Paulit-ulit ang ginawang buntong hininga ni Aurus ng lumayo siya kay Gaia.
"You're asshole!" Sambit niya sa sarili at frustrated na ginulo ang kanyang buhok.
Sa kanyang ginawa, mas lalo niyang hindi makukuha ang tiwala nito. Mukhang disidido talaga itong paalisin siya sa Forbideria. Kahit ang ginawa niyang kundisyon ay hindi rito umubra.
Nagkamali siya.
Akala niya babawiin nito ang sinabi kapag iyon ang ibinigay niyang kondisyon pero masyado itong matigas para matakot.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Kung magmamatigas ito, ganun din siya. Hindi niya hahayaang mabigo sa kanyang gagawin. Hindi niya bibiguin si Tana para pangalagaan ang kapatid nito. Nangako siya sa sarili na gagawin ang lahat malunasan lang ang karamdaman nito at kailangan niyang tuparin iyon.
Nagdesisyon siyang balikan kung saan niya iniwan si Gaia, ngunit natigilan siya ng marinig ang isang boses.
"Maaaring magbago ang lahat kung titingin ka sa kanya bilang siya at hindi ibang tao."
Nilibot ni Aurus ang paningin upang hanapin ang taong nagsalita. Ngunit wala siyang ibang nakikita sa paligid kundi pader na lupa.
"Magpakita ka!" Seryoso niyang utos sa boses.
Marahang pagtawa ang narinig niya. Kung hindi siya nagkakamali, nagmula iyon sa isang matanda.
"Nakakatuwa. Pareho ang unang salita na inyong sinabi sa akin," muli nitong sabi.
Muli niyang inilibot ang paningin. Hindi niya makita kung saan nagmumula ang boses nito. Naririnig niya iyon sa bawat sulok ng mga pader.
"Sino ang tinutukoy mo?" Tanong niya. Kung gusto niyang malaman kung nasaan ito, kailangan nitong magsalita ng magsalita.
"Ang iyong kabiyak," Kumunot ang noo niya sa sinabi ng matanda. "Isa lang ang ipinapakita ng iyong reaksyon, hindi mo nagawa ang huling bahagi ng ritwal."
"Anong ibig mong sabihin?" Nalilito niyang tanong.
"Kung hindi mo nagawa ang importanteng bahagi ng ritwal, ibig sabihin wala siyang obligasyon sa tribo. Maaari siyang umalis kung nanaisin niya." Muling sabi ng matanda.
Hindi pa rin niya matukoy ang lokasyon nito. Gumugulo naman sa isip niya ang gustong iparating ng matanda.
"Sa oras na ito, dumating na ang panauhin ng tribo para sapilitang kunin ang Pinuno. Hindi sila papayag na manatiling narito ang bagong Pinuno ng tribo. Sa tingin mo anong gagawin niya?"
Hindi agad nagsalita si Aurus. Iisa lang ang naglalaro sa isip niya, si Gaia ang tinutukoy ng matanda.
"Sa tingin mo ba hahayaan niyang mapahamak ang tribo mula sa kalaban o isasakripisyo niya ang kanyang sarili upang iligtas ito?"
Muling napaisip si Aurus. Sadyang matigas ang kalooban ni Gaia ngunit sa ilang araw nilang magkasama, mas iniisip nito ang kapakanan ng iba.
Bumundol ang kaba sa kanyang dibdib ng maisip ang maaari nitong gawin. Hindi na niya pinansin ang boses ng matanda at nagmamadaling umalis.
"Sinukuan na niya ang kanyang sarili, kaya sana huwag mo siyang susukuan." Iyon ang huli niyang narinig sa matanda bago tuluyang makalayo.
Hindi nakita ni Aurus si Gaia kung saan niya ito iniwan kanina. Sinubukan niya itong hanapin sa lugar pero bumabalik lang siya sa pinanggalingan. Parang umiikot lang siya at hindi umaalis sa kinatatayuan.
BINABASA MO ANG
Kingdom Warrior Series 1: Mark of the QUEEN
حركة (أكشن)Fighting is required. Killing is a choice. How will you face a situation where killing is required? Simula pagkabata iniiwasan na si Gaia ng lahat dahil sa kakaibang marka sa kanyang mata. Iniisip nila na isa iyong sumpa at isa siyang malas na dapa...