FOURTEEN

178 13 3
                                    

Fourteen

Kanina pa namamawis ang mga kamay ko. Hindi ko rin sigurado kung humihinga pa ba ako. Paano naman kasi,kanina pa rin nakatapos si Aki na magpaliwanag pero nanatiling nakatitig lang sa gawi ko ang babaeng tinawag ni Aki na Mama kanina.
Para akong nasa isang palarong pambata na kailangang pigilin ang pagkilos ng katawan dahil kung hindi ay mapapaalis ako sa laro--- and in my case,baka mapaalis ako sa bahay ang mangyari kapag nagkamali ako.

Kahit nakayuko ramdam ko ang pagtayo ng mama ni Aki at paglipat sa tabi ko. Hinanda ko na ang sarili ko sa gagawin sanang pagpapaliwanag nang bigla na lamang nya akong hilahin at yakapin ng napakahigpit.

Anong nangyayari?

"Welcome to our home Kumi anak. Pagpasensyahan mo na itong si Akira ha. Madalas kasi na pabiglabigla talaga yan magdesisyon. Wag ka mag alala. You can stay here as long as you want. Pwede ko ding palayasin sa bahay si Aki para hindi ka mailang."

"Ma!!!"

Gulat na napatitig lang ako sa kanya habang tatawa tawa namang nagpoprotesta si Aki.

"Shut up Aki!" Baling dito ng ina nya.
"I'm so glad na magkakaroon na rin ako ng anak na babae." Takang hindi ko mapigilan ang pangingilid ng luha ko lalo na ng magsimulang umiyak ang mama ni Aki sa harap ko.

Kaya kahit pa nga nag aalangan akong kumilos sa harap nya. Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin sya ng mahigpit.

"Salamat po...mama."

Mas lalong napalakas ang iyak nya sa sinabi ko. Bigla naman akong nag alala at napatingin sa gawi ni Aki. Sumenyas lang sya na pabayaan ko lang ang mama nya.

"She called me mama Aki. Nakakatuwa. May kapatid ka na!"

"Ma!!!" Malakas na iling ni Aki na ikinakunot ng noo ko. Para kasing ang laki ng pagkakatutol nya sa sinabi ng nanay nya.

Nang mapalingon naman ito sa gawi ko ay napabuntong hininga lang ito bago inalalayan patayo ang mama nya at dalin sa silid nito.

"Pakainin mong mabuti si Kumi ha. Ay teka hindi ka nga pala marunong magluto---"

"Bumili na ko sa labas mama. May kakainin na po kami kaya magpahinga na kayo."

Naulinigan ko pa silang nagtatalo sa may hagdan kaya naman hindi ko mapigilan ang mapangiti sa kanila. Pero agad din yung naglaho ng may maalala ako bigla. Mabilis na pinalis ko yun sa isipan ko at ilang beses na bumuga ng hangin.

Nagulat pa ako ng biglang tumabi sa akin si Aki.

"Let's eat." Malaki ang ngiting sabi nya.

"Aki yung mama mo--"

"She's fine. Naalala lang nya siguro si Kumi. My supposed to be sister. Nakunan kasi si mama. Kaedad mo na sana sya ngayon kung nabuhay sya."

Maang na napatingin ako sa gawi ni Sendoh sa sinabi nya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot para sa kanila.

"Thank you Kumi."

"Para saan?"

"Just because."

"Ano?"

"Kumain na tayo. Para makapagpahinga ka na rin. Teka sigurado ka bang walang nabaling buto sa'yo?"

"Yung bike mo Aki..."

"Hayaan mo na yun. I am more worried about you. Lalo na ngayon na mukhang mas mahal ka na ni mama kaysa sa akin." Natatawang sabi nya bago ginulo muli ang buhok ko.

Akala ko ay mauuna na sya sa kusina kaya tumigil muna ko para hawiin ang buhok na tumabing sa mukha ko pera nagulat ako ng may nauna na sa mga kamay kong humawi nito.

Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa mukha ni Aki na seryoso na ngayon ang itsura na na nakatitig sa mga mata ko. Para bang may gusto syang sabihin na hindi nya maisatinig.

"Si Yuki---"

"Kumain na tayo Sendoh." Pero mabilis na pinutol ko ang gusto nya sanang sabihin ng simulan nya ito sa pangalan ng babaeng nagpapasakit nh puso ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Ako na ang naghain ng pagkain namin habang tahimik naman syang naupo na at pinagmasdan ang ginagawa ko.

"Saan ka nagpunta kanina?"

Natigil ako sa balak na pagsubo ng kanin dahil sa sinabi nya.

"Umuwi ako ng maaga pero wala ka kaya hinanap kita sa labas."

Hinanap? Kaya ba magkasama kayo ni Yuki at nagyayakapan?
Mahinang sigaw ng isip ko sa kanya.

Hindi ko maiwasang mapairap sa sinabi nya. Bigla akong nakaramdam ng inis kaya mabilis na tinapos ko na ang pagkain ko.

"Kumi..." Tila naiinip na tawag ni Sendoh sa pangalan ko dahil hindi ako sumasagot sa tanong nya.

Isang malalim na buntong hininga lang ang pinakawalan ko bago bumaling sa kanya.

"Inaantok na ko."
Sa dami ng gusto ko sabihin tanging iyon lamang ang lumabas sa bibig ko.

Tuloy tuloy na tumayo na ko tumungo sa hagdan para lang muling matigilan ng may maramdaman na mainit na palad na pumigil sa kamay ko.

Tinangka kong bumitiw pero lalo lamang itong humihigpit.

"Sendoh--"

Hindi ko nagawa pang tapusin ang gagawin sanang pagtutol ng sa pagharap ko ay mahigpit nya akong ikinulong sa mga bisig nya. Nakatapat ang tenga ko sa may dibdib nya pero hindi ko sigurado kung ang malakas na pintig ng pusong naririnig ko ay sa kanya o sa akin ba.

"Aki...hindi ko alam pero mas gusto kong tawagin mo kong Aki. Hindi din ako sigurado sa kung ano bang kasanalan ko pero Kumi... I'm sorry. Sorry kung may nagawa man akong hindi mo nagustuhan. Sorry. Please wag ka ng magalit sa akin. I don't know. I can't even explain it but I can't stand you ignoring me. Nababaliw ako. So please. Bati na tayo okay?"

Shit lang. Bakit nga ba ulit ako nagagalit?

Para kasing tinangay ng hangin lahat ng pagtatampong nararamdan ko kanina sa ginawang pagyakap sa akin ni Aki.

Ramdam ko pa ang bahagyang pagtaas ng balahibo ko sa batok sa paulit ulit nyang paghalik sa buhok ko.

"Bati na tayo Kumi." Paulit ulit nyang usal ng hindi bumibitaw sa pagkakayakap sa akin.

Sige nga. Paano ko pa magagawang patuloy na magtampo ngayong si Sendoh na mismo ang nakikipagbati sa akin.

Bakit ka ba kasi nagtatampo Yuika? Eh wala namang kayo?

Ouch!

"Sendoh...matutulog na ko."

Dahan dahang bumagsak ang mga kamay ni Sendoh sa tagiliran nya. Marahil ay iniisip nyang galit pa rin ako. Kaya naman bago tuluyang tumalikod sa kanya. Lakas loob na tumingkayad ako para halikan sya sa pisngi.

"Bati na tayo. Aki." Then I run as fast as I could.

Nakakahiya!

The Playful Guy (Akira Sendoh Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon