Kung isa kang fan ng slam dunk,malamang na kilala mo si Kenjie Fujima. Sya lang naman ang gwapong captain slash point guard ng team ng Shoyo. Ang pangalawang team na magaling sa distrito dati. Bigla ko kasi syang naalala. At naisipang iextra sa kwento ni Aki. Maraming salamat po sa patuloy na pagbasa sa kwento nya.
Thirteen
Mabilis ang ginawa kong paghila sa lalaking nagpakilalang Kenjie nang marinig kong paparating ang pamilyar na boses ni Sendoh.
Pilit na ikinubli ko ang sarili namin sa isang malaking puno hindi kalayuan sa bahay nila Sendoh kaya tanaw na tanaw ko pa rin ang dalawang taong dumating malapit sa kinapupwestuhan namin kanina ng lalaking kasama ko.
Sa tulong ng liwanag na nanggagaling poste ng ilaw,kitang kita ko kung gaano kasaya ang itsura ni Sendoh. Ni hindi man lang yata nya napansin yung bike nyang nakabagsak sa may gilid na nakalimutan kong tangayin para itago. Abala sya sa pagkukwento ng kung anong bagay kay Yuki na parang may kung anong itinutukso sa kanya at masayang masayang tumatawa.
"Does it hurt again?"
"Huh?" Gulat na napalingon ako kay Kenjie dahil sa sinabi nya. Kunot noong sinundan ko ng tingin yung itinuturo ng nguso nya.
Noon ko lang napagtantong nakahawak na naman pala ako sa bandang dibdib ko."I think you're right. Even the best cardiologist in the world can not do anything with your heart problem. I can see it now and I understand."
Muli,nanatili lamang akong nakatitig sa kanya at hindi nagtangkang magsalita. But when he smiled at me,mag isang bumuka sara ang bibig ko na para bang may gustong sabihin pero hindi ko nagawang ituloy.
"I thought you're his sister. Pero narealize ko hindi kayo magkamukha. Sobrang layo. You're too beautiful to be his sister---"
"But he's handsome!" Putol ko sa sasabihin nya na ikinatawa nito ng malakas.
"Damn! I can't believe you still gonna defend him. Why don't you try cursing him? Alam mo mas makakagaan yun ng loob. Hangga't magandang bagay lang kasi ang nakikita mo sa kanya hindi ka talaga makàkamove on."
"Wala naman syang kasalanan. Hindi nya kasalanan na nasasaktan ako. Ako yun. Kusa ko yung naramdaman at hindi nya yun kasalanan."
Dahil nakatingin ako sa kanya. Kitang kita ko kung paano mawala ang ngiti sa mukha nya at seryosong napatitig sa akin.
BINABASA MO ANG
The Playful Guy (Akira Sendoh Fanfic)
General FictionNAME: Akira Sendoh Height : 190 cm (6'3") Position: Point Guard I always thought that slam dunk would be so much interesting if there will be a story about their lovelife. Pero syempre opinyon lang naman yun ng pakialamerang malikot ang imahinasyong...