FOUR
"Isang buwan kayong mawawala?" Maang na tanong ko kay Auntie na abalang naglalagay ng mga gamit nya sa bag.
"Oo. Kaya yung mga bilin ko sa'yo lagi mong tatandaan ha!" Dere deretso lang nyang sabi. Lihim naman akong natuwa at mabilis na pinlano na sa isip ko yung mga bagay na maari kong magawa habang wala sya.
"O bakit ngingiti ngiti ka na naman dyang bata ka?"
"Po?" Gulat na tanong ko habang pinipigilan ang sariling mapangiti ulit. "Hindi po ako nakangiti. Akala nyo lang yun auntie!" Mabilis pang tanggi ko na ipinagkibit balikat lang naman nya.
"Aalis na po kayo?'
"Bakit parang tuwang tuwa ka?"
"Naku hindi po. Ang totoo nga nyan sobrang nalulungkot po ako auntie!" Nakayukong sabi ko nang makitang bahagyang napasimangot yung mukha nya.
"Hala hala! Sige na at tapusin mo na yung klase mo sa taas." Taboy nya pa sa akin.
"Tapos ko na po lahat ng modules na ibinigay ni Uncle Ben." Balewala lang na sabi ko pero nagpasyang sundin pa rin ang utos nya at tuluyan ng umakyat. Palagi namang sya na ang nagsasara ng mga pinto. Tipong takot na takot talaga syang palabasin ako at makakita ng tao.
Kahit alam kong wala na kong naiwang gawain. Pinili ko pa ring buksan yung computer ko at tingnan kung may baging E-mail si uncle Ben.
Home schooled ako. Malamang di ba. Tanda ko pa ng pagtalunan nila ni tyang ang bagay na yun. Akala ko mauubos yung mga mwebles namin dito sa bahay. Wala naman akong pakialam nung una. Gusto ko lang asarin si Auntie ng sumang ayon ako sa gusto ni uncle Ben. Pero habang nagtatagal nagugustuhan ko na rin ang ginagawa ko.
Mahirap. Pero dahil propesor naman daw sa isang kilalang unibersidad si Uncle ay nagawan nya ng paraan na makakuha ng kursong fine arts. Sa kanya lahat dumadaan ng ginagawa ko.Kapatid din sya ng ama ko. Kapatid ni Auntie. Pero sa tingin ko mas sunod sa uso ang pag uugali nya. Hindi tulad ni Tyang na mas gustong nakakulong lang ako.
"Yuika!!! Aalis na ako."
"Opo!" Mahinang sagot ko pero parang sigaw na nagecho pa rin sa buong kabahayan.
Creepy? Siguro kung hindi ka sanay.
Naghintay pa ko ng ilang minuto bago nagpasyang patayin ang laptap ko at sumilip sa bintana. Wala na ang sasakyan ng Auntie ko.
Isang ngiti ang dahan dahan na sumilay sa labi ko.
Hindi ko maintindihan pero masaya talaga ako.
Hapon na at malapit na dumilim pero hindi yun naging dahilan para manatili ako sa loob at sundin ang utos ng tyahin ko.
Mabilis na binalot ko ang sarili ko ng malaking malong at agad na lumabas ng bahay.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Masyado kong excited sa kung anong dahilan.
Baka naman may gustong makita.
Bahagya akong napangiti sa naisip. Ilang araw na rin nagdaan simula ng mangyari ang insidente kung saan may nakakita sa aking tao.. Natuyo na rin ang sugat ko. Hindi naman yun ganoon kalaki at natatawa na lang ako sa naging reaksyon namin ng lalaking naging dahilan ng pagkadapa ko. Hindi ko maiwasang isipin na masyado kaming oa. O baka ako lang at nadamay lang sya sa pagkataranta ko.
"Ano bang kinatatakot ni auntie dito sa labas? Takot ba sya sa maganda?" Hindi ko maiwasang tanong sa sarili ko habang nakatingin sa tila bahagharing kulay ng tubig na nasisinagan ng papalubog ng araw.
Ilang sandali pa nanatili lang ako dun at naupo sa ilalim ng malaking puno pero ng tuluyan ng maglaho yung araw nagpasya na akong bumalik sa loob ng mansyon.
Salitang pinapagpag ko na yung suot kong palda ng bigla akong matigilan ng may marinig na yabag ng tao. Mabilis ang ginawa kong pag ikot pabalik na sana sa bahay ng para akong kandilang itinulos sa kinatatayuan ko.
Sa harap ko kasi ay nandoon na pala yung taong waring tuwang tuwa na makita ako...
"Mabuti naman at nagkita na tayo ulit. Ibig sabihin hindi ako minumulto nung nakaraang araw."
Multo?
Takang bulong ng isip ko na hindi ko na nagawang isantinig pa.
Basta deretso lang akong nakatingin sa kanya at parang naestatwang takot na takot gumawa ng kilos.
"Hi, ako nga pala si Akira Sendoh.."
Alam ko
Piping bulong ko pa rin. Alam ko dahil naiwan nya sa akin yung t-shirt nya noong isang araw.
"Kumusta?" Alanganing tanong nya habang inilalahad yung kamay sa akin.
Ilang beses kong ibinuka yung bibig ko para magpakilala rin pero walang lumalabas na boses sa akin.
Kagat labing nagpasya na lang akong tanggapin yung kamay nya. Pero nakaramdam din ako ng biglang pagsisi ng may kakaibang init na bumalot sa mga palad ko pagkatapos.
Bigla ko pa nga yun nahila ng bahagya nya yun pisilin.
"Okay ka lang ba? Parang namumula ka kasi?"
Huh?
Para akong tanga na napahawak sa mukha ko at napaatras ng nagtangka syang hawakan ako.
Ano bang ginagawa ko Yuika? Magsalita ka nga!.
Pero kahit anong pilit ko. Hindi ko mahagilap ang boses ko. Kaya naman itinuro ko na lang ang mapulang langit at ang mukha ko na para bang pinapahiwatig ko na yun ang dahilan pamumula ng mukha ko. Mukhang nakuha naman nya ang ibig kong sabihin at nakangiting bumaling ulit sa akin.
"You're mute?" Walang halong pang iinsultong tanong nya.
Hindi!!! Gusto ko sanang isigaw. Pero ayaw talagang makisama ng vocal chords ko.
Napahinga na lang ako ng malalim at sumenyas na para bang nagpapaalam.
Tuluyan ng nilalamon ng dilim ang paligid at ayokong maabutan ng dilim na nasa labas pa ko kaya naman kahit wala pa syang sinasabi ay nauna na akong naglakad palayo sa kanya.Pero bago pa ako tuluyang makalayo. Nahagip na nya ang braso dahilan para matigilan ako at mapatitig sa kanya.
"Ihahatid na kita. Delikado na. Malapit lang ba dito ang bahay nyo?" Sunod sunod na sabi nya.
Umiling lang ako sa kanya at tinulak na sya paalis sa lugar na iyon. Pero mukhang pinaglihi yata sa katigasan ng ulo ang lalaking to at ayaw akong sundin.
"Tara?"
Tanong pa nya sa akin na ikinainis ko sa kanya. Dito ako nakatira sa lugar na to. Mas kabisado ko to kesa sa kanya pero mas inuuna pa nyang magpakagentleman at ihatid ako sa halip umuwi na sya ng tuluyan.Pero hindi nya kasi yun alam Yuika.
Napahugot na lang ako ng malalim na hininga. Hindi ko rin naman pwedeng ituro ang mansyon. Mas matataas ang punong nakapaligid dun kaya hindi nya marahil nakikita. Isa pa kahit na mukha syang mabait, kailang sundin ko pa rin si auntie na hwag magtiwala kahit kanino.
Kaya naman nagpasya na lang ako na...
Tatakbuhan ko sya.
Marahan ko syang kinalabit sa may balikat at may itinurong kung ano. Nang lumingon sya mabilis na tumakbo na ako palayo... Pero mukhang hindi talaga pang sports ang katawan ko, mukhang pinanganak talaga akong lampa... At mukhang may ibang balak ang tadhana dahil nakakailang hakbang pa lang ako palayo ay nagsimula na akong gumulong sa lupa.
Ang tanga lang diba?
Pero ang sakit.... Ang sakit ng ulo ko.
BINABASA MO ANG
The Playful Guy (Akira Sendoh Fanfic)
General FictionNAME: Akira Sendoh Height : 190 cm (6'3") Position: Point Guard I always thought that slam dunk would be so much interesting if there will be a story about their lovelife. Pero syempre opinyon lang naman yun ng pakialamerang malikot ang imahinasyong...