FIVE - MEMORY...LOST??

209 13 3
                                    

FIVE

Hindi magandang amoy sa paligid ang naging dahilan para unti unting magising yung diwa ko.
Mabigat ang matang dahan dahan ang ginawa kong pagmulat ng mata.

At halos mapabalikwas ako ng bangon ng bumungad sa akin ang isang puting kapaligiran.

"Am i dead? Is this heaven?"
Nanlalaki ang matang naiusal ko.

Nasan ako?
Kinakabahang tanong ko sa sarili ko habang pilit na inaalala kung ano ba ang huling nangyari sa akin para mapunta ko sa lugar na iyon.

Mariin na ipinikit ko ang mga mata ko. Pero mabilis lang dahil sa narinig kong pagpihit ng seradura ng pinto at pagpasok ng lalaking nakaputi rin...

Mama kayo po ba si San Pedro?

Kunot noong naisip ko na agad ding nagbago ng makita ang lalaki kasama ko kanina na kasunod nito.

"O, gising na pala sya!" Masiglang bati ng lalaking nakaputi.

"Okay ka lang ba? Masakit pa bang ulo mo?"

Huh? Anong sinasabi neto?
Nagtatakang bulong ng isip ko at pakapang hinawakan ang ulo ko.

Agad na nanlaki ang mata ko ng may mahawakang parang tela sa ulo ko at ng marealize na yun ang dahilan ng pagsakit nito.

Takang napalingon ako sa gawi nya na para bang nanghihingi ng paliwanag.

"Hindi mo maalala yung nangyari?"
Kunot noo rin nyang tanong.
Nadapa ka kanina ng tumakbo ka palayo sa akin. Tumama yung ulo mo sa bato. Ano ba kasing problema at bigla ka na lang tumakbo?"

Bahagya akong napapitlag ng magtaas sya ng boses. Parang bigla akong nakaramdam ng takot sa kanya.

Natatandaan ko naman kung anong nangyari. Ang gusto ko sanang sabihin nya ay yung eksena matapos kong madapa. Kung nasan ako. At kung sino ang taong kasama nya.

"Relax Sendoh."
Biglang singit ng lalaki.

"I'm sorry!" Parang nakokonsensya naman nyang sabi. "Nagaalala lang ako. Bigla ka na lang nawalan ng malay kaya nataranta kong dalin ka dito sa hospital."

Hospital????? Anak ng tinapa.

"Kumusta ang pakiramdam mo iha? Okay ka na ba? Wala naman akong nakitang bali sa katawan mo Maliban sa sugat mo sa ulo. Medyo malalim iyon kaya tinahi namin kanina. Sya nga pala, wala kang dalang ID kaya hindi pa nafill upan ni Sendoh yung papers mo---"

"Doc eto na po yung pi fillupan."
Putol ng isang babaeng kakapasok lang sa kwarto.

Agad na dumeretso sya sa akin at tinanong ng bagay na napakadali lang naman sagutin pero hindi ko magawang sabihin..

Walang dapat makakita sayo. Masama ang tao sa labas...

Pero biglang bumalik sa akin ang mga sinabi ni Auntie. May takot na agad bumalot sa pagkatao ko. Mabilis na namuo ang luha sa magkabila kong mata at sunod sunod na napailing.

"Hindi mo maalala?" Gulat na tanong ng Doktor.

Bigla akong natigilan sa sinabi ng doctor.  Ilang sandaling tinitigan ko lang sya.

"Miss?"  Mga titig na nalipat kay Sendoh at pagkabuo ng ideya sa utak ko.

Malungkot na sunod sunod akong umiling at nagyuko ng ulo.

May ilang bagay pa syang itinanong pero panay iling lang ang isinagot ko.
Kapag hindi ko na alam umaarte na lang ako na sumasakit ang ulo dahilan para tumigil sya.

"She maybe suffering from a temporary memory lost. Magsasagawa pa ako ng mga test sa kanya Sendoh. Sa ngayon ay maiwan ko na muna kayong dalawa.

Anak ng! Ano ba ting pinasok mo Yuika?

Nahigit ko ang hininga ko ng sa wakas ay maiwan na kaming dalawa ni Sendoh sa silid na iyon.
Nalukot ko pa yung kumot na hawak hawak ko at di malaman kung saan ibabaling ang paningin ko.

Bahagya pa akong napapitlag ng magsimula pa nya akong kausapin.

"I'm sorry..."

Kunot ang noo na napatingin ako sa mukha nya.

"I'm sorry miss. Kasalanan ko kung bakit ka nagkaganyan. Kung hindi siguro kita pinilit na maihatid sa inyo, hindi ka siguro matatakot at tatakbo palayo. I'm---"

Mabilis na nagtama ang mga mata namin ng hawakan ko sya sa kamay at pigilan sa pagsasalita.

Mabilis ko namang binawi yun ng makaramdam ng parang kuryenteng gumapang sa braso ko.

Napatingin din sya dun pero wala namang sinabi.

Umiling lang ako sa kanya at ngumiti.

Ngumiti rin naman sya sa akin pabalik sabay sabi ng mga bagay na gustong magpawala ulit ng ulirat ko.

"I'll take care of you. Don't worry. Iuuwi muna kita sa bahay. Hangga't wala pang naghahanap sa'yo."

Patay kang bata ka.

------

Hindi ko maiwasang mamangha pagkakita sa naglalakihang building na nadadaanan namin.
Papunta na kami ngayon sa bahay ni  Sendoh. Pinauwi na muna kami ng doctor at inabisuhang bumalik na lang para sa check up.

Napabuntong hininga na lang ako sa naisip. Ang laking gulo ng ginawa ko kung sakali. Mabuti na lang talaga at hindi ugali ni auntie na magtatawag sa bahay habang wala sya.

Isang buwan.

Isang buwan lang ang mayroon ako para ayusin ang lahat ng ito.

Magtatapat na ako kay Sendoh.

"Anong problema? Masakit bang ulo mo?"

Takang napatingin ako sa kanya. At doon ko lang napansin na nakahawak pala ako sa may ulo ko at marahil dahil sa pagkakalukot ng mukha ko. Inakala nyang sumasakit yun.

Mabilis na umiling lang ako sa kanya at pilit na ngumiti.

Parang nakahinga namam sya ng maluwag at ngumiti na rin sa akin.

Hindi ko maipaliwanag pero parang biglang tumalon yung puso ko sa ngiting yun.

Ano bang nangyayari sayo Yuika?

Ibinaling ko na lang ulit yung paningin ko sa labas para tingnan yung mga naglalakihang gusali sa labas.

Ilang sandaling tahimik lang kami ng bigla na naman syang magsalita.

"Hindi mo maalalang pangalan mo. Kailangan mag isip tayo ng pwedeng itawag sa'yo. May naisip ka ba?"

Napakagat ako sa labi ko sa naisip nya. Mukhang tama talaga ang doctor na tingnan yung utak ko. Kung bakit naman kasi walang lumalabas na boses sa akin kapag kaharap sya?

"Kumi? Gusto mo ba nun?"

Maang na napatingin ako sa sinabi nyang pangalan. Agad na nangilid ang luha ko pag kaalala sa pangalan na iyon.

Pangalan kasi yun ng mama ko.

"Hey, ayaw mo ba? It's okay. Wag ka na umiyak ha. Papalitan n---"

Nagulat yata sya sa ginawa kong pagyakap sa kanya. Mabuti na lang at mabilis nyang naihinto yung sasakyan nya sa may gilid.

Umiiyak pa rin na tiningala ko sya.

At sa buong pagkagulat naming dalawa.

"G-gus-to ko..."

May boses na lumabas sa lalamunan ko.

The Playful Guy (Akira Sendoh Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon