Chapter 27

33.7K 680 36
                                    


“Hey, saan ka galing?” Nagbalik ako sa reyalidad nang may bumulong sa tainga ko.

It’s Kiel.

Napalingon ako sa babaeng nasa likuran niya, pilit siyang ngumiti sa akin. Marami pa siyang sinabi sa akin na ang lahat ay tungkol kay Kiel pero hindi ko naman makuha ang ibig niyang sabihin sa mga ’yon. Naku-curios tuloy ako at naghihinala.

Bakit pakiramdam ko ay ang daming may ayaw na magkatuluyan kami ni Kiel? Bakit feeling ko ang daming nakaharang sa aming dalawa?

“Are you okay?” Nag-aalala ang kaniyang boses kaya tumango na lang ako para hindi rin siya manghinala lalo na at napakunot ang kaniyang noo noong nakatingin ako sa kaniyang likuran.

“Okay lang ako.” Pilit akong ngumiti. He kissed me on my forehead. Napapikit na lang ako dahil sa halik niyang ’yon sa noo ko.

Hindi naman nagbabago ang nararamdaman ko sa kaniya kaya wala akong dapat ipagkabahala. As long na mahal ko siya ay hindi ako magpapaapekto sa sinasabi ng kung sino. Hindi ko man gaanong kilala si Kiel ay mananatili pa rin ang nararamdaman kong ito sa kaniya. Minsan lang ako magkagusto at magmahal kaya hindi ko na sasayangin ito lalo na at may nararamdaman din sa akin ang taong gusto ko.

Be positive, Yannie. Huwag kang masyadong mag-overthink at mag-isip ng kung ano-ano.

Noong gabing ’yon ay hindi ko na-enjoy ang party dahil na rin sa mga salitang binitawan ni Jennica sa akin, basta ang alam kong nanalong Queen and King of the night ay ang magpinsan na sina Jennica at Kiel. Tahimik lang ako noong ihinatid ako ni Kiel sa amin. Wala rin naman siyang imik dahil mukhang nahalata niya naman na wala na ako sa mood.

“Oh, bakla!” sigaw ni Yasser sa akin kaya napalingon ako sa kaniya.

“Ang lalim ng iniisip mo, ah!”

“Nasisid mo ba?” tanong ko kaya napairap siya at ako naman ay mahina akong napatawa.

“Ano ba kasing iniisip mo? Kanina ka pa tulala,” aniya bago tumabi sa akin.

Dumakot ako sa hawak niyang tsitsirya. “Nakilala ko kasi ’yong pinsan na babae ni Kiel.”

Natigilan siya sa pagsubo. “Oh, pagkatapos?”

Napabuntong-hininga muna ako. “Pagkatapos may mga sinabi siya na tungkol kay Kiel, hindi niya binanggit ang pangalan ni Kiel pero mukhang tungkol kay Kiel ang mga ’yon,” paliwanag ko.

“Oh?”

“Nagiging palaisipan lang sa akin ang mga salitang binitawan niya, para kasing may ipinapahiwatig siya kaso hindi ko lang mapunto kung ano ’yon,” dagdag ko sabay gulo ko sa buhok ko.

“Kung mahal mo talaga si Kiel, kahit na ano’ng sabihin ng iba tungkol sa kaniya ay hindi ka maniniwala lalo na kung malalim ’yang nararamdaman mo riyan,” aniya sabay turo sa bandang dibdib ko.

Napanguso ako at napasandal sa may couch. “Ewan ko ba . . . ’Yon na nga, e, kaso hindi talaga mawala sa isip ko.”

Narinig ko ang buntonghininga niya, inilapag niya ang tsitsirya sa mini table na nasa harapan namin bago siya umakbay sa akin. “Alam mo, Yannie, kung naguguluhan ka at may mga tanong ka sa isipan mo, bakit hindi mo kausapin si Kiel kaysa sa mabaliw ka riyan kaiisip ? Saka ano ba kasi ang punto mo?”

“Hindi ko alam,” nakangusong sagot ko.

“O baka naman naghihinala ka sa nararamdaman ni Kiel sa ’yo? Baka naiisip mo na hindi siya seryoso sa ’yo?”

Natigilan ako, biglang bumigat ang dibdib ko, mukhang tama siya. Para ngang naghihinala ako sa nararamdaman sa akin ni Kiel.

Bakit ba kasi nakausap ko pa ang pinsan niyang ’yon?! Nakakainis!

“Mahal mo si Kiel, pero sana huwag mong ibigay sa kaniya ang lahat ng pagmamahal mo dahil baka masaktan ka sa huli, ako na lang kasi . . .” Hindi ko narinig ang huling sinabi niya dahil iniwas niya ang kaniyang mukha sa bandang tainga ko.

Isa rin ito, e!

“May balak ka bang sagutin ang manliligaw mo?” tanong niya.

May balak pa ba ako? Siyempre naman! Ayaw ko naman paasahin ’yong tao . . . Binigyan ko ng chance na ligawan ako pagkatapos hindi ko naman pala sasagutin.

Mali ’yon.

“Oo, minsan lang ako magmahal.”

Tumango-tango siya. “Sana ako na lang ang minahal mo. Hindi ka pa masasaktan sa huli . . .”

Napakunot ang noo ko. “May sinasabi ka ba?”

Umiling siya at iniwan na lang ako bigla. “Minsan talaga ang weird ng baklush na ’yon!” sabay irap ko. Napa-cross arm ako at napatingin na naman sa kawalan.

Kung papatunayan ni Kiel sa akin ang sarili niya ay baka sagutin ko na lang siya bigla. Hindi ko pa nararanasan na magmahal ng ganito na halos mabaliw ako, masi noong nagka-crush ako kay Yasser noong mga bata pa kami ay crush lang, hindi ko naramdaman ’yong ganitong nag-o-overthink ako. Hindi nga lang alam ni Yasser na crush ko siya noon. At wala rin akong balak sabihin sa kaniya na naging crush ko siya, baka asarin niya pa ako lalo na at baklush naman siya.

Nagkagusto ako sa isang baklush. Whatever. Hindi niya naman alam.

“Hello po,” nakangiting bati ko sa mama ni Yasser.

“Hello, Yannie.” Nagbeso-beso kami.

Nagbeso rin kami ng papa niya. Noong sa mga kapatid niya na ay hinila niya na ako palayo kaya nagsitawanan ang mga ito, napanguso tuloy ako. Minsan talaga ay may mga bagay na hindi natin naiintindihan sa mga lalaki, sa simpleng pagtawa, pagkindat at pagtitigan ng mga ito ay para silang may code na iwan.

“Don’t mind them,” he whispered so I just nodded. Nakahawak siya sa baywang ko at nagpanggap na mag-jowa kami.

Nasabi kasi ni Yasser sa mga magulang at mga kapatid niya na girlfriend niya ako dahil nanghihinala raw ito sa kaniya na baklush daw siya. Mukhang ayaw pang umamin ni Yasser dahil baka itakwil siya ng mga ito, maiintindihan naman siguro ng parents niya. Pero nasa kaniya pa rin naman ang desisyon. Basta ako ay susuportahan at makikisakay na lang sa kung ano man ang gagawin niya.

Kung hindi pa talaga siya ready sa mga ito ang tunay na katauhan niya e ’di huwag muna.

“Hindi talaga ako makapaniwala na kayo ang nagkatuluyan ng anak ko, Yannie,” anang Papa niya.

Nagkatinginan kami kaya napatikhim ako. Baka makahalata sila. “Hindi rin po ako makapaniwala, e, ang guwapo ni Yasser para sa akin, hehe . . .” Nagtawanan sila.

“Akala nga namin bading itong anak namin, e. Itatakwil talaga namin siya.”

Bigla akong namutla.

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon