NINE
Hindi ko magawang matulog kahit pa nga kanina pa ako nabobored dito sa loob ng classroom na kinaroroonan ko. Tungkol na lang naman sa sembreak yung pinag uusapan kaya wala na talaga doon ang atensyon ko.Kanina ko pa rin kasi hinihintay na tumunog yung bell palatandaan na maaari na kaming umuwi.
Alas otso pa lang ng umaga ng umalis ako sa bahay. Mag aalas kwatro na ngayon at kanina pa walang kasama si Kumi. Nag aalala ko sa kalagayan nya ngayon na wala syang kasama.
Kung bakit kasi kapag hinihintay mo yung oras saka tila doon pa yun lalong tumatagal dumating?
"Psst!"
Tamad na nilingon ko na lang si Ayako na kanina pa ako tinatawag. Hindi lang nya naituloy ang balak na sasabihin ng magsimula ng maaga yung klase namin.
"Himala at gising ka ngayon? Kumusta si Kumi?" Bulong nya sa gawi ko.
Hindi ko maiwasang itaas ang pareho kong kilay sa tanong nya. Parang tuwang tuwa kasi nya ngayon Samantalang halos gusto na nya akong bugbugin kahapon ng pumunta kami sa bahay nya.
"Hindi ko alam na type mo na rin pala ang mga babae ngayon?"
Agad naman nalukot ang mukha nya sa sinabi ko pero mabilis ding napangiti at bumaling sa akin.
"At hindi ko alam na pati babae ay pinagseselosan mo na ngayon? Akira Sendoh?"
"What?"
Natatawa ko ng tugon sa kanya."Tsk! Ewan ko sa yo! Napakaclueless mo talaga pagdating sa mga ganyang bagay. Natatabunan ang pagkahenyo mo---"
"Ayako!!! Bakit nakikipagbulungan ka dyan kay Sendoh? Pinagpalit mo na ba ko sa kanya?Ni hindi mo yata narinig na tapos na ang klas---"
Hindi ko na napigilan na humalakhak ng isupalpal ni Ayako ang hawak na bag sa bibig ni Ryota. Inis na binalingan naman ako nito kaya napataas ako ng dalawa kong kamay tanda ng pagsuko. Pero hindi ko pa rin mapigilan ang tawa na kumawala sa bibig ko.
"O tara na! Tatawanan ka lang nyang si Sendoh Ryota. Hindi ka pa nasanay. Isa pa paano mo namang naisip na may kakaiba sa pag uusap namin? Si Sendoh? Eh walang puso yan!"
"Ouch! Nandito pa ako Ayako. Ang bilis mo naman makalimot."
"Shut up Sendoh! Umuwi ka na at baka dun mo makita ang nawawala sa'yo!"
Mabilis na nyang hinila palabas si Ryota at iniwan akong napapangiti.
Makita ang nawawala sa akin?
Napapailing na ipinagkibit balikat ko na lang iyon at nagpatuloy na sa mabilis na paglakad palabas. Pero hindi pa ako tuluyang nakakalayo ay may bigla ng humarang sa daraanan ko.
Mukhang hindi ipinag aadya na maaga akong makauwi ngayong araw. Kating kati man ang mga paa ko na tumakbo na at lagpasan na lang ang babae sa harapan ko ay hindi ko naman iyon maatim na gawin kaya pilit na ngumiti na lang ako at hinarap sya.
"Alam ko na ang totoo...Sendoh!"
"Ah...Anong totoo?" Kunot noong tanong ko.
"Hindi mo girlfriend si Yuki Hikari. She's Kaede Rukawa's girlfriend. Bakit ka nagsinungaling sa akin."
Ilang sandali akong natigilan sa sinabi nya. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa nagulat akong nalaman nya agad yung pagpapanggap ko o dahil yun sa kirot na naramdaman ko sa dubdib ko sa kaalamang hindi naman talaga sa akin si Yuki.
"Sendoh..."
Napabuga na lang ako ng hangin para tanggalin yung tila mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ko.
BINABASA MO ANG
The Playful Guy (Akira Sendoh Fanfic)
General FictionNAME: Akira Sendoh Height : 190 cm (6'3") Position: Point Guard I always thought that slam dunk would be so much interesting if there will be a story about their lovelife. Pero syempre opinyon lang naman yun ng pakialamerang malikot ang imahinasyong...