Chapter 35

1.8K 79 10
                                    

~•[Chapter 35]•~

SEISHA:

Hindi nakakatuwa ang ginawa ni Lucius nitong mga nakaraan. Akala ko ay matitigil na ang kahibangan niya pagkatapos umalis ni Frencia, pero nagkamali ako. This sudden change of behavior is not something I would experience for a longer time.

Clearly, hindi ako nag-eenjoy.

Sino ba naman kasi ang mag-eenjoy na ang taong dahilan kung bakit mas nawalan ako ng kumpiyansa sa sarili ay naglalabas ng mga ngiti na animo isa akong anghel na hulog ng langit tuwing nakikita niya.

I did not lie in that part. Hindi ko tinatanggap na biglaan na lamang siyang mag-iiba ng pakikitungo sa akin, as if wala kaming pinag-awayan.

Hindi ko man ito nakikita palagi dahil sa mga inaasikaso niya, pero kapag nandyan naman ay halos hindi na ako nilulubayan ng tingin.

There is no way that the real Lucius is that person I am with. Baka, nagkaroon ito ng indigestion at umiba ang ugali.

"Sasha-"

"Sebastian, may naririnig ka bang multo?" putol ko rito.

Agad naman bumulwak ang tawa ni Sebastian, at natigil din iyon ng ng bigyan siya ng masamang tingin ng kaibigan niya.

"Kanina ko pa kasi nararamdaman na parang my multo, bumubulong sa tabi ko," dagdag ko.

"What a nice provoking statement, Sasha," rinig namin na wika nito.

Bukod sa kanina ko pa hindi ito pinapansin, marami na siyang ginawa para kunin ang atensyon ko. Hindi nga lang ako nagpapadala hanggang ngayon.

Kakatapos lamang namin kumain ng pananghalian kaya naging excuse 'yon para magkita kaming dalawa.

Ang kaibahan lamang ay nandito si Sebastian. Wala din akong balak paalisin ito dahil alam na alam ko kung ano ang mangyayari kapag kami lang dalawa.

"Marunong ka pa lang mag chess, Prinsesa."

"Bakit, hindi ba ako naglalaro dati?" tanong ko sa kaniya sabay galaw ng isang chess piece.

"Nakatingin ka lang," sagot nito at may ginalaw din. "I usually play with Kael. Kung sino ang matatalo lalagyan ng harina sa sa buong katawan at tatapunan ng itlog habang nakadikit sa malaking dart board."

"What? Masakit 'yon, hindi ba?" hindi makapaniwala na sabi ko.

"We were trained to endure pain, your Highness."

Nakain ni Sebastian ang isang rook ko. Hindi ko alam kung may hidden tricks siyang ginagawa pero natatalo na ako. I only have a few moves to do, and in every one or two moves naco-corner ako.

"Your Highness, talo ka na."

Napasimangot ako sa resulta. "Tatapunan niyo rin ako ng harina? I am not fond of playing chess, but I did my best. Masyadong marami kang hidden tactics at kabisado mo ang chess board kaysa sa akin."

"He simple pave you some way, but you're way too dumb to notice it."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Lucius kaya napatingin ako sa kanya. He occupied the other side of the table. Kagaya ng una naming pagkikita, nakatingin siya sa akin at binabalik nito ang ala-ala ng araw na iyon.

"Hindi ako bobo, hindi lang bihasa. Ang sakit mong magsalita," inis na sagot ko.

"You do not need to prove you're good at that game, if only your cooking skills are retained, we won't be having this affair."

Tinaasan ko lamang ito ng kilay dahil sa sinabi niya. He really loves toying with me for the past few days. Para tuloy hindi nag-exist ang snob at demonyong Lucius na nakilala ko.

✓ | The Clandestine Memoir (Fate's Transgression Series, #1) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon