TWO
"Hoy Sendoh!"
Malakas na alog sa balikat ko ang nagpaggising sa akin.Kusot kusot ang mata na napilitan akong bumangon at tiningnan kung sino yung dumating.
"O ikaw pala yan Uozomi." Tinatamad kong sabi bago naghikab.
"Bakit hindi ka naman nagpunta sa sinabi ko sayong lugar? Hinintay ka pa naman ng katiwala namin doon."
Biglang napakunot yung noo ko sa sinabi nya at pilit na inalala kung ano ba yung sinasabi nya.
"Ah yun ba? Nagpunta ko doon. Pero wala naman akong nakitang tao at wala rin akong nakitang isda. Pero okay lang naman. Nakatulog ako ng mahimbing dahil dun."
"Anong wala? Maghapon kaya dun yung taong tinawagan namin! Ikaw daw ang hindi dumating!"
"Pero nagpunta ko!" Giit ko pa rin. "Tandang tanda ko pa yung palatandaan na sinabi mo. Paglagpas ko ng isang malaking nakatumbang puno,kumaliwa ako,yun yung----?"
"KUMALIWA KA?" Pasigaw na sabi ni Uozomi. Bigla tuloy akong napatakip sa tenga ko.
Ano bang ptoblema ni Uozomi? Akala mo naman nagpunta ko sa kuta ng mga halimaw kung makareact.
"Oo kumaliwa ako,ano bang problema?"
Weird na lumapit sya sa akin at parang may kung anong hinahanap sa katawan ko. Bahagya akong nairita lalo pa at nagsisimula na kaming pagtinginan ng mga tao sa paligid ng court.
Naabutan ko pa nga yung nakangangang bibig ni fukuda at nakakunot noong itsura ni Akagi na parehong palapit sa pwesto namin.
"Ano bang ginagawa mo Uozomi? Bakit hinuhubaran mo yang si Sendoh?"
Mabilis naman napabitiw sa akin si Uozomi at sinamaan ng tingin si Akagi.
"Hindi ko sya hinuhuburan!" Asar na sabi nya.
"Eh ano pala?" Pang iinis pa rin ni Akagi na binalewala lang yung masamang tingin ni Uozomi.
"Tinitingnan ko lang kung meron bang markang naiwan sa kanya!"
"Marka?" Takang tanong ko na.
"Oo! Marka ng dyablo!"
"Nagpunta ka sa sinumpang gubat?" Muntik ko ng masipa sa mukha si Fuku ng bigla syang lumapit sa akin at gawin din yung ginawa ni Uozomi kanina.
"Sus kalokohan! Ang tanda tanda nyo na naniniwala pa kayo sa mga kwentong ganyan! Sinumpang gubat? Hah! Mga gunggong!"
Natatawang singit ni Akagi.Napakamot naman sa ulo si Fuku at parang nahihiyang naghanda na lang sa laro. Pero si Uozomi,hindi pa rin nagpaawat.
"Pero totoong iniiwasan ang lugar na yun. Kaya nga matagal ng binebenta yung lupang kalapit namin dun dahil hindi na rin naman napapakinabangan. Halos lahat ng nakatira doon ay umiiwas na mapunta o maligaw man sa kaliwang bahaging yun ng gubat. Bali balitang wala pang nakakalabas ng buhay sa lugar na iyon kung mero man may naiiwang marka ng dyablo at ilang araw ay agad namamatay." Mahabang kwento nya.
"May kilala ka ng namatay?"
"Huh?"
"Kung may personal ka ng kakilalang namatay galing doon?" Tanong ni Akagi.
Sunod sunod na iling lang ang isininagot ni Uozomi.
Napahinga naman ng malalim si Akagi bago muling nagsalita."Hindi mo ba naisip na baka sinadya lang gawin at ipakalat ang balitang yun para walang magtangkang pumasok sa loob?"
Napatango tango ako sa sinabi nya. Kahit kailan talaga malalim mag isip itong si Akagi.
"Isa pa,ang sabi mo galing na doon si Sendoh. At sa palagay ko wala namang kalaibang nangyari sa kanya sa loob! Hindi ba Sendoh?" Baling sa'kin ni Akagi.
Agad namang napatango ako umayos na ng upo.
"Nakita mo Uozomi! Kaya tigi---"
"Oo na oo na!" Pamumutol ni Uozomi at nagtangka na rin maghanda para maglaro.
Napapangiti na lang na susunod na dapat ako ng makalimutan kong kunin yung towel ko sa bag.
"Halika na Sendoh!" Tawag sa'kin ni Fuku.
"Oo andyan na!"
Mabilis ko ng binuksan yung bag ko pero bigla rin akong natigilan sa nakita ko.
Nakalimutan ko kasing...may isang kakaibang bagay na nangyari sa akin kahapon.
Yun ay ang biglang paglitaw ng itim na malong sa tabi ko.....
----------------
"Hoy Aki nasaan ka na naman ba? Hinahanap ka yata ni auntie Hana! Tumawag sa akin si Sister Kira!!! Tawagan mo ko pag natanggap mo to! Kung hindi sasabunutan ko yang pinakaiingatan mong buhok! Bye!"Hindi ko mapigilang mapatawa ng malakas ng marinig yung boses ni Yuki sa cellphone ko.
Naiimagine ko pa yung itsura nya habang ginagawa yung tawag na yun kaya mas lalong lumakas yung tawa ko. Pinagtitinginan na ko ng mga taong kasakay ko sa tren pero wala akong pakialam at patuloy na tumawa.Si Yuki lang ang isa sa mga taong nakakagawa sa akin nun. I met her when i was seven. Sinama sya nun ni auntie Kira sa bahay. At dahil isa kong dakilang bully. I tried teasing her. Binugaw ko yung tutubing huhulihin sana nya dahilan para lumipad yun sa malayo. Galit na pinaghahampas nya ko braso na ikinatawa ko lang naman. Malaking bulas na ko aa edad na pito,kumpara sa kanya na mag lilimang taon pa lang kaya balewala sa akin ang mga hampas nya.
Napatigil lang kami pareho ng hindi sinasadyang matabig nya yung paso ng halaman--- ng paboritong halaman ni mama.
Kitang kita ko yung pamumutla ng mukha nya nun. Lalo na at nagsilabas mula sa sala sila mama.
Sa sobrang takot nya napahawak pa sya sa tshirt ko.
Maluha luha na rin sya. Pero ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko. Bago pa kasi sya umamin sa kasalanan nya,nauna na kong umako nun para sa kanya. Isa pa i felt responsible sa nangyari.Halatang nagulat sya sa ginawa ko pero hindi naman sya nagsalita at nanatiling nakatingin lang sa akin.
At nang paluin ako ni mama. Sya ang unang umiyak para sa akin. Kasunod ko pa sya sa kwarto ko at iyak ng iyak. Sinabi ko na nga sa kanya na hindi yun masakit pero ayaw pa rin nya tumigil.
Nang tanungin ko sya kung bakit ba sya umiiyak. Bigla akong natigilan sa sinabi nya.
"Nasaktan ka kasi ng dahil sa akin...nagalit yung mama mo sa iyo. Baka iwan ka rin nya tulad ko."
Parang may awang humaplos sa puso ko pagkarinig ng sinabi nyang yun. Biro mo sa batang edad nya naisip nya yung mga ganung bagay?.
Kaya simula nung araw na yun...nangako ako sa sarili kong hindi ko sya iiwan. Na maaring umalis ang mga taong makikilala nya sa buhay pero hindi ako.
Dahil simula ng araw na yun...
Simula ng sumumpa ako ng araw na yun...Minahal ko na si Yuki Hikari...
A/N:
Hi,oo si Yuki hikari yung nasa behind his dark eyes. Dahil kwento yun ni Rukawa kasi at hindi ni Sendoh syempre mas dito ko isusulat yung feelings nya. Bida na kasi sya dito. :) thanks for reading.Xoxo,
Eiyscin
BINABASA MO ANG
The Playful Guy (Akira Sendoh Fanfic)
General FictionNAME: Akira Sendoh Height : 190 cm (6'3") Position: Point Guard I always thought that slam dunk would be so much interesting if there will be a story about their lovelife. Pero syempre opinyon lang naman yun ng pakialamerang malikot ang imahinasyong...