EIGHT - NEW ME

184 13 2
                                    

EIGHT

"Malas ang batang yan!"

Malakas na napasinghap ako para sumagap ng hangin bago nagmulat ng mga mata.

"Are you okay?" Nag aalalang mukha ni Sendoh ang nakita ko ng tuluyan ng luminaw ang paningin ko.

"Sendoh..." Mahinang tawag ko sa pangalan nya. Nakita ko pa ang bahagya nyang pagkatulala bago tuluyang napabuga ng hangin.

Marahan kong inilibot ang tingin ko sa paligid. Pero katulad ng inaasahan ko. Isang hindi pamilyar na lugar lang ang nakita ko. Malalaking puno, mga mahahabang upuang gawa sa kahoy at lupang may maliliit na tubo ng damo.

"Nasa park tayo."

Mariin na naipikit kong muli ang mga mata ko ng makaramdam ng bahagyang pagkirot sa ulo ko. Parang noon lang din nagbalik sa isip ko na may nakaikot na benda nga palang nakalagay dito. Mabuti na lang talaga at naisipan nilang hayaan na lang ang bangs ko na nakaladlad. Nakakatulong kasi iyon kahit papaano na itago ang mukha ko sa karamihan.

"Kumi..."

Isang malalim na hininga muna ang pinakawalan ko bago ako naglakas ng loob na mag angat ng tingin sa kasama ko.

Ako nga pala kasi si Kumi.
Paalala ko sa sarili ko.

"I-I'm sorry." Mahinang sabi ko sa kanya. Ilang beses na nagbalak akong magsabi sa kanya ng kasunod na eksplanasyon sa nangyari bukod sa nauna ko ng paghingi ng tawad subalit parang natuyo na naman ang lalamunan ko at hindi ko na iyon magawang dugtungan.

"Hindi ka ba sanay sa maraming tao?"

But thanks God for blessing Sendoh so much knowledge. Siya na kasi mismo ang gumagawa ng eksplanasyon para sa akin.

Sunod sunod na tumango ako bilang sagot sa kanya.

"Then it's my fault then." Na napalitan naman ng sunod sunod kong pag iling ng marinig yung huli nyang sinabi.
Napahawak pa nga ako sa braso nya para lang kumbinsihin sya na wala syang kasalanan sa nangyari.

"Hindi dapat kita dinala dito."

Bigla akong nakaramdam ng guilt ng makita yung malungkot na ekspresyon ng mukha nya.

"W-wala kang k-kasalanan." Pautal utal kong sabi.
Kahit na nga nahihirapan pinilit ko ang sarili ko na makapagsalita. Hindi ko maatim na sisihin ni Sendoh ang sarili nya sa kasalanang wala naman talaga syang kinalaman.

Narinig ko ang bahagya nyang pagtawa bago humarap sa gawi ko.

"I find it really amusing when you're talking."

"Huh?"

Bahagya akong napaatras ng iangat nya ang mga kamay nya papunta sa mukha ko.

"Don't move." Na patigil lang ako sa balak na pagtayo pa ng sabihin nya iyon.

Nahigit ko ang hininga ko ng dahan dahan nyang hawiin ang bangs na nakatabon sa mukha ko patagilid at pagmasdan ako na para bang may nakakaaliw na bagay syang nakikita dito.

"Mas maganda siguro kung babawasan natin yung bangs mo para hindi ka mahirapan makakita. Ano sa tingin mo?"

"Eh?"

Muli napatawa lang sya sa maikling reaksyon na nasabi ko. Samantalang parang gusto ko naman maghanap ng martilyo na pwedeng ipukpok sa ulo ko sa kawalan ko ng kwentang kausap.

"Tara?"

Kung bakit naman kasi ang hirap din intindihin nitong si Sendoh. Inaaya naman nya ako ngayon sa lugar na hindi ko naman alam kung saan pero kung maka tara sya eh parang nakapunta na kaming pareho doon.

The Playful Guy (Akira Sendoh Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon