ELEVEN - FIRST LOVE

208 14 1
                                    

Eleven

Kanina pa ko binitawan ni Sendoh mula sa mahigpit nyang pagkakayakap sa akin pero hindi ko pa rin magawang mag move on at parang wala sa sarili sumusunod lang sa ginawa nyang paglakad palabas ng gymn.

Halos mapasubsob na tuloy ako sa malapad nyang likuran nang bigla na lamang syang huminto ng walang pasabi. Nagtatakang sinilip ko ang mukha nya mula sa likuran. Parang hindi naman nya ako pansin at abala ang mga mata nyang nakatingin sa kung saan--- ah hindi pala, mas tama sigurong sabihing nakatingin sa kung sino. Para syang itinulos na kandila mula sa kinatatayuan habang nakatingin sa lalaking kalaro nya kanina at sa babaeng kasama nito. Hindi ako sigurado kung sino sa dalawa ba ang nakapagpatigil sa paglakad nya.

"Sendoh." Mahinang tawag ko sa kanya. Tila hindi naman nya ako narinig at nanatiling tahimik sa pwesto nya.

Napahinga na lang ako ng malalim at hinayaan na lang sya muna sa pagkakatulala nya. Sa huli ginaya ko na lang ang panunuod nya sa mga taong yun at nanahimik na rin sa tabi nya.

Akala ko kanina nangangain ng tao yung lalaking may suot na jersey na eleven ang nakasulat sa likuran. Bukod kasi sa hindi sya ngumingiti laging masama ang tingin nya kay Sendoh. Kabaligtaran naman ni Sendoh na lagi lang sya tinatawanan. Pero mukhang nagkamali ako dahil sa nakikita ko ngayon eh para bang ang saya saya nya habang kausap yung babaeng nasa harapan nya. Parang biglang naging ibang tao sya sa harap ng babaeng yun.

Ilang sandali pa ang lumipas na pinanuod namin sila habang nagtatawanan. Hanggang sa maya maya lang ay nagpasya na silang umalis at nawala na ng tuluyan sa harapan namin.

Dahan dahan kong nilingon si Sendoh at hindi na ako nagtaka ng makita syang humuhugot ng malalim na hininga.

"Sorry!" Yun ang una kong narinig na sinabi nya na ikinakunot ng noo ko.
Hindi ko kasi maintindihan kung bakit nya kailanangang humingi ng pasensya sa akin. Mas lalo pang nadagdagan ang pagkakalukot ng mukha ko ng bigla pa syang ngumiti sa akin.

Hindi ko naiintindihan kung ano ba ang nangyayari pero hindi ako natuwa sa ginawa nyang pagngiti para kasing may kung matulis na bagay ang tumusok sa may bandang dibdib ko sa ginawa nyang yun. Hindi ko magawang matuwa dahil masakit ang naging dating sa akin ng ngiti nyang iyon.

"Umuwi na tayo?" Ganoon pa rin. Mahinahon naman ang ginamit nyang salita pero iba ang naging pakiramdam ko. Hindi ko magawang kumilos at nanatiling nakatitig lamang sa kanya.

"Kumi?" Marahil nga ay nagtataka na sya sa ikinikilos ko.

Maging ako man ay ganoon din sa sarili ko.

"Hey! Why are you crying?"

Crying? Ako?

Sunod sunod lang napailing ako sa kanya at bago pa man sya makalapit sa akin ay ako na ang tumawid sa pagitan naming dalawa at mahigpit syang niyakap.

"Kumi." Tila nabibiglang tawag ni Sendoh sa pangalan ko pero hindi naman nya tinanggal ang pagkakayakap ko mula sa kanya.

"May masakit ba sa'yo? Kumikirot ba ang sugat mo? Bakit ka umiiyak?" Ilang sandali pa ay tila nataranta na sya at sunod sunod na ang naging tanong sa akin.

Pinigilan ko ang sarili kong umiyak at pilit na kinalma ang sarili ko at kusa ng humiwalay sa kanya.

"Dadalin na kita sa hospital!"

Mabilis na hinawakan nya ako sa kamay at nagtangka hilahin pero pinigilan ko sya at nanatili sa kinatatayuan ko.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago nagpasyang magsalita.

Kaya mo yan! Yuika!

"Walang masakit sa akin. Okay lang ako Sendoh." Marahan kong simula. Alam kong bahagya pa sya talagang nagugulat kapag naririnig ang boses ko kaya hindi na ako nagtataka sa naging reaksyon nya ngayon. "Hindi ko rin alam kung paano ipapaliwanag sa'yo ang pag-iyak ko...pero---" Mariin na napakagat ako sa ibabang labi ko bago nagpatuloy. Parang ngayon lang din kasi pumasok sa isip ko ang mga bagay bagay. "Hindi yun para sa sarili ko. Para yun sa'yo."

Maang napatingin syang lalo dahil sa sinabi ko.

"Para sa akin?"

Alam kong hindi maganda ang lugar na kinatatayuan namin para sa eksenang nangyayari. Hindi ko nga alam kung paano kong natatagalan ang pagtingin sa amin ng bawat taong dumadaan. Marahil dahil hanggang tingin lamang sila at hindi naman nagtatangka lumapit.

"Alam mo ba na may first love si Sadako? Napangiti ako noong una silang magkakilala at nasaktan ako ng magkahiwalay sila. Siguro weird pakinggan na ang love story na kinukwento ko ay tungkol sa pinakanakakatakot na babae sa pelikula pero ano bang pinagkaiba? Sa huli ang pinupunto naman noon ay kung paano tayo nagmahal,nagmamahal at magmamahal."

Bigla kasi sumagi sa isip ko ang kinuwento ni Ayako sa akin tungkol sa babaeng nagngangalang Yuki. Hindi ako sigurado kung tama ang hinala ko. Pero sa nakita kong sakit na gumuhit sa mga mata ni Sendoh. Hindi ko maiwasang maikumpara iyon sa mga mata ni Sadako ng matuto syang magmahal at masaktan.
Weird man pakinggan pero sa horror story ako natuto ng mga bagay tungkol sa pagmamahal.

"Please don't smile at me like that again Sendoh. Mas gusto kitang makitang umiyak na lang kaysa pilit na pinakikitang masaya ka. Hindi kahinaan ang pag aming nasasaktan ka na."

Marahil ay takang taka na si Sendoh sa mga pinagsasabi ko base na rin sa pagkakakunot ng noo nya. Pero nagulat ako ng bigla na lang syang tumawa ng malakas sa harapan ko.

"Yung tinitingnan ko kanina?" Biglang tanong nya habang unti unting tumitigil sa pagtawa. "Siguro may sinabi sa iyo si Ayako kaya nagkaroon ka ng ideya. Damn! You're such a clever woman! Cute!" Nagulat ako sa ginawa nyang pagkurot sa makabila kong pisngi bago ak inakbayan at iginiya ng lumakad palabas ng lugar na iyon.

Naramdaman ko ang bahagya pa rin nyang pagtawa dahil sa marahan na pag alog ng mga balikat nyang nakapatong sa akin.

Hindi ko naman magawang tingnan sya at magtanong dahil tila bumalik na naman ang hiya ko at wala akong mahagilap na sabihin.

"Upo tayo?" Tanong nya pero mabilis naman nya na akong nahila papunta sa isang bench na nakaharap sa isang lawa.

"Si Yuki." Marahang simula nya. Agad na napaderetso naman ako ng upo at napatingin sa kanya. Hindi ko kasi inaasahan na magkukwento sya sa akin.

"Sya ang first love ko."

Hindi ko maipaliwanag pero bahagya akong napahawak sa bandang puso ko. Para kasing may maliliit nakarayom na tumusok doon.

"I met her when I was seven. I made her cry." Bahagya syang napatawa na parang may biglang naalala.

"Pero alam mo hindi naman lahat ng first love nagkakatuluyan. Because like what you saw earlier. She'd fallen in love with another man. It hurts. Big time. But still I am happy."

Hindi mapigilan ng mata ko na magtubig habang pinapakinggan sya. Mababaw talaga siguro ang luha ko. Bilib na bilib ako kay Sendoh na nanatiling kalmado sa pagkukwento samantalang parang halos nilalamukos na ang puso ko.

"Ganoon naman dapat di ba? Alam mo kung kailan ka lang dapat lalaban at kung kailan ka dapat titigil at magpaparaya. Ang relasyon ay binubuo ng dalawa hindi ng isang nagmamahal lang. Tama ka. Nasasaktan akong makita syang may kasamang iba pero sa maniwala man o sa hindi. Masaya ako. Kasi nakikita kong masaya na din sya. Kaya wag kang masaktan para sa akin Kumi. You see, I am stronger more than what you think of me. My heart may be aching but it is not broken. I am just mending a crack but not a totally broken heart." This time. His smile are more genuine. Hindi man kasing saya ng mga ngiti nya dati pero hindi na kasing sakit ng kanina.

Sunod sunod na napasinghot ako kaya natawa na naman sya sa gawi ko.
Pero sa buong gulat ko na halos magpalabas sa puso ko. Bigla nya akong niyakap ng sobrang higpit and whisper words I barely hear because of too much loudness of my hartbeat. Hindi ko tuloy alam kung tama ba ang narinig ko o may diperensya na ang tenga ko parang sinabi nya kasing...

"You mend the crack in my heart...Kumi."

Shit lungs!!!

The Playful Guy (Akira Sendoh Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon