Chapter 23

2.8K 145 23
                                    

~•[Chapter 23]•~

SEISHA:

Minsan parang gusto ko nang tanggalin ang utak ko at itanim sa lupa. 'Yong tipong lahat ng nangyari sa buhay ko ay kagagawan ng utak ko.

Kung mayroon lamang barter ng utak, matagal ko ng binigay 'yong akin. Bakit ba ako nabigyan ng ganitong klaseng utak? Pinapahamak ako ng sarili kong ulo e.

Kanina pa ako gising pero hindi pa ako nagdilat ng mga mata. Ilang beses ko ng pinilit ang sarili ko na bumalik sa pagkakatulog o hindi kaya ay huwag nang magising muli. Hindi naman kasi ako 'yong tipo na mabait kapag nilalagnat.

Nagwawala ako.

Para akong ibang tao kapag may sakit. Tuwing may lagnat ako, pinapatulog lamang ako ng doktor dahil bukod sa iskandalosa akong tao kapag may sakit, hindi ko kilala lahat ng tao sa paligid ko.

I am aware that my behavior is going to be different, but hindi ko mapigilan ang sarili ko na gumawa ng mga bagay na pagsisihan ko.

Kaya ngayon, pinipilit ko talagang hindi bumangon. Ramdam ko ang pag-iinit ng katawan ko, pero ang diwa ko gustong tumalon palabas.

Hindi ako 'yong tipo na kapag may sakit at gising, nanatili lamang sa kama, kaya kung sumakay ng roller coaster kahit pinupukpok na ng martilyo ang ulo ko.

"Mahal na Prinsesa, kailangan niyo pong uminom ng gamot."

Hindi ko pinansin kung sino man ang nagsalita at hindi rin ako gumagalaw. Ayoko kong maglabas ng enerhiya dahil hindi ko alam kung may break ba ang kabaliwan ko ngayon.

No movement can reduce my capability to ransack the whole place. Ayoko magsisi na may nabasag o nalait akong tao.

"Prinsesa—"

"Tumahimik ka. May topak ako. Just let me sleep, I don't need any medication."

"But, your Highness. Pinagbilin ng Prinsipe na kailangan mong uminom ng gamot sa tamang oras para bumilis ang iyong pag galing."

"Leave it there, I'll take that later."

"Pero—"

"Go away, please. Huwag mong hintayin na tataas ang boses ko. My head is ripping apart, stop making it worse."

"Pardon my intrusion, your Highness."

Ramdam ko ang pag-alis nito. I mentally sighed with how my behavior is going. Mabilis akong mainis kapag may sakit ako, at minsan naman ang sarap din magwala.

Umabot lamang ng kaunting minuto nang may narinig akong yabag muli. Hindi ito galing sa unang kasama ko. Whoever this is, dapat hindi niya ako gagalawin dahil ayoko maging sadista ngayon—

"Put me down, f-ck!"

Pumipiglas ako sa pagkakahawak nito sa akin. Inangkas niya ako sa kanyang balikat at mas lalong umikot ang paningin ko dahil sa posisyon. I sensed he was walking outside the bedroom I was in, and gently put me on a soft sofa in the living room.

Masama akong tumingin sa magnanakaw sa bahay na 'to. Iniwan niya ako kanina at akala ko hindi na siya babalik, subalit mukhang siya ata may-ari ng bahay na 'to.

My life is reaching its ending. Whatever is happening, I know dala lamang ito ng lagnat ko at kapag tumino na ako, d'yan ko lang siya makikilala.

This will be a huge humiliation to my side.

This is absurd. He is a thief, but it looks like this house is his. I was abducted, and he will probably be going to kill me. Habang may ginagawa ito na hindi ko alam, nag-isip naman ako kung sino 'to.

✓ | The Clandestine Memoir (Fate's Transgression Series, #1) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon