Chapter 32

33.5K 701 88
                                    


Hindi ko namalayan na nakatulugan ko na pala kagabi ang pagbabasa ng mga letter na sulat kamay ni Yasser. Maraming sobre ang nakaipit sa album. Simula noong ibinigay niya sa akin iyon ay isang beses ko lamang na binuklat. Wala namang mga sobre iyon dati pero ngayon ay mayroon na. Inisip ko na lang na baka inilagay niya nang hindi ko alam. Dahil sa mga letter na iyon, ito ako at may malapad na ngiti. May magandang gising. Hindi nagsuka at nahilo. Ang lakas naman ng apekto sa akin ng mga letter na nabasa ko.

“Good morning—” Nabitin ang pagbati ko dahil hindi pala si Kiel ang naabutan ko sa kusina.

Ang tatlong kapatid na lalaki ni Yasser ay narito, prenteng mga nakaupo sa mga silya. Seryoso ang mga mukhang nakatingin sa akin bago bumaba sa aking tiyan kaya napahawak na lamang ako rito.

“A-Ano’ng ginagawa ninyo rito? B-Bakit kayo narito? Nasaan si Kiel?” Hindi ko maiwasan na kabahan lalo na sa mga seryoso nilang mukha.

“Sit down first, Yannie,” sabay-sabay nilang ani dahilan para mapalunok ako. Inalalayan ako ni Yleo na malapit sa akin, siya ang katabi ko ngayon.

“Are you happy without our brother?” diretsong tanong ni Yielo na ikinalunok ko na naman.

Hindi ako masaya. Nasanay ako kay Yasser. I’m not happy without him. Napayuko ako at hindi siya sinagot, hindi ko alam pero naiiyak ako. Bakit ako naiiyak?

“Yann—”

“Hindi . . . Hindi ako masaya. Miss ko na siya. Miss na miss ko na si Yasser,” pag-amin ko. Nanatili akong nakayuko, hinayaan ko ang mga luha ko na bumagsak.

“Who’s the father?” Doon ako napaangat ng tingin, sa tanong ni Yiem na hindi ko inaasahan.

“A-Ano’ng ibig mong—”

“Sino ang ama ng batang nasa sinapupunan mo?”

Napalunok ako. Napakaseryoso ng boses niya. Nakatatakot at nakakikilabot. “Yi—”

“Answer my f*cking question.”

Napaiyak na naman ako, kaagad naman akong hinawakan ni Yleo sa balikat. “Yannie, sino ang ama?” mahinahon na tanong ni Yielo.

Napalunok muli ako bago sagutin ang tanong nila, “Si Yasser. Siya ang ama.” Gumaralgal ang aking boses.

Natigilan sila at nagkatinginan, mga hindi-makapaniwala at may pagtataka. Umiyak lang ako. Umiiyak ako sa harapan nilang tatlo. Wala na akong pakialam kung nandiyan sila at pinagmamasdan ako.

“Funny,” si Yiem.

“Totoo ang sinasabi ko. Maniwala kayo. Siya talaga ang ama. Walang nangyari sa amin ni Kiel kahit isang beses,” pag-amin ko pa.

Nagbalikan man kami ni Kiel pero walang nangyari sa amin kahit isa. Naghahalikan kami pero hindi dumating sa puntong may nangyari sa aming dalawa. Hindi ko kaya. Tanging kay Yasser ko lamang kayang ibigay ang sarili ko. Ibinigay ko ang sarili ko sa kaniya nang hindi niya alam.

“Mahal mo ba . . .” Yielo trailed off. “. . .si Yasser?”

Nakagat ko ang labi ko. Bumuhos ang mga luha ko bago dahan-dahan na tumango sa kanila.  Mahal ko siya. Mahal ko ang kapatid ninyo. Sobrang tagal na.

“Mahal mo pero ipinakulong mo.”

“Kasi may kasalanan siya,” dipensa ko kaagad sa sinabi ni Yiem.

“Bakit, Yannie? Aksidente ang nangyari. Lasing ang kapatid—”

“Nang dahil sa kaniya ay nawala ang mga magulang ko!” Hindi ko napigilan na sumigaw at ilabas ang galit ko. “Hindi porke’t kapatid ninyo siya ay pagtatakpan ninyo na ang kasalanan niya! Magsi—”

“Ipakulong mo rin ’yang Kiel mo. Ipakulong mo ang totoong may sala, Yannie!” sigaw bigla ni Yiem na siyang ikinatigil ko.

Bigla akong natakot sa nakatatakot nitong sigaw. Napahawak ako sa lamesa para hindi tuluyang matumba. Kaagad naman akong hinawakan ni Yleo sa mga balikat. Nahilo ako pero kaagad ding nawala nang hilutin ko ito.

“You don’t know what Yasser’s condition is right now in jail, Yannie. Hindi dapat kapatid namin ang nasa kulungan ngayon. F*ck!” sigaw nito na siyang ikinatakot kong muli.

Nagpatuloy ang pagbagsak ng mga luha ko. Ayaw kong may mangyaring masama sa baby ko kaya pinipigilan ko ang emosyon ko. Nadala lamang ako kanina sa galit at hindi ko nakontrol. Hindi lang nga pala ako ang gumagamit ng aking katawan. May baby nga pala ako. Ang t*nga mo, Yannie. Paano na lang kung may nangyaring masama sa ’yo? Paano na lamang kung dinugo ka bigla?

“Please, parang awa ninyo na . . . Tama na. Ba—”

“Bakit, Yannie? Ayaw mo bang malaman ang totoo? Ang totoong may sala sa pagkawala ng mga magulang mo? Huh?” tanong naman ni Yielo.

“Kuya, please. She’s pregnant,” seryosong sabat naman ni Yleo na nakaalalay sa likuran ko.

“A-Ano pa ba’ng dapat kong malaman? Ano pa ba’ng kasinungalingan ang alam ko? Ano pa? Pagod na pagod na ako sa mga kasinungalingan! Sabihin ninyo na sa akin!” pumipiyok na sigaw ko.

Naiintindihan ko naman kung bakit sila ganiyan dahil ipinakulong ko lang naman ang kapatid nila — ang lalaking tunay na mahal ko, ang tinitibok ng puso ko.

“Bakit hindi mo tanungin ang magaling na si Kiel?”

Ano naman ang kinalaman ni Kiel dito? Kanina pa ito nadaramay na wala naman dito.

Sa hindi malamang na dahilan ay bigla na lamang ako nakaramdam ng kaba. Hindi kaya ito na ang sinasabi ni Jennica? May inililihim ba talaga si Kiel sa akin? Pero ano?

“Then tell me . . . Nasa—”

“Yannie.”

Napalingon ako sa lalaking kadarating lang. May pasa ito sa mukha. Mukhang bagong mga pasa lamang ang mga ito. Mukhang bagong bugbog siya.

“Kiel . . .”

“Ask him, Yannie. Tanungin mo siya para naman hindi maging masama ang kapatid namin sa ’yo na walang ginawa kung hindi ang protektahan ka sa gagong ’yan,” si Yielo.

“Kiel, ano’ng sinasabi nila? May hindi ba ako nalalaman?” umiiyak na tanong ko sa kaniya.

He smiled bitterly. May luhang tumulo sa mga mata niya. “I’m sorry, Yannie.”

Mas lalo akong kinabahan. Natatakot ako sa malalaman. Natatakot akong malaman ang sasabihin niya, kung ano’ng sasabihin ng bibig niya. May itinatago nga siya sa akin. Bakit lahat na lang may itinatago sa akin? Bakit puro kasinungalingan na lang ang lahat? Kailan ba matatapos ito?

“Nagmaakawa ako, Kiel. Please, sabihin mo na ang dapat kong malaman,” pagmamakaawa ko. Pagod na kasi ako sa mga kasinungalingan.

“I’m sorry, Yannie. Forgive me, please.”

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon