Chapter 4

51.7K 1.5K 110
                                    


“What’s happening here?” baritong boses na tanong ni Yasser.

Napalunok ako. Hindi ako lumingon sa kaniya, pero naramdaman ko ang braso niyang pumulupot sa baywang ko at inilapit sa katawan niya. Lagot kang bata ka! Mukhang bugbog ka ngayon sa baklush na ito.

“Girlfriend mo ba, p’re?” Nakangisi pa rin ang lalaki.

Punyeta! May gana pa talaga siyang ngumisi. Buwesit! Kapag siya nasapak ni Yasser, syempre tumba siya.

“And?” walang ganang tanong ni Yasser.

Tiningnan ko siya, at ang kanyang mukha ay napakaseryoso na ngayon ko na lang ulit nakita.

“Isang gabi lamang, p’re," ngising sabi ng lalaki.

Bw*kangena kang lalaki ka! Kung puwede ko lang siyang masapak gagawin ko na para matahimik na ang tanginang bibig niya.

“Yasser . . .” bulong ko sa pangalan niya dahil dumiin ang hawak niya sa baywang ko, halatang nagtitimpi.

Hindi pa man din madaling mapakalma ang baklush.

Loko rin kasi ang lalaking ito. Ginagalit pa ang baklush na nasa harapan, kahit baklush itong kaibigan ko, masakit pa rin itong manapak. Block eye kaagad ang mata ng lalaking ito, panigurado.

“Mukhang masarap kasi—”

“Umalis ka na nga,” pigil ko dahil baka masapak na lamang ito ni Yasser bigla.

“Chill. Aalis na ako. Mukhang binabakuran ka bigla," ani ng lalaki at tumawa pa habang nakataas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.

Mabuti naman at naisipan niya na. Mukhang natakot na siya sa itsura ni Yasser.

“Hoy, huwag na,” pabulong na sabi ko nang akmang susundan niya pa ang bastos na lalaking iyon.

Tiningnan niya lang ako, napalunok naman ako dahil sa talim ng tingin niya.

"Hoy, bakit naman ganyan ka makatingin sa akin. Wala naman akong ginagawang masama, ah. Atsaka ‘yong lalaki ang pag-initan mo at hindi ako," ngusong sabi ko at lumayo sa kanya. "Ako na nga itong nag-effort na puntahan siya dahil concern at nag-aalala ako pero parang siya pa ata ang galit," pabulong dagdag ko.

"What are you whispering? Ako ang kausapin mo," aniya. Nilingon ko siya, kunot ang kanyang noo. Tumaas ang isang kilay niya.

Ang guwapo niya sa mga paningin ko kapag nagsusuplado siya!






Walang pasabi niya akong hinila palabas, isinakay sa kotse at tahimik na nag-drive. Napalulunok na lang ako habang sumusulyap sa kaniya. Hindi ako sanay na tahimik siya. Pinaglalaruan ko na rin ang mga daliri ko, nakakagat nang mariin ang labi. Galit ba siya dahil pumunta ako ro’n? Mukhang hindi pa naman siya lasing dahil nakakayanan niya pang mag-drive.

“Yasser . . .”

“Don’t say anything.”

Sabi ko nga!

Gusto ko pa sanang magtanong kung bakit nasa tapat kami ng condo niya, pero nanatili na lamang akong tahimik. Lumabas siya, hindi man lang ako pinagbuksan kaya pinagbuksan ko na ang sarili ko. Tahimik akong sumunod sa kaniya. Mukhang galit nga talaga siya, ang hirap pa naman paamunin ang baklush na galit. Mukhang tiger — este dragon.

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon