Chapter 30

35.2K 722 83
                                    

.
“What do you want to eat, sweetie?” Kiel asked me.

Nag-isip naman ako kung ano ang gusto kong kainin, sasabihin ko na sana nang tumunog ang phone niya. Someone’s calling him. I just nodded to him. Naging hudyat ’yon para lumayo siya at sagutin ang tawag.

Napanguso ako at napahawak sa tiyan kong tatlong buwan na. Yes, I’m pregnant. Sobrang saya ko nang malaman kung buntis ako, ang tagal kong pinangarap na magka-baby. And I’m ready to be a mother. Madalas akong magbasa or manood sa YouTube kung paano ba maging mabuti at maayos na ina.

Tatlong buwan na ang tiyan ko pero parang anim na buwan dahil sa laki. Sobrang bigat din kaya hirap akong kumilos minsan. Kailangang may alalay ni Kiel.

Napanguso ako nang wala pa siya. Mukhang importante yata ang pinag-uusapan nila noong kausap niya dahil antagal nitong bumalik. Naghintay na lang ako.

“Anong sa—” I stopped.

Hindi si Kiel ang umupo sa harapan ko kung hindi isang babaeng naka-shades. Napakunot ang aking noo, hindi ko siya makilala, pero nang tanggalin niya ang shaded niya ay roon ko siya nakilala at natandaan.

She’s Jennica! Kiel’s cousin!

“Nice meeting you again, Yannie. How are you?” she asked.

Napatulala ako sa ganda niya. Ibang-iba siya noong nagkita kami noon, mas naging maganda siya at naging matured lalo na kung titigan mo ito. Walang-wala ako.

“Okay lang naman.” Bumaba ang tingin niya sa aking tiyan kung nasaan naroon ang isang palad ko.

“Magkaka-anak na pala kayo ng pinsan ko. Ninang ako, ah?” She smiled.

“Sige ba . . .” Ngumiti rin ako sa kaniya. Ayaw ko naman rin maging bastos.

“Naalala mo na ba ang lahat at pumayag kang anakan ka ng pinsan ko?”

Natigilan ako. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniyang tanong. Naalala ko bigla ang mga sinabi niya sa akin noon, ang mga pahiwatig niya na hindi ko na gaanong napansin at naalala.

“B-Bakit ka ba narito talaga?” I asked. Kinakabahan na talaga ako, ayaw kong ma-stress lalo na at baka makasama sa akin.

“I just want to talk to you,” simpleng sagot niya.

Mahinahon lang naman ang kaniyang boses at hindi b*tchy. Wala naman dapat akong ipag-alala dahil wala naman siguro siyang gagawin na masama sa amin ng baby ko.

“Dito na ba tayo mag-uusap?” tanong ko.

May waiter naman na naglapag ng pagkain sa aming harapan. Mukhang in-order niya na, pero ang kaniya ay juice lang habang sa akin naman ay kanin.

“Um-order na ako, hayaan mo muna ang pinsan ko at huwag kang mag-alala, matatagalan pa siya sa kausap niya.”

Kusa na lang akong tumango. Hindi ko na rin pinalampas ang pagkain na nasa harapan ko, dahan-dahan lang ang pagsubo ko. Naiilang ako sa presensya niya, parang may kakaibang bumalot na klima sa aming dalawa. Hindi ko alam kung ano bang sadya niya sa akin, kung ano ba ang mga sasabihin niya o kung may sasabihin man siya.

“I don’t want you to stress and overthink . . .” Sumandal siya sa upuan niya. “. . . Pero ayaw ko naman na kasinungalingan ang alam mo.”

Napalunok ako. Napahimas pa sa umbok kong tiyan, bigla rin akong kinabahan. Ano na naman ba ang sasabihin niya? Ano na naman ba ang kasinungalingan na nalalaman ko? Paulit-ulit na lang! Sawang-sawa na ako sa mga kasinungalingan! Kailan ba tatahimik ang buhay ko? I want a peaceful life with my child.

“Naalala mo ba na ang lahat?”

Umiling ako. May mga naalala ako pero hindi lahat, may mga malabo pa rin sa mga paningin ko. Hindi naman na gaanong sumasakit ang ulo ko kaya mas mabuti na rin. Baka makaapekto pa sa pagbubuntis ko ’yon.

“Naalala mo ba kung kailan naging kayo ni Kiel?” tanong niya.

Tumango ako. “Second year college ako noong naging kami.” Bigla siyang napainom ng juice. ’Yon ang natatandaan ko. Second year college ako noong sagutin ko si Kiel, third year college naman siya noon.

“What’s wrong you, Yannie? Hindi mo pa yata masyadong nauunawaan ang lahat.” ’Yan na naman ang mga salita niyang hindi ko maintindihan.

“’Yon ang naalala ko.”

Umiling siya. “Kailan kayo naaksidente?” she asked again.

Kumirot ang bandang dibdib ko nang maalala ko ang aksidenteng ’yon na kinamumuhian ko buong buhay ko. Ang taong pinagkakatiwalaan ko, pinagsasabihan ko ng nararamdaman ko, may alam ng sakit na nararamdaman ko ay siya pala ang dahilan nang pagkawala ng mga magulang ko.

Hindi pa rin humihilom ang sakit pero hindi naman puwedeng habangbuhay naroon na lang ang sakit.

“I was 15 that time, huwag mong sabihin na mali dahil hinding-hindi ko makakalimutan ang aksidenteng kinamumuhian ko at ang taong—”

“Maliban sa aksidente, ano’ng natatandaan mo, Yannie? Bakit si Yasser ang una?”

Naguluhan ako, bindi ko kaagad napunto ang ibig niyang sabihin. Napasuklay tuloy ako sa buhok ko. Nasi-stress ako sa babaeng ito, ang daming tanong, ang daming mga sinasabi. Ayaw na lang akong diretsuhin.

Ini-stress niya ang buntis na kagaya ko.

“Wala na,” tipid sagot ko dahil wala naman na akong naalala maliban sa aksidente na ’yon.

“May nalimutan ka, Yannie. Hindi pa maayos ang mga naalala mo,” mahinahon niyang sabu.

Napasimangot na ako, ayaw ko na siyang sagutin, hindi ko alam pero nasusura na ako. Gusto nang mairita.

“Huwag ka sanang magsisisi na ipinakulong mo si Yasser, si Yasser na walang ginawa kung himdi isipin ang kaligtasan mo.” Then she smiled at me. Isonuot niya ulit ang shades na suot niya bago ako iniwanan naman ng pagtataka.

Ang hilig niya talaga akong iwanan na maku-curios.

Ngumuso na lang ako at sinilip si Kiel sa labas na may kausap pa rin. Bakit ba ang tagal niya?

Napalingon lingon na lang ako sa paligid hanggang sa napadako ang paningin ko sa lamesa ko, sa harap ko, sa inupuan kanina ni Jennica, sa tapat niya ay may isang papel doon. Napakunot ang noo ko at kinuha ang papel na ’yon. Ano naman ang nasa papel na ito? May nakasulat bang importante rito at iniwan talaga nang kusa?

Ibinuklat ko ang papel, mas lalo lang akong na-curious sa nakasulat do’n. Nagtaka at naguluhan.

“Don’t let him hurt you again. Huwag kang masyadong magtiwala sa lalaking niloloko ka mula sa umpisa.”

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon