Chapter 21

36.5K 812 82
                                    


Gaya ng sabi ni Kiel ay nanligaw nga talaga siya sa akin. Lagi siyang pumupunta sa room ko kaya madalas akong asarin ng aking mga kaklase. Namumula na lang ako sa kilig at sayang nararamdaman dahil nililigawan ako ng lalaking crush ko.

“Yannie, may naghahanap sa ’yo.”

Baka si Kiel na ’yon.

Ang sayang nararamdaman ko ay bigla na lang nawala nang makitang si Yasser pala ang naghihintay sa akin. Nakasandal siya sa may railings habang nasa bulsa ng kaniyang suot na pants ang kanyiang mga kamay.

“Ano’ng ginagawa mo rito?”

Akala ko pa naman ay si Kiel ang naghahanap sa akin.

“Sa akin ka sasabay mamaya,” aniya kaya napasimangot ako.

“Kay Kiel ako sasabay.” Mariing sabi ko dahilan para maging seryoso ang kaniyang mukha. May ibinulong siya ngunit hindi ko narinig. Hindi ko rin nasundan ang galaw ng kaniyang bibig.

“You like him too much.”

May kung ano akong kakaibang nararamdaman dahil sa seryosong boses niya. Minsan lang siya maging seryoso at sa pananalita. Funny kasi Yasser kaya nagtataka ako sa kinikilos niya. Napansin ko rin na simula noong nilagawan ako ni Kiel ay may kakaiba na sa kaniya. Naging tahimik na siya at nawala ang masiglahing Yasser. Madalas din na seryoso na siya magsalita at kaniyang mukha.

Hindi ko alam kung paranoid lang ba ako na mukhang naging malayo na sa isa’t isa sina Yasser at Kiel. Mag-best friend ang dalawa at close na close kaya hindi ko maiwasan na magtaka. Mukhang paranoid lang yata ako at kung ano-ano ang napapansin ko.

Magkasundong-magkasundo kaya ang dalawa, baka may hindi lang pagkakaintindihan.

“Ano ba, Yasser! Hindi nga sabi ako sasabay sa ’yo!” Halos sumigaw na ako. Kinaladkad ba naman ako bigla. Naiinis ako sa kaniya, ngayon lang ako nainis ng sobra.

“Sa akin ka sasabay, Yannie.” Matigas ang kanyyang boses.

Malakas kong binawi ang pulsuhan kong kaninang hawak niya. Masama ang tingin niya sa akin kaya masama rin ang tingin ko sa kaniya, sa tingin niya ay mukha siyang papatay na ewan.

“Bakit ba hindi ka makaintindi, huh? Bakit hindi mo maintindihan na kay Kiel ako sasabay at hindi sa ’yo?! Nakakainis ka na, Yasser!” Napapatingin na sa amin ang ilang studyante dahil sa lakas ng boses ko. Nakipagtitigan siya sa akin, naputol lang ng may sumingit.

“Ano’ng nangyayari rito, Yasser?” tanong niya sabay tingin kay Yasser. Mapait siyang ngumiti at walang pasabing tinalikuran kami.

Bastos!

“What happened?”

Napasimangot ako. “Pinipilt niya kasi akong sumabay sa kaniya, syaw ko, e, sabi ko ay sa ’yo ako sasabay, pagkatapos ’yon! Bigla niya na lang akong hinila,” sumbong ko.

Nakatitig lang siya sa akin kaya bigla akong nahiya. Napayuko pa at namula.

He chuckled kaya napanguso ako. “Hindi ka ba niya sinaktan?” tanong niya kaya naman umiling ako. “Good, saan mo gustong pumunta?” tanong niya muli sabay hawak niya sa baywang ko at naglakad kaya wala sa sariling naglakad din ako.

“Kahit saan, ikaw bahala.” I smiled at him.

Sa isang park kami pumunta kung saan may mga nakita kaming mga couple. Binilhan niya ako ng ice cream saka siya tumabi sa akin. “Matagal na ba kayong magkakilala ni Yasser?”

Bigla akong natigilan, nagtaka pa pero hindi ko ipinakita. Bakit naman niya natanong bigla?

“Childhood friend kami — best friend. Higit pa sa pagkakilala mo sa kaniya,” sagot ko sabay dila ko sa ice cream.

Napalingon siya sa akin. “Bakit?”

Napakurap pa ako dahil nakatitig na naman siya, naiilang ako sa kaniyang titig. Biglang pinunasan ng kaniyang isang daliri ang gilid ng aking labi, ganoon na lang ang pag-awang ng bibig ko ng dilaan niya ang daliring ’yon.

“Bakit mo ginawa ’yon?!” gulat na tanong ko, ngayon lang din kumurap.

“Masarap . . .” aniya sabay ngisi.

Napayuko ako para itago ang hiyang nararamdaman. Idagdag pa ang kilig. “Nakakahiya . . .” pag-amin ko sabay takip ng buhok ko sa aking mukha. Tumawa siya pero hindi naman malakas, sapat lang para marinig ko. Marahan ang pagtanggal niya sa buhok kong pinantakip sa aking mukha.

Ngumiti siya sa akin. “Hihintayin ko ang araw na sasagutin mo ako. Hihintayin ko ang matamis mong oo.”

Dahil sa pagkabigla ay hindi ko siya naitulak nang halikan niya ako sa labi. Ilang segundong hindi gumalaw ang kaniyang labi hanggang sa gumalaw ito. Hindi ko matugunan ang kaniyang halik, hindi nga ako kumurap dahil sa pagkabigla. Kinagat niya ang ibabang labi ko kaya na naibuka ko ang aking bibig. I closed my eyes and kissed him back. Wala akong karanasan sa paghalik at siya ang unang humalik sa akin. Hindi naman ako inosente sa paghalik.

Siya ang first kiss ko.

Natapos ang halik ngunit natulala lang ako hanggang sa tapikin niya ang aking pisngi. “Nabigla ba kita?”

Napakagat ako ng labi at namula.Hindi pa nga kami pero hinalikan niya na ako, ako naman itong marupok na hinalikan din siya pabalik. Nakakahiya tuloy! Baka sabihin niyang easy-to-get ako at mabilis lang bumigay.

“Hindi . . . nahihiya ako . . .” wika ko kaya mahina siyang tumawa at kinabig ako para yakapin.

Niyakap ko rin siya pabalik at ninamnam ang yakap niyang nagbibigay ng libo-libong pakiramdam sa aking katawan. Parang may paru-paro rin sa aking tiyan na nagsisiliparan dahil lang sa simple niyang pagyakap. Pero sa gitna ng mainit niyang yakap at sa sayang nararamdaman ko ay bigla na lang nagbago dahil may natanaw ako sa hindi kalayuan.

Isang bulto ng lalaki. At ang lalaking ’yon ay kilalang-kilala ko.

Parang may bumara bigla sa lalamunan ko at kusang humiwalay sa mainit na yakap ni Kiel na nakangiti. “I love you, Yannie . . .”

Hindi ko napagtuunan ng pansin ang kaniyang sinabi, pasimple akong lumingon sa kaniyang likod. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, kanina lang ay masaya ako, ngayon naman ay parang nasasaktan ako dahil sa aking nakikita.

Bakit nararamdaman ko ito? Bakit ako nasasaktan? Bakit nawala ang sayang nararamdaman ko nang makita lang siya? Bakit ganito?

Why is my feelings feels weird?

“May problema ba?”

Bumalik lang ako sa reyalidad dahil sa nag-aalalang boses niya. “Wala . . . Masaya lang ako . . .” Kanina.

“Let’s go? Hatid na kita sa inyo.”

I smiled at him pero hindi umabot sa aking mga mata. Tumayo ako pero bago ’yon ay lumingon muli ako kung nasaan si Yasser.

He’s standing there, watching us, ang kaniyang mga luha ay lumalandas.

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon