Chapter 14

43.8K 1K 64
                                    


"Are you sure?" Tumango ako.

I bit my lower lips and glanced at him for the last. Sa totoo lang ay naiilang na ako sa titig niya. Kanina pa siya nakatitig sa akin at hinayaan ko lang 'yon kahit na ilang na ilang na ako at gusto siyang sawayin.

Pakiramdam ko talaga ay malaki ang parte niya sa buhay ko. Blurb ang mga pangyayari at mga mukha sa nakikita ko tuwing sasakit ang ulo ko. Minsan ay kapag nanaginip ako.

Bakit ba ako nagkakaganito?

"Salamat pala..." kasi kung wala siya kanina ay hindi ko na naman alam ang gagawin ko gaya ng nangyari nung unang beses na sumakit ang ulo ko.

"Walang problema. Nandito ako palagi, sweetie," he smiled at him.

Nag-iwas ako ng tingin dahil do'n. Ang guwapo niya kasi lalo kapag nakangiti

Nakakainlab-what did I say?!

Bigla na lang pumasok sa isip ko si Yasser. Speaking of him...  Agad kong kinuha ang phone ko sa shoulder bag ko.

134 missed calls...

Lumuwa ang mga mata ko sa gulat kaya agad ko siyang tinawagan na agad niya namang sinagot.

"The fuck, Yannie. Are you okay? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Napakagat ako ng madiin sa labi ko dahil halatang hingal na hingal siya dahil sa klase ng boses niya.

"One of your employee called me na sumisigaw ka daw. Anong nangyari?!" sure akong pulang-pula na ang kanyang mukha pati ang leeg, at alam kung galit na siya dahil sa sumisigaw siya.

"Sorry..." tanging nasabi ko. Rinig ko ang buntong hininga niy ng marahas bago siya mag 'tsk'

"Nag-aalala ako, Yannie... Kung wala lang ako sa meeting ko ay napuntahan na kita..." hindi na naman ako nakapagsalita.

"Sweetie..." Napalayo ako ng kaunti pero hinawakan  niya ang baywang ko.

"Anong ginagawa mo?" mahinang tanong ko sabay layo ko ng phone.

"Akin ka, Yannie. Sa akin ka. Hindi ako papayag na mapunta ka sa lalaking 'yan. Sa akin ka, sweetie," napatitig ako sa kanya.

He winked at me and licked his lips. He snipping my neck kaya napasinghap ako.

"May kasama ka ba diyan?" ramdam ko sa boses niya ang duda.

Napalingon ako sa katabi kong grabe makakapit sa baywang ko na akala mo ay kanya ako.

Napaigtad ako sa gulat ng sumiksik ang mukha niya sa leeg ko. Ang isa niyang kamay ay pinaglalaruan ang buhok ko.

"Bango mo naman, sweetie." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Yannie," nagbabantang pagtawag niya sa pangalan ko.

"Ouch," daing ko sabay takip sa bibig ko ng kagatin niya ang leeg ko.

"Ang bango..." sabay singhot niya sa leeg ko.

Nagsimula ng manginig ang mga kamay ko dahil sa pagpatay ng tawag. Agad ko siyang itunulak at sinampal ng malakas na ikinangisi niya lang.

"Bakit mo ginawa 'yun? Ano bang gusto mo?!" I shouted.

"You. Ikaw ang gusto ko, Yannie,"

"Hindi kita gusto," mas sumilay ang ngiti sa labi niya.

"Really?" Nanginginig ako. Hindi sa galit. Hindi ko malaman kung bakit at para saan.

"Oo. Hindi kita gusto dahil si Yasser ang mahal ko!" sigaw ko.

Pinamukha ko talaga sa kanya. Imbes na mainis o magalit siya ay mas ngumisi na naman siya.

"Are you sure?"

"Oo," mariing sagot ko.

Lumapit na naman siya sa akin. Hinapit niya ang baywang ko. Pinantay niya ang mukha niya sa mukha ko.

"Oras na matandaan mo na ang lahat. Kusa kang babalik sa akin, sweetie,"

"W-what do you mean?" takang tanong ko.

I'm now full of curiosity again. Sa sinabi niya pa lang ay may namumuo na sa isip ko.

He smiled at me. Totoong ngiti. Walang pang-a-asar. Parang nginingitian niya lang ako. Sinikop niya ang hibla nga mga buhok ko sa unahan at inipit sa likod ng tainga ko.

"You don't know how much I miss you, sweetie. I'm just watching you..." he whispered.

"Sino ka ba sa buhay ko? Bakit feeling ko malaking parte ka sa buhay ko? Anong alam mo? Anong nangyari sa akin? Nawalan ba ako ng alaala? Bakit hindi ko matandaan..." Pumiyok ako.

Namumuo na din ang luha sa mga mata ko. Gusto ko ng umiyak dahil sa sobrang pagtataka. Sa sobrang pagkalito.

"Shhh.... Matatandaan mo din, sweetie. Hihintayin kita. Palagi,"

"Sabihin mo sa akin ang lahat... Gusto kong malaman... Nawalan ba ako ng alaala?" Hinila ko ang dulo ng damit niya habang nagmamakaawa.

Lumamlam ang mukha niya. Pumungay ang kanyang mga mata habang nakatitig sa mga mata ko.

"Yes, Yannie-"

"Fuck you! Don't touch her," dahil sa gulat ay hindi agad ako nakakilos.

"Yasser!" sigaw ko sa pangalan niya at hinila siya palayo kay Kiel na dumudugo na ng sobra ang gilid ng labi.

"Ano ba, Yasser!" iritang sigaw ko na at pinangharang ang sarili ko kay Kiel na dahan-dahan na tumayo mula sa pagkakahiga.

He clenched his jaw. Matalim ang tingin niya kay Kiel na nasa likuran ko. Ang paningin niya ay napunta sa akin. Galit ang nakikita ko doon.

Bakit siya nagagalit? Wala naman akong ginawang masama para magalit siya sa akin. Ako nga ang dapat magalit sa kanya dahil basta-basta niya na lang sinapak si Kiel na wala naman ginagawa sa kanyang masama.

Galit ang mukha niya kaya taas noo ko siyang tiningnan na may irita sa mukha.

"Walang ginagawa sa'yo si Kiel para sapakin mo siya,"

"So, pinagtatanggol mo ang lalaking 'yan?" Umigting ang panga niya ng tumingin kay Kiel.

Mas hinarangan ko si Kiel para mas maging matalim ang kanyang mukha.

"I am protecting him," mariing sagot ko.

Dahil siya lang ang makakasagot sa mga kalituhan ko. Ang makakasagot sa mga tanong ko.

"Do you like him?" Nangunot ang noo ko.

"What are you talking about, Yasser?" pigil na pigil ko ang sarili kong ipakita sa boses ko ang irita sa kanya.

Naiirita na ako sa kanya. Nababaliw na siya. Siya ang gusto ko! Siya! Hindi si Kiel!

Ito ba ang ikinagagalit niya?

"Let's go, Yannie," mariing saad niya at hinila ang kamay ko pero may humila sa kabilang kamay ko.

Sumama lalo ang tingin niya kay Kiel pero si Kiel ay ngumisi lang sa kanya, at ang sinabi niya ang mas lalong nagpacurios sa akin.

"Let her to know everything, Sollano,"

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon