Chapter 9

51.9K 1.3K 75
                                    


Palaisipan sa akin ang sinabi ni Yasser no’ng una, pero dahil alam kong mapang-trip ang baklush na iyon ay ipinagsawalang-bahala ko na kalaunan.

Baka mabaliw lang ako sa kakaisip tapos trip niya lang naman.

"Yasser..." tawag ko.

"Hmm?" tugon niya.

"Ang laki..." I said. Nilingon niya ako. Kunot ang noo. Gusto kong matawa dahil sa kanyang reaksyon.

I licked my lower lips.

"Alin ang malaki?" he asked.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang pantalon. Nakaupo kasi siya sa kanyang swivel chair pero nakaharap sa akin. Bali patagilid siyang nakaupo habang nasa lamesa niya ang kanyang laptop.

Ewan ko ba kung bakit gano'n ang kanyang posisyon.

"Papayagan mo ba akong isubo iyan kung gusto ko?" I asked softly.

Natigilan siya. Hinarap niya ako. Kakaiba ang kanyang tingin. Ngumiti naman ako.

"Anong pinagsasabi mo, hah?" he asked. I smirked. Sumandal ako sa may sofa.

Ipinatong ko ang isang hita ko sa isa ko pang hita. Napatingin naman siya pababa sa katawan ko.

Maaakit ka Yasser. Maaakit ka sa katawan ko. Gusto kong katawan ko lang ang hahanap hanapin mo sa araw-araw at sa gabi-gabi.

Sinasadya ko talaga ang ginagawa ko. Inaakit ko siya.

"You know...kagaya ng lollipop. Magaling ako pagdating sa gano'n," I said and smiled seductively.

He groaned. Inis siyang nag-iwas ng tingin. Gusto kong mapahalakhak lalo na ng makita ko ang kanyang gitna na parang may nais lumabas.

"Stop, Yannie. Hindi ako natutuwa. Mamaya mo na ako ganyanin dahil talagang papatulan kita," nagbabantang aniya.

Natigilan ako hanggang sa mapanguso na lamang. Bumalik na lang siya sa kanyang ginagawa. Mukha nga talagang may importante siyang kailangang gawin kaya hindi na ako nangulit.

Tumahimik na lang ako. Inilibot ko ang aking paningin sa kanyang office. Malinis siya. Sa mga gamit. Sobrang linis ng kanyang office, talagang nakasalansan ang ang mga dapat.

Bumalik ang tingin ko sa kanya. Pinagmasdan ko siya.

“Anway, magiging busy ka ba talaga?" he asked and glanced at me. Sinabi ko sa kanya pala iyon.

Tumango ako, napatango rin siya. Magiging busy ako sa susunod na araw dahil kailangan akong ilipat sa ibang lugar. Hindi naman kasi bilang isang manager ay nakaupo ka lamang at sasabihin mo sa mga nasasakupan mo ang gagawin nila. Akala ko bilang HRM ay ganoon lang ang gagawin, mali pala ako. Hindi pala madali lalo na at manager ka.

Tumayo siya, may kinuha siya sa drawer niya. Isang sketch pad, at pagkatapos ay bumalik siya sa kanyang upuan at nag-drawing doon. Seryoso ang kanyang mukha.

Na gustong gusto ko.

“Yasser . . .” I bit my lip.

Tawag ko lang siya.

“Hmm?” tanging tugon niya at ipinagpatuloy ang ginagawa niyang pagdo-drawing. Hindi lamang engineer si Yasser kung hindi architect din. Nag-aral pa siya ng ilan taon, ang galing nga, e, nakapasa siya sa board exam.

Sana all na lang matalino. Paano naman tayong mga b*b*?

Ang galing din, kasi may potential siya sa pagguhit kaya hindi niya na kailangan ng architect.

“Matunaw ako, baby," aniya.

I blushed. Umiwas din ako ng tingin. Siraulong baklush! “Stop calling me baby!” Dahil kinikilig ako.

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon