Pretending to be a Gay

85.5K 2.3K 255
                                    


“Oh, gosh! Bakit mo ako hinalikan?” tili niya. Pinupunasan pa ang labi niyang hinalikan ko.

Ang arte niya, ah! Siya na nga itong hinalikan, aarte pa! “Hoy! Ang arte mo! Malambot naman ang labi ko, ah!” sigaw ko sa kaniya. Impit naman siyang napatili at nagtakip ng mga tainga.

Baklush talaga! Paano ko ba gagawing lalaki ang baklang ito? Dinaig niya pa akong babae kung kumilos at mag-ayos.

“Ang gaspang kaya ng labi mo!”

Aba! Masama ko siyang tiningnan bago hinablot ang batok niya at hinalikan. Tingnan natin ngayon. Magaspang pala, ah? Napangisi ako bago iginalaw ang aking labi. Mukhang nagulat naman ang baklush.

Ewan ko ba kung paano naging bakla ang baklang ito. Sobrang matipuno naman ang katawan, may abs, malaki ang muscles, idagdag mo pa ang guwapo niyang mukha pagkatapos bakla lang siya!

Humiwalay ako dahil nawawalan na ako ng hininga, nilingon ko siya dahil nakatitig siya sa akin. “Ano? Magaspang ba ang labi ko?” I smirked.

Napakunot na ang noo ko dahil nakatitig pa rin siya. Madilim ang ekspresyon. Hanggang sa naramdaman ko ang kamay niya sa dibdib ko. Paano napunta ’yon do’n? Ang bilis ng kamay niya! Gosh! Hindi kaya fast finger din siya? Napailing ako sa sariling iniisip.

“Magaspang na nga ang labi mo, hindi pa malambot ang dibdib mo! Ew!”

Sinapak ko ang braso niya pero tinawanan niya lang ako. Grabe kung makapagsalita. “Mabuti nga ako may dibdid! Eh, ikaw? Wala ka na ngang p*mpem, wala ka pang dibdib.”

“Mapanakit ka, ah! Aguy!”

Ako naman ang natawa. “Pero aminin . . .” Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya. “Masarap ang labi ko, right?” I smirked.

Nakita ko ang paglunok niya at ang pagtaas ng kaniyang Adam’s apple, idagdag mo pa ang pagkagat niya sa labi niya. Napahalakhak na lang ako.

“Hindi talaga ako makapaniwalang baklush ka na ngayon. Ang lalaking-lalaki mo kaya noong mga bata pa tayo.” Napatigil lang ako sa pagtawa nang makitang nakatitig na naman siya sa akin.

Bakit ba ang hilig niya akong titigan? Ang ganda ko ba?  Baka naiingit lang siya dahil mas maganda ako kaysa sa kaniya.

“Hindi mo ba ako tanggap? Puwede mo namang sabihin sa akin ang totoo kung hindi mo ako tanggap talaga,” aniya sabay talikod.

I’m shocked. Napatigil din ako. Ano ba’ng sinasabi niya? Tanggap na tanggap ko kaya siya. Kahit sino pa siya, ay tanggap ko siya! Ano ba naman ang lalaking ito — este baklush na ito! Tampuhin pa rin hanggang ngayon.

“Hoy, baklush! Pinagsasasabi mo? Tanggap na tanggap kita, g*ga! Kahit maging monkey ka pa!” sigaw ko, pinipigilan ang huwag matawa sa huli kong sinabi.

“Hindi mo ako tanggap. Huwag ka na magpanggap,” nagtatampong saad niya. Halata naman na kunwaring tampo lang, gusto lang magpasuyo.

“Halikan na lang kita.” Kaagad siyang napaharap. Napangisi ako, mukhang nasasarapan na siya sa labi ko.

“Puwede ba?” tanong niya kaya natigilan ako. “Gusto kong malaman kung mas masarap ba ang labi ng babae kaysa sa lalaki.” Then he smirked.

D*mn. He is so hot while smirking! Para talagang hindi siya bakla!

“Sobra ka na, ah! Akala ko ba magaspang ang labi ko?” nang-aasar na tanong ko.

Mabilis niyang nakuha ang distansiya naming dalawa, walang kahirap-hirap niya akong inupo sa lamesa. He’s still smirking. He lifts my chin. Napakagat ako ng labi, ang tibok ng puso ko ay naghuhurumentado!

“Magaspang naman talaga. Hindi pa masarap.” He chuckled.

“Kaya pala sarap na sarap ka kanina,” pang-aasar ko, sa totoo lang ay nahihiya na ako sa mga sinasabi ko.

“Mas masarap kung gumagalaw ako sa ibabaw mo.”

Nanlaki ang mga mata ko. Sinabi niya ba talaga ’yon? He said that. Really? Seryoso

T*ngina! Lalaking-lalaki siya nang sabihin niya ’yon! Iyong boses niya . . . Oh God! Ilayo ninyo ako sa tukso!

“Ang bastos mo!” asik ko para itago ang pamumula at hiyang nararamdaman.

Napalayo ako, pero lumalapit pa rin ang bibig niya sa aking tainga. “Soon, baby. Soon,” he huskily whispered.

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon