Chapter 29

33.4K 663 67
                                    


Nagtuloy-tuloy ang paglabas naming dalawa ni Kiel — date kung tawagin. Halos araw-araw na nga kaming magkasama, sa araw-araw naming magkasama ay hindi ko na naisip ang iba, dahil do’n ay parang may nakalimutan na ako. Masaya ako kapag kasama si Kiel because he makes me happy, he makes me laugh. Walang araw na hindi niya yata ako pinasaya.

“Ang ganda . . .” manghang sambit ko nang lumabas ako sa kotse niya.

Kitang-kita ko ang lahat, ang mga kabahayan, building, at kung ano-ano pa na mga nag-iilawan, idagdag mo pa ang maliwanag na buwan at mga bituin at preskong hangin.

Napalingon ako kay Kiel na nakatitig pala sa akin. Ngumiti ako sa kaniya, he smiled at me too. “Paano mo na-discover ang lugar na ito?”

Para kaming nasa isang bundok.

Hindi ko alam ang lugar na ito pero noong napansin ko kanina sa paligid ay para kaming nasa tuktok ng bundok. Kitang-kita mo talaga ang lahat mula rito sa kinatatayuan ko.

“I’m always here when I’m sad. Dito ako umiiyak, dito ko nilalabas ang sakit na nararamdaman ko . . .”

Napalingon ako sa kaniya. Nakatingin siya sa unahan. Tumabi ako sa kaniya dahilan para lingunin niya ako. “Ano ang dahilan ng pag-iyak mo?” wala sa sariling tanong ko bago muling tumingin sa unahan.

Nililipad ng hangin ang ilang hibla nang aking buhok, sayang at gabi na ngayon, gusto ko pa sanang mag-picture kaming dalawa.

“Nasasaktan . . . Ang pag-iyak ng isang tao ay dahil nasasaktan . . .” May point siya.

“Kanino ka nasasaktan? Bakit ka nasasaktan?” Wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya.

Ilang minutong tahimik kaming dalawa. Nakatingin lang sa unahan, pinapakiramdaman ang isa’t isa hanggang sa naramdaman ko ang dalawang braso niya sa aking baywang. Ngayon ay nasa likod ko na siya. Niyakap na ako at ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

“Thank you, Yannie . . .”

“You’re welcome,” sagot ko kahit hindi ko naman alam kung bakit siya nagpapasalamat.

“And sorry . . .”

Napakunot ako nang noo. Imbes na pagtuunan ng pansin ang sinabi niya, nanahimik na lang ako at hindi siya tinanong. Hinayaan ko lang din siyang yakapin ako mula sa likuran. Hinayaan kong maramdaman ko ang init nang yakap niya.

“Kiel, do you love me?” wala sa sariling tanong ko.

“I love you so much, Yannie. I’ll wait you, hihintayin kita. Hihintayin kita ng paulit-ulit. Hihintayin kita hanggang wakas.”

I smiled. “Maghihintay ka pa rin ba na sagutin kita? Baka mapagod ka na . . .”

He chuckled. Naramdaman kong dinampian niya ng halik ang aking leeg na aking ikinalunok. “Niligawan kita. Binigyan mo ako ng chance kaya kahit na gaano pa katagal akong manligaw kung may chance naman ay maghihintay ako. Maghihintay ako kahit gaano pa katagal,” aniya sabay siksik sa leeg ko.

Para tuloy siyang bata, dahil sa ginawa niya ay bigla na lang pumasok sa isip ko si Yasser dahil madalas niyang gawin ang pagsiksik sa leeg ko at ang paghalik sa leeg ko. Nakasanayan kong gawin niya na ’yon kaya hindi ko maiwasan na mapalunok sa bawat pagdampi ng labi niya sa leeg ko.

“I love you, sweetie. I love you so much. D*mn, much.” Paulit-ulit niyang sinabi ’yon.

Wala naman akong tugon, ni wala akong salita. “Paano kung pinapaasa lang pala kita? Magagalit ka ba sa akin?”

He chuckled again. “Liligawan pa rin kita hanggang sa mahulog ka na sa akin.”

I blushed. “Gano’n mo ba talaga ako kamahal?” nahihiyang tanong ko.

Hindi ko alam kung bakit pinagtatanong ko ang mga ito, nahihiya na tuloy ako sa kaniya, baka isipin niyang nagdududa ako sa pagmamahal niya sa akin.

“Mahal na mahal kita, Yannie. Willing akong isakripisyo ang lahat para sa ’yo. Willing akong talikuran ang lahat para sa ’yo, sweetie . . .” malambing niyang sagot.

Kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin. Nagtaka siya. Humarap ako sa kanya at walang-pasabing hinalikan siya. I wrapped my arms around his neck. He kissed me back, pinalalim niya ang halik, sa sobrang lalim ay halos mahiga na ako pero nakapasuporta ang mga braso niya sa likod ko.

“Hihintayin ko ang matamis mong oo.”

I smiled. Hindi mabura ang ngiti sa labi ko. Minsan na lang akong natutulala at kikiligin. Magpapadyak na lang din bigla kaya nagugulat sa akin si Yasser at Tita.

“Mukhang masaya ka, ah?”

Malapad akong ngumiti kay Yasser. “Yasser, grabe . . . Sobrang sweet pala ni Kiel,” kinikilig kong sabi. Halos tumili na ako sa kilig pero poker face lang ang hitsura niya. Hindi ba siya masaya para sa akin? “Uy!” Inilagay niya lang ang kaniyang mga kamay sa bulsa nang kaniyang shorts.

“Ano pa?”

Ngumiti ulit ako. “Alam mo ba? Palagi niya akong dinadalhan ng bulaklak at mga chocolate sa room namin. Hatid-sundo niya pa ako, pagkatapos ’yong gabing ’yon ang pinaka—”

“Ibinigay mo na ang sarili mo?”

Nanlaki ang mga mata ko bigla, bigla rin akong na-offend sa kaniyang tanong. “Huh? Hindi ’no! Nag-kiss lang naman kami . . .” nahihiyang pag-amin ko, napayuko pa ako para itago ang kilig na nararamdaman.

“Are you happy with him?” tanong niya kaya nakayuko akong tumango.

Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya kapag siya ang kasama ko. Kung gaano ako sobrang saya sa kaniya. Huwag mo sanang hadlangan ang kasiyahan ko.

“Good. Mabuti naman at masaya ka na sa kaniya para kapag binitawan na kita ay alam kong masaya.”

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. May kakaiba sa mga mata niya. Para siyang nasasaktan. “Ya—”

“I’m happy for you. Masaya ako dahil masaya ka.” Ngumiti siya pero halatang pilit. “Sleep now,” dagdag niya bago ako iwanan.

Napahawak ako sa bandang dibdib ko. Bakit ako nasasaktan? Bakit bigla ka na lang kumikirot?

“Hello?” pagsagot ko sa tawag.

“Sweetie . . .” Napakagat ako ng labi dahil sa malambing nitong boses.

“Napatawag ka?”

“I miss you . . .” I miss you too, Kiel.

“Hindi ka pa ba inaantok?” pag-iiba ko sa usapan ko.

He chuckled sexily. “I can’t sleep, sweetie.”

“W-Why?” sabay kagat ko na naman sa labi ko.

“I’m thinking about you. Iniisip kita na katabi ko at walang saplot.”

Namula ako. Nakaramdam ako ng init sa katawan bigla. Magsasalita na sana ako pero nahagip ng mga paningin ko ang isang tao sa pinto.

Madilim ang mukha niyang nakatingin sa akin.



End of Flashbacks

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon