Chapter 24

33.7K 812 146
                                    


“Nurse, kumusta na po siya?” I asked the nurse.

“Okay naman ang pasyente, kailangan niya lang ipahinga ang sarili niya,” anito kaya tumango ako at nagpasalamat.

Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko naman kung ano na ang nangyari kay Kiel. Hindi ko siguro kakayanin kung ano ang mangyari sa kaniya. Sisisihin ko talaga ang sarili ko oras na may hindi magandang nangyari sa kaniya. Pakiramdam ko tuloy ay dahil sa akin kaya nagkakaganiyan siya.

Siguro kung hindi siya lumapit sa akin at nanligaw ay wala sana siya sa ngayon sa clinic.

“Kiel, sorry sa ginawa ni Yasser . . .” wika ko sabay yuko at pinaglaruan ang mga daliri.

“Come here, Yannie . . .” malambing niyang sabi layay lumapit ako sa kaniya. Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinalikan.“No need to sorry. Wala kang kasalanan kaya huwag kang mag-sorry.” Then he smiled at me.

Tumango ako kahit nagi-guilty pa rin ako dahil sa ginawa ni Yasser. Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang niya?

“B-Baka kung anong sabihin ng mga magula—”

“Shh . . . Don’t worry, sweetie. Hindi ko hahayaan na may sabihin na masama ang parents ko sa ’yo.”

Tumango ako at ngumiti sa kaniya. “Thank you . . .” Then after no’n ay naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko.

Noong una ay nagulat pa ako pero tumugon din sa kaniyang halik na siyang ikinangiti niya. Napaupo na ako sa lap niya, hindi ko namalayan kung paano nangyari ’yon. Lumalim ang halik at halos hindi ko na masabayan. He’s not my first kiss pero siya lang ang unang nakahalik sa akin ng ganito. Hinaplos ko ang bandang dibdib niya habang tinutugon pa rin ang halik niya hanggang sa bumitaw siya na aking pinagtaka.

“Sh*t. I’m sorry . . .”

“Huwag!” Magulat siya sa biglang pagsigaw ko. Napayuko muna ako. “Huwag kang mag-sorry, ginusto ko rin naman.” I blushed.

He chuckled and hugged me. Hinalikan niya rin ang ulo na siyang ikinangiti ako. Hindi ko inaasahan na liligawan ako ng crush ko. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala hanggang ngayon.

“Babalik ako . . .” malambing na sabi ko sa kaniya saka siya hinalikan sa noo na ikinangiti niya. Kumaway ako sa kaniya bago umalis.

“Sana all masaya.”

Napahawak ako sa bandang dibdib ko dahil sa gulat. Napalingon ako sa nagsalita sa gilid ko, nagtataka ko silang tiningnan — ang mga kapatid ni Yasser.

Ano’ng ginagawa nila rito?

“Anong ginaga—” 

Yielo cut me off. “Alam mo ba kung ano ang nangyari sa kapatid namin?”

Bigla namang nagtagis ang bagang ko. Nakaramdam na naman ako ng galit sa kaniya nang maalala kung ano ang ginawa niya Kiel na wala namang ginagawang masama sa kaniya.

Masama ko silang tiningnan bago o umirap at talikuran sila. Bago pa ako makahakbang ay nagsalita Yiem, at hindi ko inaasahan ang sinabi niyang nagpakaba sa akin nang lubos.

“Alam mo bang nag-aagaw buhay ang kapatid namin ngayon sa ospital?”

Mabilis akong lumingon sa kanila na sana hindi ko na lang ginawa dahil parang papatayin na nila ako sa kanilang mga tingin.

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon