TEN
Maaga akong nagising ngayong araw. Nagluto na rin muna ako bago nagpasyang lumabas at magjogging.
Baka kasi magising si Kumi. Mainam na may pagkain syang maabutan sa lamesa para hindi sya malipasan ng gutom."Sendoh!"
"Maki?"
"Bakit nandito ka? Hindi ba at lumipad ka na papuntang Amerika?"
"Yung eroplano yung lumipad Sendoh, hindi ako."
"Last mo na yan." Hindi ko magawang tumawa sa joke na binitawan nya lalo na at ang seryosong mukha naman nya ang nakikita ko. Mas gusto ko pang matawa ng maalala ang tawag sa kanya ni Sakuragi na lolo."
Marahan syang tumawa sa naging reaksyon ko bago muling nagsalita.
"May practice game daw tayo sa shohoku high. Nasalubong ko si Uozomi kanina ng manggaling ako sa tita ko. Inaya nya ako at sinabing sasabihan ka rin nya."
"Na mukhang nakalimutan na nyang gawin dahil wala naman akong narereceive na tawag mula sa kanya."
Napapailing na sabi ko."Sana lang hindi tayo mapunta sa magkaparehong team mamaya." Makahulugang pahabol pa ni Maki bago ko sya iwanan pauwi.
Bigla akong ginanahan dahil sa sinabi ni Maki. Napabilis tuloy ang kilos ko pauwi at masiglang pumasok na sa loob ng bahay.
"Magandang umaga Kumi!"
Parang nagulat naman sa inasal ko si Kumi at natutulalang napatingin sa akin habang nabitin sa ere ang ginawa kong pancake na isusubo nya dapat.
Natawa naman ako sa itsura nya at marahang ginulo yung magulo pa naman talaga nyang buhok.
Tumalikod na ako sa kanya at nagtimpla ng kape ng may bigla akong maalalang sabihin.
"Aalis tayo."
"S-saan tayo pupunta?" Mahina nyang tanong sa akin. Mukhang natakot na sya na basta na lang sumama sa akin kaya kahit nahihirapang magsalita ay pilit na itinanong ang bagay na iyon.
"May practice game kami ng basketball. Gusto sana kitang isama para manood. Nag aalala kasi akong iwan ka lang dito mag isa." Paliwanag ko sa kanya na bahagyang nagpatigil sa ginagawa nya at dahan dahan nag angat ng tingin sa akin.
Ilang sandali na nakatitig lang kami sa isa't isa bago sabay na nag iwas ng tingin.
Damn! What's happening?
"Sasama ako." Pero bigla rin akong napatingin sa gawi nya ng muli syang magsalita. Akala ko kasi ay tatanggi sya magpapaiwan kaya naman laking tuwa ko ng pumayag sya.
"Ayos."Umakyat ka na para makapaghanda. Ako na ang bahala dyan." Masaya kong taboy sa kanya. Ilang sandaling tila nag alinlangan pa muna sya bago sumunod.
Mas lalo ko pang binilisan ang pagliligpit para makagayak na rin agad ako.
"Ready ka na?" Nagulat pa ako nang makita na mas nauna pa rin mag ayos sa akin si Kumi na naghihintay na sa sala ng bahay.
Bahagya akong napakagat sa ibabang labi ko ng makitang suot nya muli ang mahabang palda nyang kulay itim. Mabuti na lang at puting pang itaas ang naisip nyang ipares doon. Naisip ko na mas maganda kung isusuot nya ang damit na komportable sa pakiramdam nya kaya hinayaan ko na lang sya sa gusto nya.
"Tara na." Aya ko sa kanya at nauna ng lumabas ng bahay. Pero bigla akong napatigil ng may maalala dahilan para mautog sa likuran ko.
"Sorry. Nakalimutan ko kasing ibigay to sa'yo."
BINABASA MO ANG
The Playful Guy (Akira Sendoh Fanfic)
General FictionNAME: Akira Sendoh Height : 190 cm (6'3") Position: Point Guard I always thought that slam dunk would be so much interesting if there will be a story about their lovelife. Pero syempre opinyon lang naman yun ng pakialamerang malikot ang imahinasyong...