Chapter 12

47.2K 1.1K 119
                                    

I smiled at him. "Hi!" Napatingin siya sa akin. Nawala ang ngiti ko dahil mukhang pagod siya. Pagod ba siya sa trabaho niya? "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko.

Mukhang hindi naman siya okay. Mukhang pagod na pagod.

"I need a massage." Paos na naman ang kaniyang boses, kaya palihim kong nakagat ang labi ko at umiwas din ng tingin saglit.

"Gusto mo bang puntahan kita?" mahinang tanong ko pero sapat na para marinig niya.

"Puwede ba?" Gabi na rin, pero kaya ko naman bumiyahe. "Ipapasundo kita."

Tumango ako. Bago nawala ang tawag ay napahilot pa siya sa ulo niya kaya mas nag-alala ako. Mabilis na akong nag-ayos hanggang sa marinig ko ang busina sa labas. "Hi, sister-in-law," bati ni Yleo.

"Hello, sorry, naabala ka pa. Pupuntahan ko lang si Yasser."

"Naku, talaga si Kuya, ayaw kasi pumuntang hospital."

Natigilan ako sa pagpasok sa sasakyan niya. "B-Bakit? Ano'ng nangyari sa kaniya?" nag-aalalang tanong ko.

He sighed. "May fever."

Napangiwi ako. Hindi lang sila pamilya ng mga baliw, pamilya rin ng mga O.A! May lagnat lang, hospital na kaagad?

"Tara na," pag-aya ko. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa condo ni Yasser.

"My brother loves you."

"Huh?" tanong ko, hindi ko kasi gaanong narinig ang sinabi niya.

He smiled at me. "Nothing. He's waiting for you."

I nodded. "Thank you sa paghatid. Sorry muli sa abala, baka nagising ka."

Ngumiti lang siya sa akin. Lumabas tuloy ang dimple niya, sa kanilang magkakapatid ay si Yasser ang may pinakamalalim na dimple. Hindi ko madalas pansinin ang biloy niya, pero palihim akong napangingiti kapag nakikita iyon. Ang cute lang kasi, para sa akin.

"Yasser," I called him.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kuwarto niya. Kaagad ko naman siyang nakita na nakasandal sa headboard ng kama habang nakapikit at nakatingala, napalunok ako nang bumaba ang paningin ko. Oh, God . . . Ang makasalanan kong mga mata.

Yasser is really, really hot lalo na kapag naka-boxer lang. Hindi rin talaga siya mapagkakamalan na bakla dahil may abs siya.

"Are you done checking me?" paos pa rin ang kaniyang boses.

Napaiwas na lang ako ng tingin bago lumapit sa kaniya. Walang-alinlangan kong hinipo ang noo at leeg niya, pero kaagad kong inalis dahil parang napaso ako sa sobrang init niya.

"B-Bakit ka nilagnat? Okay ka naman, e." Nagpaulan ba ang baklush na ito? Pero hindi naman umulan. "Kukuha lang ako ng bimpo at magiinit ng maligam-"

Napatigil ako sa pag-alis nang pigilan niya ako. "Stay here, baby . . ."




"Hmm . . ."

Palihim at mahina akong napatalon dahil sa pag-ungol niya. He wants me to massage his back, nananakit daw kasi ang katawan niya. Kawawa naman ang baby ko, may lagnat na nga masakit pa ang katawan, mukhang subsob siya sa trabaho dahil halatang pagod na pagod siya.

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon