Chapter 20

37.8K 768 61
                                    


Hurt. Iyan ang nakikita ko sa kaniyang mga mata. Matinding sakit. Nasa likod niya ang kaniyang mga kapatid habang siya naman ay nakatingin sa akin, may sakit ang mga mata.

“What are you doing here?” I asked.

Nasasaktan ako dahil nakikita ko ang sakit sa kaniyang mga mata kaya pinilit ko pa rin na huwag ipahalata sa kaniya — sa kanila.

“Can I talk to you before I go to jail?” maingat niyang tanong.

Napatingin muna ako kay Kiel. He just nod to me. “Sa bar,” diretsong sagot ko.

Nilagpasan ko lang sila at nauna nang lumabas. Alam niya na kung ano at saang bar ang tinutukoy ko, sa favorite bar niya lang naman na pagmamay-ari ng isa niyang kapatid. Sumakay lang ako sa taxi, hinintay ko naman siya sa may bar. Hinalo-halo ko ang hawak kong alak hanggang sa nakita ko na ang kaniyang bulto na papalapit.

“Ano’ng pag-uusapan natin?” walang-emosyong tanong ko.

He sighed and licked his lips. “About my feelings for you.”

Sandali akong natigilan bago tumawa nang mahina. Inilapag ko ang hawak na wine habang siya ay hawak ang para sa kaniya na inihanda ko. I smirked when I see him drink the wine. Inubos niya talaga ang lahat.

“Hmm . . . So, tell me everything. Explain to me everything.”

Nasa isang private room kami kaya walang makaaabala sa aming dalawa, pero kahit ganoon ay rinig pa rin namin ang music ng club.

“Why are you pretending to be gay?” I asked.

“Because I love you.”

“’Yon lang? Kaya ka nagpanggap na bakla dahil do’n? Really?” nanunuyang tanong ko.

“No. Nagpanggap ako dahil alam kong makikilala mo ako no’ng gabing ’yon.”

Napakunot ang noo ko. What the hell is he talking about?

“I’m not gay, Yannie. I’m not.”

“Bakit ka tumakas sa kasalanang ginawa mo?” Bahagyang nagdilim ang mga paningin ko.

“Hindi ko intensyon ’yon. Handa akong sumuko sa mga pulis, pero—”

“I don’t want to hear your lies again,” putol ko at saka kumuha ng wine na hindi ko inubos.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Napatitingin ako sa kaniya dahil nakahawak siya sa kaniyang ulo at animo’y may masakit na hindi maintindihan. Ngumisi ako at hinayaan siyang maramdaman iyon.

“Do you love me? Mahal mo ba talaga ako o gusto mo lang na huwag makulong?”

He chuckled. “Handa akong makulong, nasa sa ’yo na kung hindi ka maniniwala na mahal kita. Everyone knows about that.” Then he smirked.

I just nod. Palihim akong napangiti. Same feelings, pero hindi ko kailangang gamitin ang puso ko ngayon, kailangan ko muna ng hustisya para sa pamilya ko. After this night, lalayo na ako sa kaniya, hindi na ako magpapakita. And after I remember everything, about the lies na sinasabi ni Kiel, mas lalong ni anino ko ay hindi na niya makikita. I closed my eyes for a second. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa labi.

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon