Fifteen - Normal life
"Papasok po ako sa eskwelahan ni Aki?"
"Oo. Ayaw mo ba? Sabi mo natapos mo naman na ang unang semester ng kurso mo. Hindi ngalang kayo magiging magkaklase dahil nasa second year na sya at first year ka pa lang---"
"At magkaiba kami ng course Ma. Isa pa hindi pwede si Kumi sa maraming tao. At hindi natin alam ang tunay na pangalan nya."
Sang ayon naman ako sa mga sinabi ni Sendoh. Pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot dahil sa mga katotohanang iyon.
Pero mukhang hindi naman natinag ang mama nya at balewalang hinawi si Sendoh at deretsong umupo sa tabi ko.
"Huwag mo pansinin yang si Akira,Kumi. Naayos ko na ang lahat. All you have to do now is to attend your class and that's it. You'll be a normal college student again."
Uh oh. Again? First.Being normal is not a usual thing for me. Second. I've never been in school for all my life. How can I treat all of this as normal now?Bakit ba kasi nasabi sabi ko pang isa sa hindi nabura sa ala ala ko ay yung educational attainment ko? Dapat sinabi ko na lang na hindi ko rin maalala. Haaayyy Yuika!
Hindi ko maitago ang weird na tingin pabalik balik sa kanilang mag ina.
"Okay lang ba sa'yo Kumi." Tila sumusukong tanong ni Sendoh.
Sandaling natahimik pa rin ako. Hindi naman kasi basta basta ang inaalok nila sa akin. Isa pa hindi ako maaaring magtagal sa lugar na ito. Ang totoo pa nga nyan,dalawang linggo na lang ang nalalabi sa araw na maaari kong itagal dito sa bahay nila. Pagkatapos nun ay kailangan ko ng bumalik sa mansyon sa gitna ng kagubatan.
"Kumi?"
Mukhang naiinip na tawag sa atensyon ko ng mama ni Aki.
"Sige po."
"Really?" Namimilog ang mga matang tanong ni Aki.
"Alright. Aki ikaw ng bahala kay Kumi okay? Gumayak na kayo at baka malate pa kayo sa klase nyo."
"What?" Gulat pa rin na tanong ni Aki. "As in ngayon na? Agad agad? Wala pang gamit si--- Okay. This is unbelievable!"
Hindi ko mapigilan ang matawa ng makita ang pagkagulat sa mukha ni Aki ng ilabas ng mama nya ang isang bag at ilang kagamitan na tingin ko ay sa akin. Maging ako man ay nagulat sa pagiging handa ng mama nya. Hindi sya nagsisinungaling ng sinabi nyang all I have to do is to go to school and attend my class.
Unti unti lang akong natigilan sa pagtawa ng mapansin ang nakangiting mukha ng mama ni Aking nakatingin sa akin at ang namamanghang mukha ni Aki na nakatitig sa gawi ko.
"You laugh Kumi." It's obviously not a question but a statement from Aki.
"And?" Nagtatakang tanong ko.
"And? God Kumi. It's the first time that I heard you laugh and I... I.... I don't know, can we just go to school now?" Tila naiinis nyang sabi sabay talikod at punta sa kwarto nya.
Weird.
"Don't mind him Kumi. Sige na gumayak ka na. Nagagandahan lang yun sa'yo."
Pakiramdam ko agad na namula ang magkabila kong pisngi dahil sa sinabi nya. Pero mabilis na rin akong tumalikod at sumunod sa utos nya.
---
"Are you sure about this?"
Sunod sunod na napatango na lang ako kay Aki. Sunod sunod din ang ginawa kong paglunok ng sarili kong laway. Pakiramdam ko kasi nahihirapan ako huminga lalo na at nagsisimula ko ng matanaw ang malaking bugso ng mga tao na pumapasok sa making gate ng eskwelahan na yun.
Kaya ko ba?
Ilang beses na bumuga ako ng hangin habang pinapagpag ang magkabila kong kamay. Bigla lang akong natigilan ng marinig ang mahinang pagtawa sa tabi ko.
"Nervous? Normal lang yan."
Nakangiting sabi ni Sendoh ng malingunan ko sya." Just tell me if you wanna go home. I'll understand."Gustong mangilid ng luha ko sa concern napinapakita ni Aki. Pero syempre ang OA ko naman kung iiyak ako sa harap nya ngayon. Kaya naman kahit pa nga tila may mga naghahabulang kabayo sa dibdib ko at may malaking tipak ng batong nakabara sa lalamunan ko pinilit kong ngumiti sa sa kanya.
"Kaya ko to Aki. Isa pa nandyan ka lang naman di ba? Tiwala naman akong hindi mo ko pababa---"
Hindi ko magawanh tapusin yung sinasabi ko nang bigla na lang nyang tawirin yung pagitan namin at yakapin ako ng mahigpit."Aki.." Napapaos ang boses na bigkas ko sa pangalan nya.
"Tama ka Kumi. Wala kang dapat ipagalala dahil hindi kita pababayaan. Hinding hindi. Tandaan mo yan."
Mariin akong napakagat sa labi ko pagkarinig sa sinabi nya. Lalo tuloy ako nahirapan magpigil ng luha dahil sa pinapakita nya sa akin ngayon.
"Sino yan?"
"Girlfriend ba yan ni Akira?"
"Bakit sila magkayakap?"
"Pero di ba sila pa ni Himeno?"
Takang napabaling ako sa may likuran ni Aki nang may makitang grupo ng mga kababaihan na parang may pinag uusapan. Ah hindi pala parang... Dahil mukhang sadya naman nilang pinaririnig sa amin na kami ang pinag uusapan nila.
Himeno?
Takang ulit ko sa pangalang sinabi nila.
"Don't mind them Kumi. Let's go?" Aya sa akin ni Aki sabay hila sa kamay ko. Bigla ko tuloy nakalimutan yung iniisip ko at napatingin sa magkahugpong naming mga kamay.
Ay naku Kumi! Mag aaral ka eskwelahan kaya ka papasok okay? Wag assuming!
Isang malakas na buga ng hangin muli ang pinakawalan ko para alisin ang kaba ko. Para na rin mabura sa isip ko ang anumang kilig na nararamdaman ko.
Ready na ako!
Sa wakas ay nakapasok na kami sa loob ng eskwelahan ni Aki. At mukhang hindi naman ako gaanong mahihirapan lalo na at kilala ko ang unang taong bumati sa akin.
"Kumi!!!"
"Ayako!!!" Nakangiting bati ko sa kanya. Mahigpit na niyakap naman nya ako at tila ba tuwang tuwa sya talagang makita ako.
Masayang gumanti naman ako sa kanya ng yakap ng may mapansin akong kulot na lalaki sa likod nya. Nginitian ko din ito at tumango naman sya sa gawi ko.
"Totoo pala na papasok ka rin dito? Akala ko kasi pinagloloko lang kami nitong si Aki."
"Kelan ba kita niloko Ayako? Takot ko lang dito kay Ryota kung sakali." Natatawang sagot ni Aki.
"Ay sorry. Sya nga pala si Ryota---"
"Boyfriend nya Kumi!"
"Bakit ba inuunahan mo ko Sendoh? Ako dapat ang magpakilala sa kanya!" Inis na sigaw ni Ayako.
"Baka kasi itanggi mo na naman!"
"Shut up!!!"
"Shut up!!!"
Natawa ako ng sabay nilang sigawan si Sendoh.
Natigilan lang ako ng maramdamang nakatitig na pala sila sa akin.
"May problema ba?" Takang tanong ko sa kanila.
"Wala naman. Just smile always Kumi. Ang ganda mo girl! Di ba Sendoh?"
"Oo!"
Agad na namula ang magkabila kong pisngi dahil sa sagot ni Aki.
I guess my First day in school woundn't be that boring....
BINABASA MO ANG
The Playful Guy (Akira Sendoh Fanfic)
General FictionNAME: Akira Sendoh Height : 190 cm (6'3") Position: Point Guard I always thought that slam dunk would be so much interesting if there will be a story about their lovelife. Pero syempre opinyon lang naman yun ng pakialamerang malikot ang imahinasyong...