TWELVE - Shoyo

177 15 0
                                    

Twelve

"Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko? Kahapon pa kita kinocontact pero walang sumasagot. Balak ko na ngang papuntahin dyan ang tiyuhin mo kung hindi pa kita nakausap ngayon!"

Mariin na naipikit ko ang mga mata ko habang nakahawak ang isang kamay ko sa may dibdib ko. Pakiramdam ko kasi lalabas na ang puso ko anumang oras dahil sa sobrang kaba ko.

"Aba'y may kausap ba ko? Ikang?"

"Opo Auntie! Nandito pa po ako. Pasensya na po kahapon. Nakatulog po kasi ako. Masama kasi ang pakiramdam ko kaya uminom ako ng gamot. Siguro po dahil dun kaya hindi ako nagising kaagad ng tumawag kayo." Malalim ang ginawa kong paghinga matapos tuloy tuloy na magpaliwanag. Alam mo ba yung pakiramdam na kinakapos ka ng hininga dahil sa sobrang kaba,tapos kailangan mo pang magsalita ng pagkahaba haba?

"Hala sige! Kinakamusta lang naman kita. Yung bilin ko sa'yong bata ka! Baka naman...O sige sige!"

Para akong nabunutan ng malaking tinik nang mawala na sya sa kabilang linya. Hindi ko na pinansin pa na parang wala naman syang pakiaalam kung nagkasakit ba ako. Parang mas kabado pa nga sya na baka sinuway ko ang mga bilin nya.

"Mabuti na lang at umabot ako." Napapagod na napaupo ako sa harap ng malaking piano sa sala ng bahay.
Nasa eskwelahan si Sendoh ngayon. As usual,naiwan na naman ako sa bahay nila. Pero dahil hindi ako mapakali at hindi maalis sa isip ko ang posibilidad na baka tumawag nga ang tiyahin ko--- na nangyari na nga kanina. Nagpasya akong pumuslit at umuwi ng bahay. Naisipan ko na ring kumustahin ang lagay nito dahil sa biglaang pagkawala ko.

"Ang tahimik!" Halos marinig ko na ang paghinga ko dahil sa sobrang katahimikan ng paligid. Hindi ko naman napapansin yun dati kahit na nga nag iisa lang naman ako parati. Pero ngayon,pakiramdam ko kayang kaya kong bilangin pati yabag ng mga langgam sa paligid.

I never thought that this house can be this boring and lifeless.

Naiiling na inilibot ko ang paningin sa buong paligid pero tulad ng pakiramdam ko kaninang makapasok ako, para akong estranghero sa bahay na ito. Parang hindi na ako sanay. Parang hindi ito ang lugar na kinalakihan ko. Sandali pa lang akong bumabalik pero naiinip na agad ako.

Gusto ko ng makita si Sendoh.

Posible pala talaga yun? Yung nabuhay ka naman ng màtagal na hindi sya kasama pero ng masanay ka ng nasa tabi nya palagi parang kulang na yung buhay mo. Hindi na kumpleto. Ang lungkot.

The Playful Guy (Akira Sendoh Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon