Chapter 34

35.4K 776 26
                                    


“Hindi ka talaga galit, ah?” paninigurado ko.

He chuckled again and kissed my hair. Hinalikan niya rin ang gilid ng ulo ko, ang ilong ko, at ang magkabilang mga pisngi ko bago ako bigyan ng isang halik sa labi.

“Bakit ako magagalit? Akala ko nga panaginip lang na gumagalaw ako sa ib—”

Hinampas ko siya sa braso. Pinapaalala niya talaga nang paulit-ulit para mahiya ako sa harapan niya. Ginusto ko rin naman ang nangyari sa aming dalawa, kaya bakit ako mahihiya?

“At least ako ang ama, Yannie. At least ako ang pakakasalan mo kaya hindi ako galit, baby,” he huskily said.

Napayakap ako sa leeg niya. Sumiksik pa ako ro’n. Lumayo naman siya dahilan para mapanguso ako. “Bakit ka ba lumalayo?” inis na tanong ko.

He chuckled. Bahagya niyang iniyuko ang ulo at itinaas ang bestida ko. Hinalikan niya nang paulit-ulit ang aking tiyan at hinaplos-haplos iyon. Ito ang palagi kong nai-imagine, si Yasser na hinahalikan ang tiyan ko na may pagmamahal.

“Ilang buwan na?” he asked.

“Three months na.”

Nanlaki ang mga mata niya bago napatitig sa aking tiyan. “Really? Bakit ang laki?”

I pouted. “Hindi ko nga alam, e. Ang bigat na sa tiyan, pagkatapos ang hirap gumalaw,” reklamo ko pa rin habang nakanguso.

Napansin kong parang may iniisip siya hanggang sa lumingon siya sa akin na may ngiti sa labi. Ngumuso ako lalo, pinatakan niya naman ako ng halik dahilan para irapan ko siya, pero ang totoo ay namula at kinilig ako.

“Baby, nasa lahi namin ang pagkakaroon ng quadruplets, kaya baka quadruplets ang dinadala mo.”

Nanlaki ang mga mata ko bago ngumiti. “Really? E ’di apat ang baby sa tiyan ko?”

Nakangiti siyang tumango. “Yes, baby.”

“Puwede bang magpatingin tayo sa OB? I want to know kung ilan at kung ano’ng gender!” tuwang-tuwang sinabi ko. Kulang na lang ay magtatalon ako na parang bata.

He chuckled and kissed my lips again. Napanguso na naman ako.

“Nakakailang halik ka na, ah? Masyado mong sinusulit.”

Mahina niya lamang akong tinawanan. “Tatlong buwan, Yannie. Tatlong buwan akong hindi ka nakasama. Tatlong buwan sa kulungan.”

Napayuko ako nang may maalala. Na-guilty ako sa ginawa ko, aaminin ko. Nadala lamang naman kasi ako sa galit ko at hindi inalaman ang lahat-lahat at ang buong katotohanan.

“Sorry.” Yumakap ako sa leeg niya at umiyak.

“Shh. Para ka na namang baby na umiiyak,” he said.

“Baby mo naman ako.”

He sexily chuckled in my ears. Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok dahil do’n, parang may kakaiba rin akong naramdaman na init sa katawan ko. Hindi ko maipaliwanag.

“Three months without se—”

“Yasser!” I exclaimed. Natakpan ko pa ng palad ang aking mukha dahil sa hiya at pamumula.

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon