Chapter 9

794 57 1
                                    

"Mahal naming Ina!" Sigaw ng bata kay Gaia.

"What did you say?" Gulat niyang tanong.

"Isa po ako sa iyong anak!" Masigla nitong sagot habang nakayakap sa kanyang binti.

"You're crazy. Get off me!" Taboy niya rito.

Sapilitan niyang inalis ang maliliit nitong braso na nakayakap sa kanya. Humikbi naman ang bata.

"Don't treat a child like that, Gaia." Saway sa kanya ni Aurus. Nilapitan nito ang bata at bahagyang lumuhod upang makapantay ito. "Stop crying young lady," yumakap naman ang bata sa leeg ng lalaki.

"Hindi niya ako gusto. Ayaw sa akin ng Mahal naming Ina." sumbong dito ng bata.

Binuhat ito ni Aurus at humarap sa kanya. Walang emosyon naman niyang sinalubong ang tingin nito.

"Don't push your daughter away even you don't like her,"

Walang buhay na tumawa si Gaia. "Are you thinking that she's my child?" Hindi makapaniwala niyang tanong sa lalaki.

"Are you not?" Balik tanong nito.

Hindi makapaniwalang umiling si Gaia. "This is crazy," sambit niya at tinalikuran ang dalawa, ngunit humarang sa daan niya ang batang lalaki. 

"Maaari ka po bang sumama sa amin, Mahal naming Ina?" Nakayuko nitong sabi.

"Stop calling me your mother. I am not your mother!" Pagdidiin niya sa mga ito. Nauubos na ang kanyang pasensya sa dalawang bata na patuloy siyang tinatawag na Ina.

"Ikaw po ang Mahal naming Ina at kami ay iyong mga anak. Kung sasama ka po sa amin, malalaman mo ang ibig naming sabihin." Nakayuko pa rin nitong sabi.

"I trust no one." Malamig niyang tugon bago ito talikuran.

Kahit mga bata ito hindi pa rin siya dapat magtiwala lalo na't na sa delikadong kagubatan naroon ang dalawa. Dapat niyang unahin ang Doom's gate kesa sa mga ito. 

"Gaia," narinig niyang tawag ni Aurus.

"I'm not forcing you to stay here. I have my own job and do your own," sambit niya habang patuloy na naglalakad palayo sa mga ito.

"Doom's gate is gone."

Napatigil sa paghakbang si Gaia at muling humarap kay Aurus. 

"What do you mean?" 

"Habang wala kang malay, may mga grupo na sumugod sa Doom's gate. Maging ang mga guwardiya ay nagkagulo at inatake ang isa't-isa. Hindi iyon napigilan ng iyong mga kasama. Maging sila'y hindi inaasahan ang pagsugod sa Doom's gate."

Mahigpit na kumuyom ang kamay ni Gaia. Ito ang kaguluhan na kanyang inaasahan kaya pinaalis agad niya si Tana. Simula ng napansin niya ang kakaibang kilos ng ibang guwardiya, naghinala na siya. Pero, hindi niya inaasahan na susugod ang ibang dibisyon sa Doom's gate. 

"That's the reason why we end up here. Itinakas kita dahil ikaw ang puntirya nila." Muling sabi ni Aurus.

"Nabalitaan din po namin na namatay ang kasalukuyang Premier guard," kumunot ang noo ni Gaia sa sinabi ng batang lalaki.

"Saan mo nabalitaan 'yan?" Tanong niya.

"Sa buong bayan po ng Atar. Lahat sila ay natuwa dahil sa pagkawala niya. Hindi ko maintindihan kung bakit nasisiyahan sila sa pagpanaw niya," naguguluhan nitong pahayag.

"Don't think about it. You're too young to understand what's happening," sagot niya rito.

"Maybe going with them doesn't hurt you," suhestiyon ni Aurus.

Kingdom Warrior Series 1: Mark of the QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon