Chapter 15

42.9K 990 10
                                    


"Ano'ng sinasabi mo, Kiel?" I asked curiously.

Nanatili siyang nakangisi kay Yasser na mas umigting ang panga. "Don't you dare, Rever," banta ni Yasser kay Kiel na mas inasar lang siya sa pamamagitan ng ngisi.

Nagkatitigan sila kaya sumabat na ako, "Teka nga! Ano ba'ng dapat kong malaman?" Humarap ako kay Yasser. "May itinatago ka ba sa akin, Yasser?" Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi ako maaaring magkamali na may takot sa mukha niya. He caressed my face, but he sighed first.

"Sa akin ka lang makikinig, Yannie. Ako lamang muna ang pakikinggan mo," marahang saad niya.

Napatitig ako sa kaniya, ganoon din siya sa akin, pero malamlam na ang mukha niya at may takot. Nawala lamang ang pagtititigan namin nang may tumawa.

"Stop this, Sollano. Let her know everything. Let her know about your lies." Then he smirked. Umigting na naman ang panga ni Yasser dahil doon.

Lies? Ano'ng mga kasinungalingan ang sinasabi niya? May itinatago ba sa akin si Yasser na hindi ko alam? Pero ano? Bakit hindi niya sabihin sa akin kung gano'n?

"Yasser," pagtawag ko sa kaniya sa mahinahon na boses.

"Yannie, I'll tell you everything once I'm ready." Bakas sa mukha niya ang takot at pagmamakaawa.

Tinitigan ko siya. Kahit na marami akong gustong itanong ay tumango na lamang ako. Kilala ko si Yasser, kapag may problema siya ay kaagad niyang sasabihin sa akin, kaya kagaya ng sinabi niya ay pakikinggan ko muna siya, pero bakit sinasabi ng puso ko na hindi ko na dapat kailangang malaman dahil kapag nalaman ko ay masasaktan lang ako?

"Hanggang kailan mo itatago, Sollano?"

Napalingon na naman ako kay Kiel. Kumpara kanina na nakangisi ay seryoso na ang kaniyang mukha ngayon para makaramdam ako ng kaba.

"Hayaan mo ako, Rever, huwag mo akong pangunahan," mariin at seryosong saad na naman ni Yasser.

Nagkatitigan na naman sila, ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa kaya sumabat na ako, "Ano ba talaga ang kailangan kong malaman?" Dahil naguguluhan na ako.

"Yannie!" magkasabay nilang pagtawag sa akin nang napahawak ako bigla sa ulo ko at muntik nang matumba, mabuti na lang at nakabalanse kaagad ako.

"Are you okay, baby?" nag-aalalang tanong ni Yasser habang nakahawak ang isang kamay sa baywang ko.

Napakurap muna ako ng ilang beses para i-adjust ang nanlalabo kong mga mata. "Okay lamang naman," mahinang sagot ko at saka humawak sa kaniyang balikat.

Inalalayan niya ako paupo sa couch. Binigyan naman ako ni Kiel ng tubig na kaagad kong ininom. Hinilig ko ang ulo ko sa sandalan kasabay ng pagdilim ng mga paningin ko.

"I love you so much, sweetie." Malambing ang kaniyang boses kaya napangiti na lamang ako habang nakahawak ang kamay niya sa aking baywang ko, ang mga kamay ko naman ay nakapatong sa mga balikat niya habang nagsasayaw kaming dalawa.

He smiled at me before kissing my lips. Mabagal, magaan, maingat, at punong-puno ng pagmamahal ang halik niya. I kissed him back. Natapos ang halik naming dalawa na may ngiti sa labi.

"Sweetie, alam mo naman kung gaano kita katagal na nilagawan at kung gaano ako kasaya noong sinagot mo. Noong ibinigay mo sa akin ang matamis mong 'oo.'"

Hinding-hindi ko malilimutan ang paghihirap niya para lamang makuha ang "oo" ko. Tatlong taon din niya akong niligawan hanggang sa sagutin ko siya.

"Sweetie, nasa tamang mga edad na tayo. Ayaw kong mawala ka pa sa ak-"

I cut him off. "Hindi naman ako mawawala sa 'yo." I smiled.

"Shh. Pakinggan mo muna ako."

I nodded. Inikot niya ako. Magaan ang paghawak niya sa kamay ko. Kasabay ng pag-ikot ko ay ang pagluhod niya sa aking harapan dahilan para mapasinghap ako dahil sa gulat. I had an idea on my mind, at hindi ko akalain na darating kami rito.

"Hindi ko na kayang mawala ka sa akin, Yannie. Hindi ko na kaya pa. Matagal kong pinaghirapan na makuha ka at tuluyang maging akin." Hinawakan niya ang mga kamay ko, hindi ko na mapigilan na tumulo ang mga luha ko dahil sa sayang nararamdaman na hindi ko maipaliwanag.

"The first time I saw you, na-in love na kaagad ako sa 'yo, nagandahan. The way you smile, napangingiti na lang dim ako. Alam mo naman siguro kung gaano ako kabaliw sa 'yo." Napakamot siya sa ulo kaya tumawa ako nang mahina.

"Alam ko, sa sobrang baliw mo sa akin, puno ng picture ko ang buong kuwarto mo." Nakita ko ang pagpula ng mukha niya kaya mas tumawa ako.

"Kaya hindi ko na kayang mawala ka pa sa akin." He kissed the back of my hand..

Mas tumulo ang mga luha ko nang may kuhanin siya sa kaniyang bulsa at dahan-dahan na binuksan iyon.

A ring . . .

"Yannie, will you be my Mrs. Rever?"

Nagtakip muna ako ng bibig para pigilan ang hikbing gustong-gustong kumawala. Tumango ako.

"I want to hear, sweetie."

"Yes. Yes, Kiel! Pakakasalan kita."

Pagkatapos niyang isuot ang singsing sa daliri ko ay kaagad niya akong sinunggaban ng halik. At sa gabing iyon ay sobrang saya ko dahil pakakasalan ako ng lalaking mahal ko. Pakakasalan ko ang lalaking mahal ko. Hindi ko inaasahan na magpapakasal kaming dalawa, ni hindi namin napagplanuhan ang future namin kaya hindi ko ma-explain ang sayang nararamdaman ko.

"Yannie, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Yasser.

He wiped my tears and hugged me. Yumakap lang din ako sa kaniya at isiniksik ang sarili ko sa kaniyang dibdib.

Iyong panaginip ko . . . sino ang mga taong iyon? Sino ang mga nasa panaginip ko? Bakit kakaiba ang nararamdaman ko? Bakit ako umiiyak ng dahil lang do'n? Ako ba ang babae? Pero imposible . . . Imposible na maging ako iyon. Gusto ko nang malaman! Naguguluhan na ako! Nagtataka na ako! Mababaliw na ako sa kaiisip, sa tuwing mapapanaginipan ko ang dalawang taong nasa panaginip ko at ang iba't ibang pangyayari ay umiiyak na lamang ako at nasasaktan.

Ano'ng parte nila sa buhay ko? Ano'ng mayroon sa mga panaginip ko? Bakit kailangan kong mapanaginipan ang mga iyon?

"Yasser, may mga hindi ba ako naaalala? Nawalan ba ako ng alaala?" tanong ko sa kaniya.

Wala siyang isinagot, tumigil din ang paghaplos niya sa buhok ko, dahil doon ay mukhang alam ko na ang sinasabi ni Kiel na itinatago ni Yasser.

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon