Chapter 11

50.8K 1.1K 16
                                    


"Baby?"

"B-Bakit?" utal kong tanong.

Tinitigan niya ako nang mabuti na akala mo sinusuri ako. Napakurap ako ng ilang beses. "May problema ba?" I asked.

Ipinilig niya ang ulo bago siya lumapit sa akin, "You, ikaw ang may problema. Tinawag kita ng ilang beses." He sighed.

Napakagat ako sa labi. Hindi lang kasi mawala sa isip ko ang lalaking iyon. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa akin, pero pakiramdam ko ay malaki ang parte niya sa buhay ko. Hindi naman ako nakalimot . . . o nakalimot ako pero hindi ko alam? I don't know. Naguguluhan na ako lalo na sa sinabi ng lalaking iyon na naging palaisipan sa akin.

Naipilig ko ang ulo ko at napabuntong-hininga. "Sorry. May iniisip lang," mababa ang boses kong sagot.

He sighed and caresses my hair. "Can you share it with me?" he asked.

Matutulungan niya kaya ako kung sasabihin ko sa kaniya?

Napabuntong-hininga muli ako at umiling. "Okay lang, okay lang naman."

Tumango na lang siya. "Kung may problema ka, sabihin mo kaagad sa akin, okay?"

Tumango ako. Niyakap niya ako at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. I hugged him back. Sumiksik din ako sa dibdib niya habang malalim ang iniisip. Hindi mawala sa akin ang sinabi ng lalaking iyon.

"Tara, labas tayo," aya niya.

Tumango naman ako. Pinagsawalang bahala ko muna ang iniisip ko.

Sumakay kami sa kotseng dala niya. Todo alalay siya sa akin sa paglalakad ko kahit na pagsakay sa kotse.

"Masyado ka namang gentleman." Natatawang sabi ko.

"Pero sa kama hindi ako gentleman. Mas gusto ko kasi sinasagad," sabi niya. Namula ako.

Naguumpisa na naman siya...pero sasabayan ko.

"Walang thrill kapag sagad agad tapos iyon lang. Dapat nantatali ka sa kama tapos nakapiring ang mga mata nung girl," I said and smiled.

Napatingin siya sa akin.

"Did you imagine that?" he asked, kunot ang noo.

"Oo, iyon kaya ang dream sex ko," sabi ko.

Napalunok siya. Muntik pa nga siyang mapapreno pero hindi niya ginawa.

"Damn it, Yannie," aniya. Naiiling.

"Bakit? Wala namang masabi doon, ah. Saka dream sex ko lang naman. Gusto ko ang gano'n. Ilang beses ko na din kayang naiimagine ang gano'n. Sino kaya ang gagawa sa akin noon?" wala sa sariling tanong ko.

Napamura nang mahihina si Yasser. Ilang beses. Napansin ko din na namumula ang kanyang mga tainga.

"Bakit ka namumula?" I asked.

"H'wag natin pag-usapan ang bagay na iyan, Yannie," nagbabantang aniya.

Napakunot ang aking noo. "Huh? Bakit naman? Wala naman masama doon, ah. Masyado ka namang kj," sabi ko.

"Yannie, lalaki ako. Lalaki ang kasama mo," aniya at parang nahihirapan.

"Ano namang connect noon sa sinabi ko?" tanong ko.

Malalim siyang napahinga. Bigla niyang hininto ang sasakyan at hinarap ako. Mariin ang kanyang tingin kaya napalunok ako. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba.

Para kasi siyang mananapak.

"Yannie, lalaki ako at mabilis akong maturn off sa mga ganyang usapan. Tumatayo ang alaga ko kaya itigil mo na iyan kung ayaw mong tuluyan kitang ma-angkin. At dito pa sa kotse ko. Masikip masyado dito kaya hindi natin mafefeel ang bawat isa," aniya at bumalik sa pagmamaneho na parang wala lang ang kanyang sinabi. At ako naman ay natameme. Wala akong naging salita.

Pretending to be a Gay (Sollano Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon