Chapter 40

37.2K 730 38
                                    


“Baka naman kasi walang balak na pakasalan ka talaga, naawa lang sa ’yo dahil buntis ka at siya ang ama.”

Hindi ko naiwasan na maghinala dahil sa mga sinasabi ni Jennica. “Mahal niya ako,” tanging nasabi ko.

She laughed. “May nakita akong babae na kasama niya, nasa isang beach sila. Do you want to see the photo?”

Nangilid sa luha ang gilid ng mga mata ko. Napahawak ako sa aking tiyan na anim na buwan na, sa anim na buwan na tiyan ko ay parang nine months na sa laki. Mas lalo akong nahirapan sa pagkilos lalo na kapag sumisipa ang mga ito.

“Mahal ka nga pero bakit may kasamang ibang babae?” Ipinakita niya sa akin ang picture ni Yasser na may kasama ngang babae. Nakikipagtawanan siya sa babae.

Bumagsak ang mga luha ko sa mga mata. Humikbi ako, walang-pakialam kung nandiyan siya at pinagmamasdan ako. “Mahal niya ako. Mahal na mahal niya ako. Panghahawakan ko ’yon . . . Magkakaanak na kami. Hindi siya maghahanap ng iba . . .” pampalakas ko sa sarili ko habang lumuluha pa rin.

“Imbes na umiyak ka, bakit hindi natin sugurin?”

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. “Iniisip ko ang mga babies ko, baka mapahawak sila.”

She smiled at me, parang may kung ano sa ngiti niya na hindi ko alam. “Hindi ko naman hahayaan na mapahamak kayo ng mga inaanak ko. Ano? Tara?” excited niyang tanong.

Sandali akong nag-isip. Nandiyan naman siya, hindi niya ako pababayaan. Siya na ang sumampal sa babae ni Yasser kung sino man iyon. Napakagat ako sa labi para pigilan ang hikbi bago tumango kay Jennica na tuwang-tuwa. Ako nga umiiyak na, pagkatapos siya tuwang-tuwa pa.

Baliw!

“Nasaan sila ngayon? Gusto kong masabunutan ’yong babae niya,” wika ko, naiiyak.

“Chill, malapit na tayo.”

Tumigil kami sa hindi pamilyar na lugar sa akin. Pumasok kami sa loob, para siyang isang beach resort dahil malayo pa lang ay kita ko na ang malawak na tubig. Para akong biglang nahimasmasan. Lumiko kami, napapansin kong medyo dumidilim.

“Jennica, nasaan na tayo? Bakit ang dilim?” tanong ko,

“Baka naman nakapatay ang mga ilaw dahil gumagawa sila ng milagro.”

Napakuyom ang mga kamao. Naisip ko pa lang na nakikipagtalik si Yasser sa ibang babae at maabutan pa namin, hindi ko yata kakayanin.

Ikinalma ko ang aking sarili. Ayaw kong mapahamak ang mga ito dahil lang sa g*go nilang ama na hindi nakuntento sa akin. Baka nga hindi niya talaga ako mahal dahil nakayanan niyang maghanap ng iba.

“Huwag kang umiyak. The original never cries.” Matigas na ani ni Jennica.

Papadilim nang papadilim nang bigla na lamang unti-unting bumukas ang mga ilaw, pero hindi pa rin malinaw sa akin kung nasaang lugar na kami. Unti-unti akong nakarinig ng musika kaya napasinghap ako. Napalingon ako kay Jennica na may malapad na ngiti habang nakatingin sa akin. Muntik na akong matawa dahil muntik na niyang hindi matama ang lyrics ng kanta.

He’s singing Love Story by Taylor Swift. Pinalitan niya pa ang Romeo ng kaniyang pangalan.

Nakangiti ako habang nakatingin sa kaniyang naggigitara habang kumakanta. Pumikit siya. Mukhang dinarama ang kanta, ang kantang paborito ko. Tumingin siya sa akin. Matamis siyang ngumiti at ipinagpatuloy ang pagkanta. Nangingilid na sa luha ang gilid ng mga mata ko dahil sa sobrang sayang nararamdaman. Lahat ng pangamba ay nawala.

Inabot niya ang gitara sa kaniyang Kuya Yielo. Lumapit siya sa akin na may ngiti sa labi. He cupped my face. Nagpatuloy siya sa pagkanta habang si Kuya Yielo na ang nagigitara. Napasinghap ako nang dahan-dahan itong lumuhod sa aking harapan, hinawakan niya ang aking mga kamay, hinalikan, at nagpatuloy muli.

“I love you, my Yannie,” he whispered. Humina nang humina ang boses niya sa huling kanta. “Marry me, my Yannie. Marry me, please?”

Dahan-dahan akong tumango, naluluha. Ngumiti siya at inilagay ang singsing sa aking isang daliri bago tumayo. He cupped my face.

He then sang the last verse of the song. Ang huling iyon ang nagbigay sa akin upang maalala ko ang lahat.

We were both young when he first saw me.

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon