi ganun ang nakita kong estilo ng buhok ng tiyo ko sa larawan.
Ipinagkibit balikat ko na lang yun at ibinaba ang tingin ko mukha nya.
Gwapo!
Yun agad ang salitang unang naisip ko.
Bigla tuloy akong nanghinayang sa ideyang wala ng buhay ang isang ito.
Teka...
Biglang bumalik yung kaba ko ng mapansing umaangat baba yung dibdib ng lalaki.
Humihinga pa. .
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng relief sa nalaman pero agad din yun natabunan ng panic ng maisip yung ginawa ko.
Shit buhay!
Isa isang nagflashback sa isip ko yung sinabi ng tiyahin ko.
Mas lalo pang nadagdagan ang takot ko ng magsimula ng magmulat ng mata yung lalaking nilapitan ko.Takbo na!.
Mabilis na pilit kong hinila yung sarili ko papunta sa likod ng malaking puno. Dahan dahan pa akong napaupo doon. Pakiramdam ko kasi para kong nauupos na kandila sa bilis ng paghinga ko.
Bakit may nakapasok na tao dito?
Pinakalma kong pilit yung sarili ko at maingat na sumilip mula sa kinaroonan ko. Mula doon,kita ko ang pagpapalinga linga ng lalaking may tayo tayong buhok at gwapong mukha.
Bahagya akong napailing sa huling naisip at naghanap ng paraan kung paanong makakalayo ng tahimik.
"Bakit pakiramdam ko may nakatingin sa akin kanina?"
Malakas na usal nung lalaki. Muli na naman akong kinabahan sa narinig.
"Guni guni ko lang siguro!" Kibit balikat nyang sabi habang lumalapit sa kahoy na nakatayo malapit sa lawa.
"Tsk! Mukhang wala naman isda dito! Niloloko lang ako ni Usumi!"
Napapakamot pa nyang dagdag.Kung hindi lang sa sitwasyon ko malamang na tinawanan ko na yung itsura nya saka...
Wala naman kasing isda dun!
Ilang sandaling tumalungko pa ang lalaki bago napagdesisyunang mahiga muli at matulog.
Nagpalipas lang din ako ng ilang minuto bago dahan dahang tumungo pabalik sa bahay.
Nakahinga lang ako ng maayos ng tuluyan na kong makaakyat sa kwarto ko...subalit sadya yatang makakalimutin ako ngayong araw.
Dalidali akong sumilip sa bintana ko. Sakto namang kita ko dun yung lalaki.
Kitang kita ko sya dun habang hawak hawak ang isang itim na tela.Yung malong ko!!!!!!
BINABASA MO ANG
The Playful Guy (Akira Sendoh Fanfic)
General FictionNAME: Akira Sendoh Height : 190 cm (6'3") Position: Point Guard I always thought that slam dunk would be so much interesting if there will be a story about their lovelife. Pero syempre opinyon lang naman yun ng pakialamerang malikot ang imahinasyong...