SEVEN - NEW WORLD

207 14 2
                                    

Seven

Magaan ang pakiramdam na dahan dahan akong nagmulat ng mata pero agad din akong napabalikwas ng hindi pamilyar na lugar ang bumungad sa akin.

Ilang beses na kumurap kurap muna ako bago ko nahamig ang sarili ko nang maalala kung bakit ibang lugar ang nasa harapan ko ngayon.

So..I am not dreaming then.

Totoong nakalabas ako mula sa mansyon sa gubat. Totoong nakatapak ang mga paa sa lupa na hindi sakop ng lugar na kinalakihan ko. Totoong nakakita ako ng ibang nilalang bukod sa tiyahin at tiyuhin ko---

"You're awake!"

At totoong nakasama at kasama ko pa rin hanggang ngayon ang lalaking unang nakaagaw ng atensyon ko.
Patunay na roon ang masayang mukha at boses nya na bumungad mula sa bumukas na pinto ng kwartong kinaroroonan ko.

"Handa na ang breakfast! Sabay na tayo. Hihintayin na lang kita sa baba." Tanging tango lamang ang naisagot ko sa kanya at walang salitang nakatitig lang sa pintong nilabasan nya.

Tila wala sa sarili na mabilis na inayos ko na ang sarili ko bago lumabas ng kwarto. Pakiramdam ko parang hihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko anumang oras. Hindi ko na alam kung ano ba ang totoo at kung ano ba ang panaginip lang sa mga nangyayari sa akin.

"Noodles lang muna ulit. Mamaya mamimili na talaga ako. Isasama kita. Mamimili na rin tayo ng mga personal na gamit mo."

Ilang beses na bumuka sara ang bibig ko para sana sumagot kay Sendoh. Pero bigla kong naalala yung sinabi nya kagabi.

It's driving me insane.

Kaya naman tahimik na tumango na lang ako sa kanya at pinagpatuloy ang pagkain. Hindi naman na sya ulit nagsalita hanggang sa tuluyan na kaming matapos na dalawa.

"A-aako na l-lang ang maghuhugas." Halos hindi ko mabuo ang sinasabi ko habang mabilis na kinukuha sa mga kamay nya yung pinagkainan namin.
Ramdam ko na bahagya syang natigilan sa ginawa ko pero dahil nagyuko agad ako ng ulo habang nagsasalita, wala akong ideya sa kung ano ba ang naging reakyon ng mukha nya.

Derederetso na akong pumunta sa lababo bago nakarinig ng bahagyang pagtikhim nya mula sa likuran ko.

"Aalis na tayo pagkatapos." Sa halip na sumagot ay tumango na lang ako sa kanya habang nakatalikod. Tanging yabag nya papalayo ang naging palatandaan ko na umalis na sya sa pwesto nya. Doon lang ako tuluyang nakahinga ng maluwag. Noon ko lang din naisip na kanina ko pa pala pinipigil ang sarili ko na huminga ng maayos.

"Ano ba tong pinasok mo Yuika!"
Napapabuntong hiningang tinapos ko na ang paghuhugas. Nakakahiya kung paghihintayin ko ng matagal si Sendoh sa labas.

Naabutan ko syang tila may kung anong malalim na iniisip habang nakasakay na sa bike nya. Nag alangan pa ako kung lalapitan ko na ba sya o mananatili na lang sa kinatatayuan ko.
Pero mukhang napansin naman nya agad ang presensya ko dahil ilang sandali lang ay lumingon na sya sa gawi ko.

"Ready?" Nakangiting tanong nya na nagpatulala sa akin.

God...Ilayo nyo po ako sa tukso.

"Kumi?"

Kumi? Sinong Kumi?

"Are you okay?"

Right! Ako nga pala si Kumi.

Nakangiwing napatango na lang ako sa kanya nang makitang napakunot na ang noo nya sa akin.
Binalewala ko na lang muna iyon at takang inilibot ang paningin ko sa paligid.

"Marunong ka bang umangkas sa bike?"

Huh?

Pupusta ko. Mukha na talaga kong isang malaking ewan sa harapan ni Sendoh sa ilang beses na tumulala ako sa kanya. Pero naman... Ako? Aangkas sa kanya?

"Let's go?"

Hindi nakabawas sa kaba ko ang ginawa nyang paghawak at paghila sa kamay ko papunta sa likurang upuan ng bisikleta. Pakiramdam ko mas lalo lang iyong nakadagdag sa takot---mali--hindi komportable ang nararamdaman ko pero sigurado ako na hindi yun dahil sa takot. Dahil yun sa excitement na lumulukob sa pagkatao ko dahil sa bagong karanasang binibigay nya sa akin.

Naramdaman ko pa ang paghinga nya ng malalim bago iginiya ang mga kamay ko patungo sa balikat nya.

"Kumapit ka lang sa akin ng mabuti Kumi." Huling sabi nya bago nagsimulang pumedal ng marahan paalis.

Kung alam lang ni Sendoh. Wala talaga akong balak na bumitaw sa kanya lalo na at naramdama ko ang bahagyang pagbilis ng andar naming dalawa.

Hindi ko malaman kung paano ko ba sasabihin sa kanya na magdahan dahan sa pagpedal. Pero mukhang malakas makaramdam si Sendoh at kahit na nga wala naman akong sinasabi ay kusa na syang bumagal mula sa pagpepedal.

Isang ngiti ang mabilis na gumuhit sa mga labi ko dahil sa ginawa nya. Magaan ang pakiramdam na inibot ko ang paningin ko sa lugar na nadadaanan namin. Bahagya pa akong napapayuko kapag hindi sinasadyang may taong napapatingin sa gawi namin pero hindi yun naging hadlang para makita ko ang magandang tanawin sa bawat lugar na nakikita ko.

Mabilis na gumana ang imahinasyon ko at piping naipanalangin na sana ay may hawak akong lapis at papel sa mga oras na iyon.

"We're here!"

Tanging boses lang ni Sendoh ang gumising sa tila naglalakbay na isip ko.

"Tara na?" Mabilis na inalalayan na nya ako pababa bago ikinabit ang lock ng bisikleta nya.

Tahimik lang na pinagmamasdan ko sya habang ginagawa iyon.

"Okay na." Nakangiting binalingan nya na ako at inaya patungo sa lugar na sinasabi nya kung saan kami mamimili. Walang tutol naman Nagpatangay na lang ako para lang muling matigilan.

Para akong naistatwa ng makita ang grupo ng mga taong makakasalubong namin. Bahagya pa akong napaatras ng makitang palapit sa pwesto ko ang mga ito. Napigilan lang ako tuluyang lumayo ng may kung sinong humawak sa balikat ko.

"May problema ba? Kumi?" Nag aalalang tanong ni Sendoh.

"Damn you're sweating!"

Ngunit tanging titig lamang ang naisagot ko sa kanya. Sinubukan kong magsalita pero parang may kung anong nakabikig sa lalamunan ko. Dahan dahan ko ring naiangat ang mga kamay ko patungo sa dibdib ko ng makaramdam ng paninikip doon. Pakiramdam ko ay kinakapos ako ng hininga lalo na ng paulit ulit akong mabunggo ng mga taong naglalakad.

"Kumi!Kumi!"

Unti unting lumalabo ang paningin ko at hirap na napaluhod na ng tuluyan.

Parang may mga boses akong naririnig. Mabibigat na bagay na tila tumatama sa aking katawan. Mga bulung bulungang tila ako lamang ang nakakaririnig...

Sumpa ang batang iyan...

Sunod sunod na napasinghap ako para sumagap ng hininga. Para akong nalulunod kaya pilit na iniaangat ko ang mga kamay ko para humanap ng makakapitan.

At mukhang hindi naman ako mabibigo. Dahil sa tila malalim na lugar na kinalulubugan ko ay may mainit na mga palad ang humawak sa kamay ko habang iniaahon ako sa isang ala alang akala ko ay nabaon na ng tuluyan sa isip ko.

Si Sendoh...


The Playful Guy (Akira Sendoh Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon