Chapter 25

34.9K 696 46
                                    


“Bakit ba kasi kayo nag-away ni Kiel?” tanong ko pero inirapan niya ako.

“Stop mentioning his name!”

I just smiled at him. Napipikon na naman siya. “Tinatanong ko lang naman kung bakit kayo nag-away ni Kiel! Bakit ka ba nagagalit?! Huh?!”

“D*mn it!” Inis niyang ginulo ang buhok niya ‘tsaka patagilid na humiga.

Mahina akong natawa, halatang pikon siya kaya sinuyo ko ang tampuhing Sollano. “Inaasar lang na—”

“I’m mad, Yannie. Hindi mo alam kung gaano kasakit na malaman na nakipaghalikan ka sa lalaking ’yon . . . Kunwari wala akong alam . . .” sabay hinga niya nang malalim at mas tumalikod.

Napakagat naman ako ng labi. Hindi ko siya maintindihan, kung ano ang ikinagagalit niya. Hindi kaya . . . nagseselos kaya siya? Imposible naman kasi hindi niya naman dapat kailangang magselos.

Manliligaw ko lang naman si Kiel, siya ay matalik na kaibigan ko.

Hindi ko rin talaga maintindihan ang lalaking ito minsan. “Bakit ka ba nagagalit, Yasser?” wala sa sariling tanong ko. Nag-tsk lang siya kaya napanguso ako. Tingnan mo ang lalaking ito, tinatanong nang maayos pero hindi sumasagot nang maayos. “Tinatanong kita nang maayos pagkatapos ganiyan? Nakakasura.” Hindi ko na napigilan na ilabas ang inis ko.

He sighed and looked at me kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. “I have something to confess, Yannie.”

Bigla na lang akong napalunok. Bigla na lang din akong nakaramdam nang kaba sa hindi malaman na dahilan.

Posible kaya na may gusto talaga siya sa akin? Pero kasi . . .

“Yasser . . .” kinakabahan na pagtawag ko sa kaniya.

Seryoso na ang kaniyang mukha ngayon habang nakatingin sa akin, kinakabahan ako sasabihin niya. Pinaglalaruan ko rin ang mga daliri ko na nasa likod ko.

“Yannie, don’t judge me.”

Napakunot naman ang noo ko sa kalituhan. Ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi? Wala siyang gusto sa akin, ’yon ang naintindihan ko sa kaniyang sinabi.

“What do you mean, Yasser? Kinakabahan ako sa ’yo . . .” pag-amin ko.

“I’m a gay.” Diretsong sinabi niya.

Namilog saglit ang mga mata ko at napaawang ang bibig. Gulat sa sinabi niya. Ilang segundo rin yata akong nawala sa sarili bago ginalaw ang aking ulo.

“Oh, god . . . Nanansginip lang ako . . .” sabay sampal ko sa sarili ko na ako lang din ang nasaktan. Tumingin ako sa taong nasa harapan kong nakaupo sa gilid ng hospital bed. Seryoso ang mukha habang nakaiwas ng tingin sa akin. “Oh, god!” napahiyaw ako bago tumakbo at yakapin siya.

“Ouch, Yannie!”

“May kaibigan na akong bakla!” hiyaw ko pa.

“D*mn, Yannie!”

Napabitaw ako sa kaniya sa pagkakayakap habang may malapad na ngiti. “Hindi joke ’no?” paninigurado ko.

“Do you think I’m joking?! I’m fucking gay, Yannie! D*mn it!” para siyang problemado dahil sa boses.

I just laughed and sat beside him. “Kailan pa? Kailan mo pa nalaman na baklush ka? Alam ba ng parents mo?”

Umiling siya. “Hindi nila alam. This is me, at natatakot akong hindi nila matanggap ang tunay na katauhan ko.”

Sumandal ako sa may balikat niya. “Tanggap kita, Yasser. Tanggap kita kahit na sino ka pa. Tanggap kita kahit ano pa ang katauhan mo.” Sabi ko sa kaniya.

Natigilan naman siya kaya napangiti ako. Hindi niya siguro inaasahan na sasabihin ko ang mga katagang ’yon. Kaibigan ko siya, hindi lang kaibigan kung hindi childhood friend at best friend na rin, sa tagal naming magkaibigan ay hindi ko akalain na isa siyang baklush dahil hindi halata sa mga kilos niya.

“Huwag mo sanang sabihin sa kahit na kanino, Yannie, lalo na sa parents ko.”

Tumango ako at hinarap siya. “Huwag kang matakot na sabihin sa kanila ang totoo. Sasamahan kita kung kailan ka aamin sa kanila, kung hindi ka nila tanggap. Tanggap naman kita.” I smiled at him. Napatitig siya sa akin kaya niyakap ko na naman siya para pagaanin ang kaniyang loob.

Ang tagal niya na sigurong tinatago ang tunay niyang katauhan. Hindi niya lang maamin kasi ayaw niyang mahusgahan siya, kahit naman siguro ako itatago ko na lang. Pero siya . . . nakayanan niyang aminin sa akin. At least nasabi niya sa akin.

“Nandito lang ako . . .” bulong ko sa kaniya. He hugged me back. May ilan din kaming pinagkuwentuhan tungkol sa pagiging baklush niya. “Kailan mo nalaman sa sarili mo na baklush ka?” I asked.

“Naramdaman ko lang na parang may kakaiba sa akin,” pag-amin niya.

Saglit akong tumingin sa kawalan. May namuo sa utak ko na kailangan kong itanong sa kaniya para kumpirmahin. “May gusto ka ba kay Kiel?” napa-poker face siya kaya nagkamot ako sa ulo at napanguso.

Nagtatanong lang naman, e.

“I don’t like him. Hindi naman kita aagawan.” He chuckled.

Ang manly ng pagtawa niya pagkatapos baklush siya.

“Hindi talaga ako makapaniwala. Para akong nananaginip na ewan . . .” wala sa sariling wika ko.

“Maniwala ka, Yannie. Kahit ako noong una ay hindi-makapaniwala. Tinatanggi ko pa sa sarili ko na hindi.”

Napatitig ako sa kaniya, nakatingin siya sa kung saan. “Kailan mo balak sabihin sa parents mo at sa mga kapatid mo?”

“I don’t know, Yannie. Hindi ko alam. I’m scared to tell them about my gender.” Nakita ko talaga sa mga mata niya ang takot.

Mukhang natatakot talaga siya na aminin sa parents niya ang tunay na pagkatao niya. I understand him. “Basta nandito lang ako, Yasser.” Hindi kita iiwan.

Naramdaman kong napalingon siya sa akin kaya lumingon din ako sa kaniya dahilan para magtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung ano pero may nakikita ako sa mga mata niyang emosyon na hindi ko ma-explain.

Pilit na lang akong ngumiti sa kaniya. Marahas naman siyang bumuga ng hininga at humiga. “Yannie, what if . . .”

“Hmm?” tanong ko. Wala naman siyang sagot. Hindi ko tuloy maiwasan na ma-curious kung ano man ang sasabihin niyang what if. “May problema ba?”

Umiling siya at tinalikuran ako. Napanguso ako, ramdam kong may problema siya na hindi niya sinasabi sa akin. Hindi ko na lang siya pinilit na sabihin. Ilang minuto rin na nakatitig ako sa kawalan. May iniisip. May namumuo sa isipan. May mga tanong pa.

I sighed. Pumunta ako sa kabilang gilid at tinitigan ang natutulog na si Yasser.

Hinalikan ko siya sa noo at hinaplos ang kaniyang pisngi. “Hindi kita iiwan. Nandito lang ako kahit na ano’ng mangyari.”

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon